Latest topics | » US preparing war on North Korea and Iran!December 23rd 2017, 4:01 pm by James307 » MASAHISTA GROUP SA FB. (Massage and Spa Therapist)December 11th 2017, 2:41 pm by Ametron29 » Join PlanetRomeo and Manjam site. (Dating and fun)December 11th 2017, 2:23 pm by Ametron29 » Tunay na kahulugan ng buhay...December 10th 2017, 5:20 pm by James307 » Mga Pre. Masarap din magmahal ng tomboy...December 10th 2017, 5:18 pm by James307 » Strict gun ownership/policy and no to riding in tandemn/Ejk!December 10th 2017, 5:17 pm by James307 » Wonderful Story: Isang babae ang lumapit sa Pastor. December 10th 2017, 5:14 pm by James307 » Watch: Jesus film and Christian celebrities.December 10th 2017, 5:12 pm by James307 » BIG ONE AND WW3 IS COMING SOON... December 10th 2017, 5:10 pm by James307 » PAYPAL MONEY INCOMEAugust 10th 2016, 11:50 pm by jafdynasty » Much Awaited Movie This YearFebruary 9th 2015, 1:48 pm by justIGOR » musta mga repapipsFebruary 6th 2015, 3:53 pm by justIGOR » kALaYaAn... sAaN aT kAiLaN?February 5th 2015, 2:05 pm by justIGOR » Pinoy TriviaFebruary 5th 2015, 1:35 pm by justIGOR » Apps para sa mga masekreto at chismosaFebruary 4th 2015, 11:36 am by justIGOR » Cellphone ApplicationFebruary 4th 2015, 11:03 am by justIGOR » LoginFebruary 4th 2015, 10:35 am by justIGOR » PET LOVERS: SHIH TZUJanuary 8th 2015, 10:17 pm by James307 » OPLUS AND WINDOWS PHONE LUMIAJanuary 8th 2015, 10:16 pm by James307 » SMARTBRO POCKET WIFIJanuary 8th 2015, 10:15 pm by James307 » IPASA ANG FOI BILL! IBALIK ANG DEATH PENALTY!!!January 8th 2015, 10:12 pm by James307 » Christian Theology 101: Idolatry and Graven ImagesJanuary 8th 2015, 10:11 pm by James307 » Except a man be born again he cannot enter the God's KingdomJanuary 8th 2015, 10:10 pm by James307 » Facebook GroupSeptember 6th 2013, 4:33 am by tagubilin» SurveyJuly 19th 2013, 11:27 am by Punong Abala |
Poll | | Anung Cellphone Brand ang user friendly para sa inyo? | Nokia | | 62% | [ 8 ] | Samsung | | 23% | [ 3 ] | Motorola | | 0% | [ 0 ] | Sony Ericson | | 15% | [ 2 ] | LG | | 0% | [ 0 ] | VodapHone | | 0% | [ 0 ] | Alcatel | | 0% | [ 0 ] | Wala sa Nabanggit | | 0% | [ 0 ] |
| Total Votes : 13 |
|
Who is online? | In total there are 42 users online :: 0 Registered, 0 Hidden and 42 Guests None Most users ever online was 247 on November 21st 2024, 10:22 pm |
Statistics | We have 482 registered users The newest registered user is Ametron29
Our users have posted a total of 50867 messages in 1271 subjects
|
|
| DIARY | |
|
+22gneth ashley07 tagubilin angelbhabe athena bantay belle mark_7th gelay inang kalikasan Gemini's Waltz™ silip_lang username yulei waloako Xaviour Jhuly marya wvines dhayan Punong Abala onid 26 posters | |
Author | Message |
---|
onid Moderator
Dami ng Post : 2229 Puntos : 6234 Salamat : 0 Lokasyon : Pasig Philippines Nagpatala : 2007-10-31
| Subject: DIARY November 13th 2007, 10:07 am | |
| First topic message reminder :
Diary ko to ok pede rin kau makigamit...
