| kALaYaAn... sAaN aT kAiLaN? | |
|
|
Author | Message |
---|
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: kALaYaAn... sAaN aT kAiLaN? June 13th 2008, 3:48 pm | |
| Maraming nagsasabi na ang Pilipinas ay isang Malayang Bansa... may mga nagsasabi namang hindi ganap na Malaya ang Pilipinas... bukas laman nanaman ng mga talakayan ang isyu na ito...
Ang Pilipinas ay Malaya kung ang pag-uusapan ay ang ipinagdiriwang natin tuwing ika-12 ng Hunyo... ang deklarasyon ng Kalayaan na isinagawa sa Kawit nuong 1898... siguro masasabi ngang lumaya tayo mula sa pananakop ng Espanya... ngunit totoo nga bang lumaya na tayo mula sa dayuhang impluwensya pagkatapos ng Hunyo a-dose?
Hindi naging ganap na malaya ang Pilipinas kung babalikan natin ang ating kasaysayan... masakit man na aminin ngunit ang bansang Amerika na ngayon ay ating hinahangaan ay siya mismong hindi kumilala sa Kalayaang idineklara ni Aguinaldo sa Kawit... matuturing na isang uri ng pagtratraydor sa Pilipinas ang ginawang Tratado ng Amerika at Espanya sa Paris nuong Disyenbre taong 1898... anim na buwan makalipas ang sinasabing proklamasyon ng kalayaan sa kawit... isang sampal sa ating mga Filipino ang naganap na bentahan na ito... kabastusang hindi na natin nagawang singilin pa...
Humahanga ako sa kabayanihan ng mga Filipinong ipinapanalo ang Rebolusyong inumpisahan ng Supremo... ang mga Filipinong nagbuwis ng kanilang dugo upang linisin ang bansa sa kamay ng mga berdugong mananakop na kumamkam ng hindi lamang ng ating yaman bagkos pati na ng ating saring pagkakakilanlan... ipinagpupunyagi ko na may isang yugto sa ating kasaysayan na nagpumilit tayong ipagsigawan sa buong mundo na tayo ay isang malayang bayan... hindi man pinakinggan kahit na ng ating kinilalang kaibigan ay taas noo ko pa rin itong ipinagyayabang...
Ngunit naghihinayang ako na hindi naging ganap ang kalayaang ito dahil na rin sa mga pangsariling interes ng mga makapangyarihang dayuhan na itinuring na mababang uri ang hindi nila kakulay... ang nagpapaniwala sa atin na sila ang ating dapat tularan upang maging tanggap sa buong mundo at masabing sebilisado... nanghihinayang ako dahil narin ipinaubaya natin sa isa pang dayuhan ang ating kasarinlan...
Bakas pa sa mga panahong ito ang ating pagpapa-ubaya... hindi man sa mga dayuhang mananakop ay bakas pa rin ito sa ating tila kawalang paki-alam sa mga kaganapan sa ating lipunan... hindi na natin nakukuhang magalit sa talamak na korupsyon sa ating Lipunan... pinababayaan na nating malubog sa kumunoy ng kawalang pag-asa ang Bansa kapalit ng sarili nating katahimikan sa buhay... mas pinili nating huwag maki-sangkot upang hindi madumihan ang ating mga kamay... ipinagmamalaki pa nating sapat na ang ating mga buwis bilang alay sa bayan... malaya nga tayo sa mga mananakop ngunit busabos naman tayo ng ating kawalang paki-alam...
Hindi pa nga ganap na malaya ang Pilipinas... tanaw pa natin ang anino ng mga dayuhang lumapastangang sa ating pagkatao... naaamoy pa natin ang kanilang malawak na impluwensya sa pagpapatakbo ng ating bansa... dayuhan pa rin tayo sa sarili nating Bayan...
Hindi pa nga ganap na malaya ang Pilipinas... mahimbing pa rin ang tulog ng karamihan sa atin sa gitna ng kahirapan... bulag pa rin tayo sa mga panloloko sa atin ng mga nasa pamahalaan... laruan pa rin tayo ng mga naghaharing uri sa ating Lipunan...
Pilipinas... kailan ka tuluyang lalaya sa mga mapagkunwaring dayuhan at sa mga anak mong nagbubulag-bulagan...
