pabor ako sa cheaper medicine bill PERO dapat ibasura ang isang
pangungusap duon na nagsasabing ONLY generic medicines ang pwedeng i
reseta ng mga doktor.
nasasabi ko ito bilang isang suking pasyente... ang isang reseta naman
ay talagang dapat na may generic name, pero nakasaad din dito ang
suhestiyon na brand ng mangagamot mo. usually nakaparentheses sa ibaba
ng brand name ang generic name, para ang mga maysakit o mamimili o
consumer ang may karapatang mamili kung alin ang kanyang bibilhin.
nais kong makamura sa gamot, pero hindi ko nais na isakripisyo ang
kalusugan ko kung ang minsanang pagtitipid ay maaring mas makaambag pa
ng gastos kung hindi mabilis ang lunas na maipapakita ng gamot.
basahin na lang ninyo ang buong blog sa link na iyon.
ang punto kasi, isipin na lamang ninyo kung generic lang ang irereseta,
ibig sabihin nito, maglalabasan ang maraming generic at magpapababaan
sila ng presyo... (law ng supply at demand) yung mga malaking pharma,
pusta ako magpupullout na lang yun sa bansa, hehe, bakit sila
papakalugi? SUBALIT. ang medisina o gamot ay di dapat ihalintulad sa
karaniwang gamit... pag mass produce nababawasan ang pagkatig sa
quality, at mas binabalanse na lamang na kumita... danger lang naman
iyan... at maaring hindi mangyari---YUN ay kung handa ang ating BFAD sa
kanilang paglalapat ng quality control... alamin natin bakit mura ang
mga generic? mura ito dahil hindi parehas ang teknolohiya at tagal ng
pagaaral para masabing ito ay epektibo (may dapat mga research ---
comparative laboratory test of actual patients), kumpara sa malalaking
pharma na talagang may teknolohiya at rooster ng mga espesyalista at
researchers...
ang nais ko, bumaba ang presyo ng mga branded na gamot, at ang mga
generic ay dumaan sa maayos na quality control ng BFAD, padaanin din
muna ito sa bioavailability tests... hiyang ba ito sa katawan ng tao?
linawin din sana ang maraming bagay dito...
1. yung solon na isa sa promotor ng bill na ito ay diumano'y anak ng
isang malaking pharma company na kilalang distributor ng generic
drugs... VESTED INTEREST? wow grabeeeeeeeh.
2. ano ba ang talagang punot dulo nito... poor people have little or no access at all to basic health cares. susko...
naalala ko ang isang blog na ito ---
http://otsopya.multiply.com/journal/item/216/pulling_strings...kung wala pa akong kapit sa ospital na-ano na kaya si nanay ko? di lang dapat issue ng cheaper medicine ang dapat unahin.
maganda ito at pabor ako dito, pero kung may under the table deal ito
sa pagitan ng pamahalaan at ng pamilya ng solon... aba! sobra naman na,
grabe na... pati ba naman buhay namin, eh pagkakakitaan ninyo lang ng
ganyan ganyan lang???
T_T lungkooooooot!