Kagabi sumakay ako ng bus pauwi, Puno pero konti lang ang mga nakatayo.isa na ako dun then nag dumaan sa Robinsons, madaming bumaba. Syempre nakaupo naman ako kaagad then naubusan ng spaces para maupuan. then may mga sumakay na mga pasahero.May sumakay na babae na naka uniform ng kanyang trabaho, malapit saakin pero di katapat. gusto kong tumayo para i offer ang aking upuan perosa di ko maipaliwanag na dahilan hindi ko kayang tumayo at kalabitin ang babae. Praning yun siguro ang pinaka magandang term na naramdaman ko kagabi. Hindi ko ba alam kung nahihiya ako o abnormal lang. Ang di ko pa maintindihan, ganung bagay lang nababahala ako di ko lang mapaupo ung dalaga e feling ko hina-haunt na ako ng kunsenysa ko. PRANING talaga.. then may bumaba na nakaupo sa harapan ko e may nakatapat na lalaki sa upuan. Nature ng tao na umupo kaagad. Pero hindi pinili nyang paupuin ung dalaga. Ouch!! feeling ko sinaksak ako sa leeg. Kulang na lang sabihin nung lalake saakin, "Ano ba yan, parang walang gentle man dito ahh!" ang sakit.. ang hirap mag karoon ng konsenysa. ang bigat ng feeling. | |
| | |
Author | Message |
---|
silip_lang Active Member
Dami ng Post : 3646 Puntos : 6355 Salamat : 2 Lokasyon : Balanga City, Bataan Nagpatala : 2007-11-27
| Subject: Re: DIARY July 23rd 2008, 7:33 pm | |
| Dear diary,
My best friend has a boyfriend. Her boyfriend loves her so much. At alam niyang kelangang mahalin niya din ang lalaking ito for some reason..She has to.
Pero merong problema. Meron siyang gustong iba. Sa simula ay simpleng crush lang niya ang guy but before she knew it she fell inlove with that guy…How can she help it?? That guy is so adorable…sobrang bait at cute…talaga namang boyfriend material..
Bukod sa meron siyang boyfriend, ang isa pang problema eh hindi daw sila maaaring magkatuluyan because they are related to each other..eh ano pa nga bang magagawa ng lola ko kundi ilihim ang feelings niya ever..
One time, may event na ginanap sa kanilang church…super haba ng hair ng lola ko dahil buong event na iyon eh si boylet ang kasama niya… They danced..they ate together..although kasama niya ang boyfriend niya dun pero parang wala siyang nakikita kundi si boylet niya…Malantong ang loka hehe..
Kinikilig siya everytime na magkasama sila…lalo pa’t mayroong nagsasabing bagay sila…How she wish na they are meant to be together…That day sa event na sinasabi ko nagpakuha siya ng drinks sa boyfriend niya..and to her surprise kasunod ng boyfriend niya si boylet na may dala ding drinks for her….pero siyempre para di mapahiya si boylet, he just drink it himself…pero siyempre kinilig ang lola ko dahil sa nakita niyang reaction ni boylet..ano pa nga ba eh di tuwang tuwa naman si lola ko….
Without knowing it..nararandaman pala ng boyfriend niya lahat…at siyempre di na lang kumikibo…dahil ayaw niyang mawala sa kanya si best friend…yan tuloy di malaman ni loka kung ano gagawin niya..
Ano nga ba ang dapat niyang gawin?? Manatili sa pangakong binitiwan o palayain ang puso at ibigin ang totoong mahal niya?? Paano naman si boyfriend niya?? Hay pag-ibig nga naman… | |
| | | Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6542 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: DIARY July 24th 2008, 10:56 am | |
| Sino yung "hindi daw sila maaaring magkatuluyan because they are related to each other?"
| |
| | | silip_lang Active Member
Dami ng Post : 3646 Puntos : 6355 Salamat : 2 Lokasyon : Balanga City, Bataan Nagpatala : 2007-11-27
| Subject: Re: DIARY July 24th 2008, 11:02 am | |
| yung bestfriend ko at si boylet....sabi 4th cousin daw sila.... | |
| | | Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6542 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: DIARY July 24th 2008, 12:02 pm | |
| sa civil law pwede iyan makasal... ewan ko sa inyo pero sa Catholic Church may Dispensation na ibinibigay ang ganyang Conseguinity... so kung yung pagiging kamag-anak lang inaalala walang hadlang dito... malaya sa batas civil at sa Simbahan...
