Latest topics | » US preparing war on North Korea and Iran!December 23rd 2017, 4:01 pm by James307 » MASAHISTA GROUP SA FB. (Massage and Spa Therapist)December 11th 2017, 2:41 pm by Ametron29 » Join PlanetRomeo and Manjam site. (Dating and fun)December 11th 2017, 2:23 pm by Ametron29 » Tunay na kahulugan ng buhay...December 10th 2017, 5:20 pm by James307 » Mga Pre. Masarap din magmahal ng tomboy...December 10th 2017, 5:18 pm by James307 » Strict gun ownership/policy and no to riding in tandemn/Ejk!December 10th 2017, 5:17 pm by James307 » Wonderful Story: Isang babae ang lumapit sa Pastor. December 10th 2017, 5:14 pm by James307 » Watch: Jesus film and Christian celebrities.December 10th 2017, 5:12 pm by James307 » BIG ONE AND WW3 IS COMING SOON... December 10th 2017, 5:10 pm by James307 » PAYPAL MONEY INCOMEAugust 10th 2016, 11:50 pm by jafdynasty » Much Awaited Movie This YearFebruary 9th 2015, 1:48 pm by justIGOR » musta mga repapipsFebruary 6th 2015, 3:53 pm by justIGOR » kALaYaAn... sAaN aT kAiLaN?February 5th 2015, 2:05 pm by justIGOR » Pinoy TriviaFebruary 5th 2015, 1:35 pm by justIGOR » Apps para sa mga masekreto at chismosaFebruary 4th 2015, 11:36 am by justIGOR » Cellphone ApplicationFebruary 4th 2015, 11:03 am by justIGOR » LoginFebruary 4th 2015, 10:35 am by justIGOR » PET LOVERS: SHIH TZUJanuary 8th 2015, 10:17 pm by James307 » OPLUS AND WINDOWS PHONE LUMIAJanuary 8th 2015, 10:16 pm by James307 » SMARTBRO POCKET WIFIJanuary 8th 2015, 10:15 pm by James307 » IPASA ANG FOI BILL! IBALIK ANG DEATH PENALTY!!!January 8th 2015, 10:12 pm by James307 » Christian Theology 101: Idolatry and Graven ImagesJanuary 8th 2015, 10:11 pm by James307 » Except a man be born again he cannot enter the God's KingdomJanuary 8th 2015, 10:10 pm by James307 » Facebook GroupSeptember 6th 2013, 4:33 am by tagubilin» SurveyJuly 19th 2013, 11:27 am by Punong Abala |
Poll | | Anung Cellphone Brand ang user friendly para sa inyo? | Nokia | | 62% | [ 8 ] | Samsung | | 23% | [ 3 ] | Motorola | | 0% | [ 0 ] | Sony Ericson | | 15% | [ 2 ] | LG | | 0% | [ 0 ] | VodapHone | | 0% | [ 0 ] | Alcatel | | 0% | [ 0 ] | Wala sa Nabanggit | | 0% | [ 0 ] |
| Total Votes : 13 |
|
Who is online? | In total there are 11 users online :: 0 Registered, 0 Hidden and 11 Guests None Most users ever online was 247 on November 21st 2024, 10:22 pm |
Statistics | We have 482 registered users The newest registered user is Ametron29
Our users have posted a total of 50867 messages in 1271 subjects
|
|
| Holy Week... | |
| | Author | Message |
---|
silip_lang Active Member
Dami ng Post : 3646 Puntos : 6354 Salamat : 2 Lokasyon : Balanga City, Bataan Nagpatala : 2007-11-27
| Subject: Holy Week... March 12th 2008, 10:32 am | |
| Nalalapit na ang Holy Week...Isang kagalakan para sa akin ang okasyong ito...Sa araw na ito ginugunita natin ang kamatayan ng ating Panginoong Hesus sa Krus upang tubusin tayo sa ating mga kasalanan...... Sa ating kultura makikita natin na tuwing Holy Week ay mayroong Pasyon (pabasa), sinakulo at kung ano-ano pa....sa aking palagay ay hindi na ito dapat pang gawin natin o hindi na siguro dapat pang gayahin natin ang ginawa ni Kristo dahil hindi natin ito mapapantayan....Hindi naman sinabi ng Dios na kailangang saktan o sugatan natin ang ating mga sarili upang tayo ay kanyang mapatawad sa ating mga kasalanan....ang dapat lang nating gawin ay humingi ng kapatawaran na nagmumula sa ating mga puso... Kayo, ano ang masasabi ninyo ukol dito??? Pabor ba kayo na pahirapan ang sarili para masabing totoo ang paghingi ng tawad?? Paano naman kung pagkatapos mong gawin ang panatang iyong sinasabi ay uupo ka na agad sa sugalan o iinom ng alak...sa palagay mo ba nalugod ang Dios sa iyong ginawa???? para na rin tayong mga kalabaw na pagkatapos linisin ng amo ay lumublob muli sa putikan... ibigay po ninyo ang inyong mga saloobin... | |
| | | Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6541 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: Holy Week... March 13th 2008, 9:59 am | |
| Tama ka Zai. Hindi talaga mapapantayan ang ginawa ni Hesus nuon. Pero bakit mo naman nasabi ito? May gumagaya ba nung mga ginawa ni Hesus para ito pantayan?
