waloako Senior Member
Dami ng Post : 761 Puntos : 6308 Salamat : 1 Lokasyon : diocese ng novaliches Nagpatala : 2007-09-10
| Subject: "first nation" o "one nation" September 19th 2008, 6:16 am | |
| kinilala ang mindanao bilang "lupang pangako". ang imaheng ito ay naglalarawan ng lupang hitik sa gatas at pulutpukyutan, lupang mayaman sa oportunidad para sa sinumang nais na makibahagi sa yamang handog ng manlilikha. pero ang imaheng ito ay nagiging baog at palpak sa harap ng mga taong saksi sa mapait na realidad ng matinding kahirapan, kawalan ng boses at kapangyarihan ng milyong katutubong naninirahan dito, at ang walang kapararakang karahasan sa kabundukan nito-- ang madugong kasaysayan mismo ng mindanao na nagpapatuloy sa naguumapaw na karahasan na umaabot na hanggang sa kapatagan nito, at naghahatid ng pagkaligalig at pagkatakot sa buhay ng mga mamamayan nito, kapwa sa mga tubong mindanao at sa mga dayo sa mindanao.
tungkol sa kasalukuyang kaganapan duon--- ito ay PERSONAL kong opinyon, pasintabi. hindi ito opisyal na pahayag ng grupo ko (dahil wala pa naman).
UNANG punto. kilalanin natin na espesyal at natatangi ang papel ng mga kapatid nating Moro sa istorikal na pakikibaka sa kalayaan laban sa dayuhan, nuon pa mang panahon ng pananakop ng Espanya. ang kanilang katapangan, ang kanilang kagitingan, ang kanilang kabayanihan, ay hindi dapat limutin at dapat hindi mabura sa mga pahina ng kasaysayan.
PANGALAWAng punto. diinan natin na ang kasaysayan ay hindi tuod at istatiko, subalit daynamikong nagbabago at hinuhubog ng mga materyal na kondisyon ng ating lipunang ginagalawan, kung kaya mahalagang, unawain ng mga kapatid na Moro, na lipas na ang materyal na kondisyong mayruon nuong sinauna pang panahon. at anumang solusyong babalangkasin ay dapat na timbangin ayon sa kung anong materyal na kondisyon ang nananaig sa kasalukuyang panahon.
PANGATLO, sa patunay ng maraming kakilalang muslim at kristiyano na kapwa naninirahan sa mga lugar na apektado sa Mindanao, at sa testimonya ng mga kaibigang misyonero na duon din sa mga islang iyon ngayon nadestino at sa mismo ding paglalahad ng obispo ng Iligan. maliwanag na ang tunggalian sa Mindanao ay hindi naman talaga tunggalian ng relihiyon. may mga kapatid na Muslim pa nga kamo ang nagkupkop sa mga Kristiyano, sa isang mosque para hindi madamay sa malawakang pagpatay ng mga puwersa ng MILF. at pinatakas sila para hindi madamay. oo may mga bumubuhay ng lumang lumang isyu ng tunggalian ng mga tagasunod ni Allah at taga sunod ni Kristo, pero hindi ito ang pangkalahatang sentimyento sa mas nakararaming ordinaryong Muslim at Kristiyano.
ginagamit na lamang ang resureksyon ng laos na tunggaliang ito, upang pagtakpan ang tunay na karakter ng tunggaliang nagaganap sa Mindanao.
at ano nga ba ang tunay na karakter ng gubot sa Mindanao? ang tunay nitong karakter ay PULITIKAL na at EKONOMIKAL.
PRO o ANTI ba ako sa pagsasarili ng BANGSAMORO? at ano ang tindig ko sa ISYU ng MOA-AD?
ang unang tanong ay mabigat sagutin, kung magagawan ng maayos na usapan na hindi na kakailanganin pang sila'y mahiwalay sa Pilipinas, sana ay huwag na. Muslim at Kristiyano ay, kapwa naman PILIPINO. pero kung ito ang talagang nais nila, kilalanin nating dapat ang karapatan nila sa kalayaang magiting nilang naipagtanggol simula't sapul pa ng kasaysayan. sa tanong na ito nagtatalo ang dugong Nasyonalismo ng madami sa atin, at ang kagustuhang, igawad ang kalayaan sa pagsasarili sa kanila. ngunit manaig nawa na katigan natin at pakinggan kung ano ang nais ng mga kapatid nating Moro, para sa akin ang tunay na pag-ibig sa kapwa kasi ay mapagpalaya. parang isang pamilya, kung nais ba namang maglayas ng isang anak ni Pilipinas, eh kahit masakit kay Pilipina, kailangan niyang bigyang laya ang kanyang anak, at matuto ito sa sarili nitong sikap, na makatayo sa sarili nitong paa.