Ang dapat tanungin ay yung totoong nararamdaman ng bestfriend mo... isipin na lang niya kung yung kanyang Boyfriend ang may napupusuang iba... ano naman kaya ang kanyang mararamdaman... at kung sakaling may napupusuan na iba ang kanyang Boyfriend mas magiging masaya ba siya kung sasabihin na lang nung Boyfriend niya na maghiwalay na sila dahil may iba na siyang napupusuan... at kung yung Boyfriend ng Bestfriend mo ay itinago ang sitwasyon na ito hindi ba't magagalit siya dahil iisipin niya na "niloko" siya ng Boyfriend niya...
Kung ano ang mararamdaman ng Bestfriend mo kung babaliktarin ang sitwasyon ay siguradong nararamdaman rin ng Boyfriend niya ngayon... at mas makabubuting huwag na huwag gawuin sa iba ang ayaw mong gawin nila sayo... ang tawag dito ay paggalang sa damdamin ng kapwa... hindi pa natin pinag-uusapan ang pagmamahal dito... pero walang pagmamahal kung walang paggalang...
| |
| | | silip_lang Active Member
Dami ng Post : 3646 Puntos : 6355 Salamat : 2 Lokasyon : Balanga City, Bataan Nagpatala : 2007-11-27
| Subject: Re: DIARY July 25th 2008, 4:47 pm | |
| pero hindi ba't mas mabuting sabihin niya dahil mas maskit kung itatago niya iyo???...nahihirapan na siya mas niloloko pa niya ang bf nya...
ang tanong lang eh kung mahal din ba siya nung guy na gusto niya??
| |
| | | angelbhabe Newbie Level II
Dami ng Post : 161 Puntos : 6025 Salamat : 0 Lokasyon : caloocan Nagpatala : 2008-06-12
| Subject: Re: DIARY July 27th 2008, 8:44 am | |
| dear diary,
naturn off ako ng sobra sobra sa isang taong binigyan ko ng chance para alagaan, makasama at mahalin ako
nanghihinayang lng ako kasi bihira lng ako mgbigay ng ganun chance... sayang lng din kasi malapit n sanang mahulog ang loob ko sa knya siguro may angel nga talaga ako...my angel wont permit me para makaranas ng mga heart aches. pa..ky din nangyari un kasi maybe his love and care is fake
siguro di p tym para mag ka bf, at ma in love ....
pero ngyon pinadlock ko n ulet ung puso ko hahahah..its safe and secured :angel 2: | |
| | | belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6584 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| Subject: Re: DIARY July 29th 2008, 10:14 am | |
| dear diary, nagising ako kanina mga bandang 3am.. di kasi maganda pakiramdam ko kahapon.. ayun mga 8pm, natutulog na at sobrang sakit ng ulo ko.. ang maganda dun, nagising ako ng isang magandang panaginip.. pero di ko lam kung maganda ba yun.. or dahil meron akong gustong mangyari. meron akong nakitang isang nilalalang sa aking panaginip. tas binigyan daw lahat kami ng chocolate cake na iba-iba ang size.. (baka kasi naisip ko kagabi na padalhan mama ko ng tiramisu cake.. hahah.) lahat daw kami binigyan ng cake na iba-iba sukat at design.. meron pang korteng puso.. then ewan.. nakalimutan ko na ano next nangyari.. hahah. basta natandaan ko ay yung cake.. di siya kasing-sarap ng inasam kong chocolate cake.. pero panu ko malaman e di ko natikman.. dahil nagising na ako.. ganda lang ng pagkagawa ng decoration nung cake.. hahahah. hay.. bakit kaya ganun panaginip ko noh? interpret mo naman diary.. hahah diko alam meaning ng cake sa panaginip.. | |
| | | silip_lang Active Member
Dami ng Post : 3646 Puntos : 6355 Salamat : 2 Lokasyon : Balanga City, Bataan Nagpatala : 2007-11-27
| Subject: Re: DIARY July 30th 2008, 4:57 pm | |
| dd,
happy lola ko kasi she found out na may feelings din sa kanya yung mahal niya....pero di pa rin talaga pwede hehe
| |
| | | waloako Senior Member
Dami ng Post : 761 Puntos : 6309 Salamat : 1 Lokasyon : diocese ng novaliches Nagpatala : 2007-09-10
| Subject: Re: DIARY August 5th 2008, 12:33 pm | |