Ika-12 ng Hunyo taong 1898... deklarasyon ng kalayaan... isang yugto sa ating kasaysayan... isang araw lang na kaganapan... | |
|
| |
silip_lang Active Member
Dami ng Post : 3646 Puntos : 6352 Salamat : 2 Lokasyon : Balanga City, Bataan Nagpatala : 2007-11-27
| Subject: Re: kALaYaAn... sAaN aT kAiLaN? June 16th 2008, 9:08 pm | |
| Mali kuya..June 9 independence hehehehe joke lang... saludo ako sa ating mga bayani....salamat sa kanilang katapangan | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| |
| |
bantay Senior Member
Dami ng Post : 2175 Puntos : 6061 Salamat : 0 Lokasyon : muntinlupa Nagpatala : 2008-04-18
| Subject: Re: kALaYaAn... sAaN aT kAiLaN? June 18th 2008, 4:52 pm | |
| tama tama june 9 ang independence day | |
|
| |
athena Senior Member
Dami ng Post : 1306 Puntos : 6003 Salamat : 0 Lokasyon : bacoor cavite Nagpatala : 2008-06-17
| Subject: Re: kALaYaAn... sAaN aT kAiLaN? June 19th 2008, 10:47 am | |
| hahaha.,
june 12!
yup.,
galing nila e., | |
|
| |
bantay Senior Member
Dami ng Post : 2175 Puntos : 6061 Salamat : 0 Lokasyon : muntinlupa Nagpatala : 2008-04-18
| Subject: Re: kALaYaAn... sAaN aT kAiLaN? June 19th 2008, 11:05 am | |
| june 9 ang independence day nu ka ba
iniba na nga diba | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: kALaYaAn... sAaN aT kAiLaN? June 20th 2008, 6:41 pm | |
| paano nga ba masasabing malaya ang isang bansa? | |
|
| |
Lanyag Clara Senior Member
Dami ng Post : 2248 Puntos : 5906 Salamat : 6 Lokasyon : Bulubunduking Lalawigan Nagpatala : 2008-12-13
| Subject: Re: kALaYaAn... sAaN aT kAiLaN? January 19th 2009, 1:05 am | |
| Kalayaan..saan at kailan??...
saan?...dito-pinas! kailan?-kahapon, ngayon at sana bukas! | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: kALaYaAn... sAaN aT kAiLaN? February 9th 2009, 12:58 pm | |
| Kalayaan saan?
Kalayaan mula sa kamay ng iilang makapangyarihan at maimpluwensyang tao sa Pilipinas... | |
|
| |
Lanyag Clara Senior Member
Dami ng Post : 2248 Puntos : 5906 Salamat : 6 Lokasyon : Bulubunduking Lalawigan Nagpatala : 2008-12-13
| Subject: Re: kALaYaAn... sAaN aT kAiLaN? February 10th 2009, 12:26 am | |
| - Jhuly wrote:
- Kalayaan saan?
Kalayaan mula sa kamay ng iilang makapangyarihan at maimpluwensyang tao sa Pilipinas... Ang Kalayaan ko ay nasa aking kamay,at ang kalayaan mo ay kalayaan ko...hehhehehe sabay sabay tayong kumanta manong..jhehhehe | |
|
| |
jafdynasty Newbie
Dami ng Post : 23 Puntos : 5053 Salamat : 0 Lokasyon : Pasay Nagpatala : 2011-02-24
| Subject: Re: kALaYaAn... sAaN aT kAiLaN? October 12th 2012, 3:17 pm | |
| ang kalayaan ay nasa ating Puso Bow.... | |
|
| |
justIGOR Newbie
Dami ng Post : 8 Puntos : 3594 Salamat : 0 Lokasyon : manila Nagpatala : 2015-01-30
| Subject: Re: kALaYaAn... sAaN aT kAiLaN? February 5th 2015, 2:05 pm | |
| magiging malaya lang ang my pilipins my pilipins kapag wala ng pilipinong nakakaranas ng gutom at nakakain ng sapat sa araw-araw..dun ko masasabing malaya na nga ang aking my pilipins my pilipins | |
|
| |
Sponsored content
| Subject: Re: kALaYaAn... sAaN aT kAiLaN? | |
| |
|
| |
| kALaYaAn... sAaN aT kAiLaN? | |
|