ngayon, ano namang sagot ko sa pangalawang tanong?
kung papayagannatin silang makipaghiwalay, oo nga naman kelangan ng isang tratado at isang kasunduan. subalit ang pagkukulang ng kasalukuyang MOA-AD ay ang prosesong dinaanan nito sa pagbabalangkas. bakit? kagaya ng iba pang tratadong pinilit ipasa, ilusot at may ilan ngang naipasa na, ang mga tratadong binalangkas ng kasalukuyang rehimen ay palagi na lamang may nangingibabaw na karakter---- mga tratadong, minadali, bumabastos sa proseso at institusyon at hindi kumukunsulta sa mamamayang higit na maaapektuhan ng mga ipinapangako ng mga tratado. walang ikinaiba ang MOA-AD na ito. isang pasabog na ipinagyabang ni Tita Glue sa kanyang ikawalong pagsisinungaling-ulat sa bayan, ang pagkakahanap daw niya ng solusyon sa usaping ancestral domain ng mga kapatid na Moro. ang nakakataas ng kilay, bakit inilabas lamang ang buong teksto ng MOA-AD sa mga dapat sanang makabasa muna nuon, nuong alas diyes ng umaga ng araw ng nasabing pirmahan sana ng nasabing MOA-AD.
gayong ang MOA-AD ay makakaapekto sa maraming baranggay na otsenta porsyento'y (80%) Kristiyano na ang populasyon. at, hindi sila sinabihan. palusot ng pamahalaan? dadaan naman daw sa plebisito? eh kung dalawang beses na nga silang nag NO sa dalawang beses na magkahiwalay na plebisitong naganap nang tanungin ang mga baranggay na ito kung pasasali sila sa ARMM, ngayon pa kaya sila sasali na hindi lang basta ARMM ito kundi pagsasarili na mismo ng bangsamoro?
at kung tunay na dadaan pa ito sa plebisito, bakit isinama na agad sa MOA, bakit hindi na lamang isang pangungusap na nagsasabi na magkakaruon pa ng plebisito, bilang proseso sa pagdedetermino ng mga baranggay na masasakop?
ito ba ay tapat na kagustuhan ng rehimeng ito na bigyang solusyon ang usapin ng ancestral domain sa Mindanao, o isang pabalat bunga, kaplastikan, at bahagi ng political script ng nakaupong rehimen? para paigtingin ang antagonismo, at bigyang dahilan ang opensiba ng militar sa mga kapatid na Moro? buhayin at bigyang resureksyon ang hidwaang pangrelihiyon gayong hindi naman na ito ang ugat ng away dito... tsk tsk.
at bakit, at bakit at BAKIT nga pala, nakasilip na naman si uncle sam at hovering sa bayan ni juan? ano ang meron sa cotabato? BLACK GOLD. sagot ng obispo ng cotabato. huhmmm...
BLACK GOLD. na mas mayaman pa sa produksyon at imbak na makukuha sa bansang BRUNEI. huhmmm...
at bakit mabait ang MALAYSIA? bakit bakit bakit? nasaan ba ang SABAH. masasakop ba ito ng BJE pag nagkataon? huhmmmm...
ang hirap ng isyung kumulambo sa pagitan ng parehas Pilipino sa Mindanao... samantalang kung tutuusin ang pangunahing inaasam lamang ng mga ordinaryong mamamayang naruon ngayon ay hindi na talaga isyu ng awtonomiya, subalit nauuwi na sa pangaraw-araw na paglagpas sa krisis na hinaharap nila, krisis ng kawalan ng kapayapaan, at puno ng takot at pangamba.
ang tunay naman talagang solusyon sa pangmatagalang kapayapaan ay ang pananaig ng tunay na hustisyang sosyal at pagkakapantay-pantay.
duon naman nagsimula ang mga pag-alma, at pagaalsa. antagonismo, sa magkaibang kultura't pananampalataya. kawalan ng respeto sa isa't isa, at patuloy na pag-apak ng karapatang pantao sa parehas na panig.