| dear diary namiss kita, namiss ko ang kp, anong bagong sekreto ang alam mo, wag kang makasarili diary, ishare mo naman yan. naku ang dami kong pinagdadaanan ngayon kulang na lang lumuha ako ng dugo diary, mahal ko talaga siya, eh ano kung ikakikitil ito ng nagiisang buhay ko? paano, paano na, kung... maiwala ko siya? diary, salamat ah, andyan ka pa rin, para sa akin, para sa amin... diary, may umamin ba sa iyo ditong mahal niya ako, bulong mo sa kin pag meron hahahaha joke lang sige na nga confidentiality kung confidentiality basta ako mahal ko siya. peryod walang bura. ^___^ | |
| | | belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6584 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| Subject: Re: DIARY August 6th 2008, 12:21 pm | |
| dear diary, nakita ko si crush kanina.. abah kulay orange ang suot. kala ko di niya ako ngi-ngitian,, ayun smile na din ako sa kanya.. ahahay.. isa pa, di ko talaga minsan maintindihan takbo ng mundo. naku, kung maintindihan ko.. ayaw ko intindihin.. baka kukulubot agad mukha ko.. pero di nga dear diary, devastated? teka masyadong harsh naman ng word na yun.. hinayang? di rin yata, isip pa ako ng tamang word para madescribe ko.. shaken.. di rin.. stunned? di rin. basta, ganun yun.. pero ayun, lagi kong nakikita kung isa kang stardust lamang. stardust daw... ano ba yun.. nanaginip lang yata talaga ako. bukas naman isip at mata, minsan nga lang meron nakatakip.. o kayay pilit tinatakpan. ganun nga talaga. naintindihan mo naman ako dear diary di ba? atin-atin na lang ito.. | |
| | | tagubilin Senior Member
Dami ng Post : 1510 Puntos : 6128 Salamat : 4 Lokasyon : super novalichessss! Nagpatala : 2008-04-13
| Subject: Re: DIARY August 11th 2008, 8:45 am | |
| Bespren pagamit ng Diary ha Dear diary Alam mo po ba nitong mga nakaraang araw super feeling ko ako lang mag isa nakatira sa mundo, salamat na nga lang dahil po hindi lang iisa ang mga masasayang alaala sa aking puso at isipan, kahit na lonely ako, isipin ko lang ang mga magaganda at adventure sa buhay ko nagiging masaya pa ako sa ngayun may namimis ako ;( 7:45 AM | |
| | | ashley07 Junior Member
Dami ng Post : 594 Puntos : 5985 Salamat : 0 Lokasyon : Balanga,Bataan,Philippines Nagpatala : 2008-07-18
| Subject: Re: DIARY August 12th 2008, 7:58 pm | |
| | |
| | | tagubilin Senior Member
Dami ng Post : 1510 Puntos : 6128 Salamat : 4 Lokasyon : super novalichessss! Nagpatala : 2008-04-13
| Subject: Re: DIARY August 13th 2008, 2:18 am | |
| HI Bespren's Diary!!!! 1:11 am hindi pa din ako dinadalaw ng antok dahil narin siguro wala ako sa bahay ko, Narito ako sa pangalawang bahay ko ang office namin, Isang buwan na lang mag iisang taon na din pala ako dito, akala ko contractual lang ako as a customer service pero ang saya kasi mag 1 year na ako, biruin mo natiis ko ang mga nagaalab at minsan naghihimagsik na damdamin ng bawat tumatawag sa akin, sa loob kaya ng ilang buwan nag grow ako? bukod sa nadagdagan talaga ang timbang ko aking pa sumandaling iisipin kung akoy nag grow ba bilang tao hmmmm *kasalukuyang nag iisip* Nitong mga nakaraang araw na enjoy ko ang mga sandali ko sa trabaho lalo na at nalalampasan ko ang mga tawag ng mga nanggagalaiting caller, kapag may nasosolve akung problema ang sarap ng pakiramdam Sa ngayun kahit na isang linggo na kakaiba ang sched ko 4am-1pm okey lang i eenjoy ko na lang!!! *ang sarap magtrabaho hindi para sa sarili mo kundi para sa pamilya mo* Oh siya cge bespren's diary pasyal pasyal naman ako sa ibang article at na eenjoy ko na dito hindi na ko nahihilo ciao2449@yahoo.com | |
| | | angelbhabe Newbie Level II
Dami ng Post : 161 Puntos : 6025 Salamat : 0 Lokasyon : caloocan Nagpatala : 2008-06-12
| Subject: Re: DIARY September 2nd 2008, 8:18 am | |
| dear diary,
naiinis ako .... kasi palagi nlng akong nahuhuli huhuhuhu may bf n ang cuzin ko may iba ng dinadalng babae ung isa ko pang cuzin may bf/ asawa na silang lahat , ako nlng ang wala pa ....