Katoliko ako at ilang beses na rin akong naging bahagi ng mga pagsasadula ng Paghihirap, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay ni Hesus ngunit hindi minsan man lang pumasok sa aking isip na ginawa ko ang bagay na iyon upang pantayan ang mga ginawa Niya.
Tulad lang rin iyan ng mga ginagawa sa paaralan na pagsasadula ng Little Mermaid kung may programa sa school o tulad nung ginawa ko nuong ako ay nasa elementary pa na gumanap ako bilang isang hari sa isang dula. Ginagawa ang mga pagsasadula na iyon hindi lang para aliwin tayo bagkos ito ay ginagawa upang magpahayag ng mensahe sa isang makulay at malikhaing paraan.
Kung tayo ay natutuwa sa mga Telenovela (Marimar o Lobo) o sa mga Anime, bakit hindi natin katuwaan at kapulutan rin ng aral ang mga Senakulo o pagsasadula ng Paghihirap, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay ni Hesus? Nasa mga puso na ng mga Mananampalataya ang tunay na pagninilay at tanging si Hesus ang makababasa ng mga ito.
Tungkol naman sa pagpapahirap sa sarili upang makakuha ng kapatawaran. Wala sa turo ng Simbahan ang mga Flagellations at pagpapapako sa Krus at hindi ito iniuutos na gawin.
Isa pa, wala pa akong narinig na Katoliko na nagsabing ginawa niya ay bagay na iyon para iligtas ang sanlibutan tulad ng ginawa ni Hesus. Maririnig mo yung mga maling paniniwala na dahil dito nababawasan raw kasalanan nila. Wala sa turo ng Simbahan ito pero ang kanilang ginagawa ay maaaring magdala sa kanila sa isang tunay na pagsisi at sa awa at wagas na pagmamahal ng Diyos ay makatatanggap rin sila ng kapatawaran. Ayun ay kung madadala sila ng kanilang ginagawa sa isang tunay na pagsisisi. Hindi na natin ito hawak, bahala na si Hesus sa bagay na ito.
Sana hindi rin natin makalimutan na punahin o paalalahanan yung mga Mananampalatayang tuwing Mahal na Araw na imbes magnilay ay nasa mga Beach at nagpapasarap. Kaya lang iwasan naman natin na husgahan sila, paalalahanan ngunit maging maingat tayo na hindi mauwi sa panghuhusga ang pagpapa-alaala sa kanila. Baka naman kasi after nung whole day at the beach eh isang buong gabi naman silang nananalangin, malay natin diba?
Kasi ngayong Mahal na Araw sa unang pagkakataon ay wala ako sa aming Parokya upang magnilay pupunta ako sa Legazpi, Albay kasi gusto kong makipagnilay sa mga mangingisda ng Rapu-rapu environmentalist ako ngayong Holy Week google rapu-rapu mining | |
| | | silip_lang Active Member
Dami ng Post : 3646 Puntos : 6354 Salamat : 2 Lokasyon : Balanga City, Bataan Nagpatala : 2007-11-27
| Subject: Re: Holy Week... March 13th 2008, 2:39 pm | |
| tama ka kuya...walang masamang isadula pero hindi ba't kapag may isinasadula tayo hindi naman natin ginagawang sugatan ang ating mga sarili... dito kasi sa amin kapag mahal na araw may nagpapadugo ng likod....sa akin kasing pananaw hindi kailangan ang ganung klaseng pagpapahirap sa sarili...kung talagang nais mo ang dalisay na paghingi ng tawad pumunta ka sa isang silid isarado mo ito at buksan ang iyong puso sa DIos... Kuya sama ako sa Legaspi hehee | |
| | | Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6541 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| | | | silip_lang Active Member
Dami ng Post : 3646 Puntos : 6354 Salamat : 2 Lokasyon : Balanga City, Bataan Nagpatala : 2007-11-27
| Subject: Re: Holy Week... March 14th 2008, 4:59 pm | |
| ganun ba??? dito kasi sa amin palasak ang ganyang bagay at mukha namang hinahayaan lang ng simbahan... kunsabagay hindi naman talaga makatarungang husgahan sila subalit hindi talaga tama ang kanilang ginagawa hehehe | |
| | | Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6541 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: Holy Week... March 14th 2008, 5:04 pm | |
| Oo nga. May kakulangan talaga ang Simbahan sa pagbabawal. Pero dito sa Lugar namin ay walang ganyan. May gumawa man siguradong dayo at hindi mula sa Simbahan.
Sana tigilan na nila kasi iba ang naituturo sa mga hindi pa nakaka-alam ng tunay na ibig sabihin ng Mahal na Araw. | |
| | | silip_lang Active Member
Dami ng Post : 3646 Puntos : 6354 Salamat : 2 Lokasyon : Balanga City, Bataan Nagpatala : 2007-11-27
| Subject: Re: Holy Week... March 14th 2008, 5:10 pm | |
| dito sa amin thursday morning hanggang riday night merong mga nagpapadugo...ako tuloy hindi makalabas ng bahay kasi matatalsikan ako ng dugo hehhee... ang mga bata natatakot din..sana naman mabuksan na ang isipan nila na hindi naman dapat pahirapan ang sarili.. | |
| | | Sponsored content
| Subject: Re: Holy Week... | |
| |
| | | | Holy Week... | |
|
Similar topics | |
|
| Permissions in this forum: | You cannot reply to topics in this forum
| |
| |
| |