at dagdag pa ayon nga sa mga salita ng nasyonalistang si diokno, hanggat walang sapat na pagkain, trabaho, at lupang masasaka ang mamamayan, hindi kailanman magkakaruon ng pangmatagalang kapayapaan.
kalunos lunos na nagpapatayan ngayo'y Pilipino at kapwa rin niya Pilipino.
dapat kondenahin ang pamahalaan sa pangangako ng tratadong wala naman talaga itong balak tuparin. dapat kondenahin ang sagad sagarang pagkapanatiko ng ilang mga Muslim, sa Islam, daan para, itulak sila nitong pumatay. si Allah ay Diyos ng kapayapaan, nasaan ang kapayapaan sa pagpatay ng kapwa tao? dapat kondenahin ang mga Ilaga, na naglalagay ng batas sa kanilang mga kamay, Kristiyano ang karamihan kundi man lahat ng kasapi nito, nasaan ang tunay na pagsunod ninyo kay Kristo? ang panukat na ginamit mo sa kapwa mo ay gagamitin din sa iyo. dapat kondenahin ang lahat ng nakikisawsaw lang sa isyung ito, dahil may personal interes sa mayamang lupain ng Mindanao. dapat kondenahin din ang panatikong mga makabayan, na pinipigilan ang mga kapatid na Morong magsarili, karapatan nila ito, pero sana ang karapatan ay gamitin sa maayos, at may kaakibat itong obligasyon. ayoko man natin silang humiwalay pero igalang natin ang gusto nila, na pinatunayan naman nilang karapatan nila, subalit ilagay lamang sa tamang paguusap. huwag din silang maging mananakop na rin, kung gayon ano pang pinagkaiba nila sa mga sumakop sa kanila?
tahiin lamang naman sana ang BJE, at huwag nang ipilit pang bawiin ang bayan na hindi naman talaga na ngayon napapamahayan ng mga Moro. tanggapin natin na iba na ang materyal na kondisyong mayruon sa kasalukuyang panahon.
pero malayo ang pangarap na ito. at wala akong ilusyong may sasapitin ang paglalahad ko ngayon. ang punto lang ay, ganito talaga ang tug-of-war, pag kapangyarihan sa kapwa tao ang usapan. tsk tsk tsk.
FIRST NATION* o ONE NATION?
*sa MOA-AD kasi at sa ibang mga pahina ng kasaysayan, kinilala ang bangsamoro bilang FIRST NATION, dahil nga istorikal na kasaysayang hindi naman ito nasakop ng Espanya, subalit ikinabit pa rin bilang bahagi ng ibenentang kolonya sa Estados Unidos sa nilagdaaang Treaty of Paris...
at bakit ba ako napablag-ag hehehe dahil galing ako sa forum nung lunes ng gabi, sa st. peter parish, na dinaluhan ng mga layko, clergy at madre ng diocese ng novaliches (diocese namin ang nagorganisa), kung saan nagulat ng kaganapan ang tatlong bisitang obispo, ang obispo ng zamboangga, ng cotabato at ng iligan, at naruon din si bp. iniguez na tubong mindanao pala, at ang aming obispong kay tagal na naging obispo ng pagadian.
Last edited by Punong Abala on September 22nd 2008, 7:54 pm; edited 2 times in total (Reason for editing : yung image di pasok eh) | |
|
waloako Senior Member
Dami ng Post : 761 Puntos : 6308 Salamat : 1 Lokasyon : diocese ng novaliches Nagpatala : 2007-09-10
| Subject: Re: "first nation" o "one nation" September 19th 2008, 6:34 am | |
| | |
|
gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6056 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Re: "first nation" o "one nation" October 2nd 2008, 2:12 pm | |
| hanggang ngayun nahihirapan pa rin akong intindihin ang bangsamoro issue ;(( | |
|
darkuranus Junior Member
Dami ng Post : 546 Puntos : 5974 Salamat : 3 Lokasyon : naga city Nagpatala : 2009-04-04
| Subject: Re: "first nation" o "one nation" September 1st 2009, 10:15 pm | |
| anoba ung bangsamoro issue? | |
|
Lanyag Clara Senior Member
Dami ng Post : 2248 Puntos : 5908 Salamat : 6 Lokasyon : Bulubunduking Lalawigan Nagpatala : 2008-12-13
| Subject: Re: "first nation" o "one nation" September 10th 2009, 6:58 pm | |
| hmmmm..mahaba-habang usapan yan!...
| |
|
Sponsored content
| Subject: Re: "first nation" o "one nation" | |
| |
|