sbi ng iba, kung gusto mo n daw wag ng pahirapan pa kung di sila seryoso, mg join k din dpt daw marunong k makipaglaro .... ewan ko lahat ata big deal skin, sagutan palang nahihirapan n ako weird tlg
ayy dami dami ngrereto skin, mga tita ko, friends ko, hanapan daw nila ako tpos ung isang friend ko, ung pamangkin nlng daw nya, bagay daw kami ... sbi ng mga kamag anak ko, punta nlng daw ako sa canada at dun maghanap ng jowa at maganda p daw mgiging anak ko
diary, c luv team nga andyan parin hanggang ngyon, nanliligaw pa rin.. nttkot kasi akong sagutin pero aaminini ko may spark n akong nararamdaman s knya pero di ko alam kung ung spark n sinasabi ko is love na .....
natatakot din ako khit sbi nya in love daw sya skin pero ang tanong ko pwede bng mainlove sa isang tao pero naiisip pa rin nya ang ex nya?
gusto ko kasi , ako lng ung nag iisa sa puso , selosa ako eh..tsaka unfair di ba, ako kung sakaling mg bbf ako,as in empty space ang madadatnan nya....
yun lng maaga ako ng log in para ihayag ang dilema ko ngyon hahhaha | |
| | | Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6542 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: DIARY September 2nd 2008, 6:41 pm | |
| Dear Diary,
Gusto kong sumulat pero hindi ko maumpisahan.
Medyo tinatamad pa ata ang utak ko na duguin.
Pero nahihirapan na akong isipin lahat ng ito.
Kailangan ko na talagang isulat ang laman ng aking isip.
Sana bukas sipagin na ako. | |
| | | gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6057 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Re: DIARY September 3rd 2008, 1:23 pm | |
| Pagamit din ha... heheheh Dear Diary, Medyo di maganda ang gabi ko kahapon... Dami ko nalaman na related sa past, eto na ko eh, nagsisimula ng bangon tapos ayan na naman... hay Tapos i got paranoid pa... ayoko nitong nararamdaman ko, pero wala akong magawa... | |
| | | inang kalikasan Junior Member
Dami ng Post : 699 Puntos : 6136 Salamat : 0 Lokasyon : nueva ecija,tarlac Nagpatala : 2008-02-15
| Subject: Re: DIARY September 7th 2008, 11:56 am | |
| pagamit din po... dear diary, madami akong iniisip ngayon lalo na malapit na ang finals at maraming mga requirements ang kailangang isubmit on time...pero wala pa akong nauumpisahan... :very sad: hindi pa rin kami nagkakaayos ng mga kaibigan ko..namimiss ko na yung masayang kwentuhan namin nina bitak at yung mga kagaguhan namin na sa kanila ko lang natutuhan... nahihirapan pa rin akong magtiwala sa ngayon parang ang daming nangyari na hindi ko pa rin lubos maisip na mangyayari sakin...lalo na nung magkaruon ako ng problema sa dorm... pero mas ok na ako ngayon naisip ko na walang mangyayari kung magmumukmok lang ako at palaging iiyak!!!!!matanda na ko at kailangan ko ng harapin ang hamon ng buhay ng my tapang!!!! .............BE HAPPY!!!! | |
| | | tagubilin Senior Member
Dami ng Post : 1510 Puntos : 6128 Salamat : 4 Lokasyon : super novalichessss! Nagpatala : 2008-04-13
| Subject: Re: DIARY September 9th 2008, 9:09 pm | |
| | |
| | | inang kalikasan Junior Member
Dami ng Post : 699 Puntos : 6136 Salamat : 0 Lokasyon : nueva ecija,tarlac Nagpatala : 2008-02-15
| Subject: Re: DIARY September 10th 2008, 10:53 am | |
| pagamit po ulit... Dear diary, Nalulungkot ako kagabi kasi birthday ni ate rea...tapos nagbigay siya ng food kay ate cathy tapos ako hindi niya pinansin...hindi ko napigilang umiyak...kasi sa totoo lang miss ko na sila kaya lang ayaw na nila sakin...pero kahit ganun hindi ko pa rin sila mapatawad...masyado kasi marami ang nadamay at naapektuhan lalo na ang family ko.... Ngayon nga feeling ko na naman nag iisa ako at walang kasama..lately lagi akong depress...ewan ko din kung bakit...tapos magktxt kami ni bob kahapon halata ko talaga na wala na siyang pagtingin sakin...kaya pinapakita ko sa kanya na wala na akong pakialam sa kanya kahit nasasaktan ako...sabi nga ni ate cathy ok lang na umiyak pero alam mo naman ako promise ko na sa sarili ko na hindi ako iiyak kung lalake din lang... Uuwi na pala ako sa bahay this weekends kasi reunion namin grabe miss ko na family ko lalo na si bunso madami na naman kaming pagkkwentuhan... Cge yun nalang muna sa ngayon aking kaibigan...hanggang sa muli nating pagkkwentuhan.... | |
| | | silip_lang Active Member
Dami ng Post : 3646 Puntos : 6355 Salamat : 2 Lokasyon : Balanga City, Bataan Nagpatala : 2007-11-27
| | | | gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6057 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Re: DIARY September 11th 2008, 3:40 pm | |
| Dear Diary, im confused... why? ewan ko kung bakit nga ba.... i saw him, after 2 years nakita ko na ulit siya.. pero di ko alam kung ano yung nararamdaman ko... masaya ko na malungkot... haaaaay ewan ko ba... ayoko munang magmadali, at sabi din nya di nya ko pipilitin.... pero ang laki ng pinagbago niya, sobra... di ko ineexpect na kaya nyang gawin yung mga yun... haaaaaaay......... | |
| | | inang kalikasan Junior Member
Dami ng Post : 699 Puntos : 6136 Salamat : 0 Lokasyon : nueva ecija,tarlac Nagpatala : 2008-02-15
| Subject: Re: DIARY September 11th 2008, 4:50 pm | |
| Dear diary, Nung tuesday pa ako depress siguro kasi nakita ko na naman mga picture niya. SIra talaga ako bakit ko pa kasi tinignan no???Gustong gusto ko talagang nasasaktan...hummmm Kinina nakahanap ako ng taong tulad kong depress din, nakakatuwa nga kasi sa dinami dami ng makakakwentuhan ko si hans pa...medyo nagulat lang ako sa mag kinwento niya sakin. Pero naiintindihan ko din siya..Sana lahat ng lalake tulad niya. Sana makalimutan ko na siya..... | |
| | | gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6057 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Re: DIARY September 18th 2008, 1:38 pm | |
| Dear Diary, im a bit depressed right now.. depressed, tired of everything........ | |
| | | waloako Senior Member
Dami ng Post : 761 Puntos : 6309 Salamat : 1 Lokasyon : diocese ng novaliches Nagpatala : 2007-09-10
| Subject: Re: DIARY September 19th 2008, 7:21 am | |
| dear diary,
wala akong masabi maligalig ako iiyak tatawa tapos iiyak
baka tumulo pang sipon at luha at muta ko dito
pero basta dyan ka lang
walang iwanan ha. salamat sa pagmamahal.
piatot | |
| | | tagubilin Senior Member
Dami ng Post : 1510 Puntos : 6128 Salamat : 4 Lokasyon : super novalichessss! Nagpatala : 2008-04-13
| Subject: Re: DIARY September 20th 2008, 6:27 am | |
| Diary! may namimis ako kialala mo kung sino :( | |
| | | Sponsored content
| Subject: Re: DIARY | |
| |
| | | | DIARY | |
|
| Permissions in this forum: | You cannot reply to topics in this forum
| |
| |
| |