Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Isang Panawagan March 24th 2008, 11:04 am | |
| PAGBABAGO: Makatotohanan. Masinsinan. Malawakan.
Tulad ng mga Israelita, tinahak nating mga Filipino sa kasalukuyan ang Disyerto - isang bansang batbat ng talamak na katiwalian, na pinag-uugatan ng kahirapan ng nakararami. Sa paglalakbay na ito, nagbibigay pag-asa ang mga salita ng Panginoon sa pamamagitan ni propeta Isaias: "ako'y magbubukas ng landasin sa gitna ng ilang; maging ang disyerto ay patutubigan." (Isaias 43: 19). Ang landasing ito na binubuksan ng Diyos, ang tubig na papawi ng uhaw sa katarungan, ay GANAP NA PAGBABAGO - di lamang sa loob ng bawat indibidwal, kundi sa loob ng sistemang pulitikal.
Kaya sa gitna ng walang puknat na paglaganap ng corruption sa bnsa, naninindigan kami - ang Sambayanan ng Diyos sa Novaliches - para sa MAKATOTOHANAN, MASINSINAN, AT MALAWAKANG PAGBABAGO.
Ito ang aming panawagan:
Una, ILABAS ANG BUONG KATOTOHANAN. Palabasin at huwag hadlangan ang buong katotohanan tungkol sa ZTE-NBN deal, Fertilizer Scam, ang "Hello Garci" Controvercy, at iba pang mga anomalya;
Ikalawa, MAGBIGAY-SULIT AT PANAGUTIN ANG PINAGKATIWALAAN NG KAPANGYARIHAN. Tuwirang ilahad ang pananagutan ng mga sangkot sa mga isyung nabanggit, at patawan ng karampatang parusa ang mga maysala pati na ang mga nagtatakip sa katotohanan'
Ikatlo, ISULONG ANG MALAWAKANG REPORMA sa mga balangkas at pamamaraan ng pamamahala tulad ng bisdding, procurement, loans at mga nahahawig na proseso, upang matigil na at maiwasan pa ang mga oportunidad sa pangungurakot at pandarambong.
Hanggang hindi naisasakatuparan ang tatlong bagay na ito -
- hindi kami titigil sa pangangalampag at pagpapahayag ng aming pagtutol sa kasalukuyang pamamaraan ng pamamahala na hindi nakatutugon ng sapat sa pagsupil ng corruption sa bansa'
- patuloy kaming manghihimok at manghahamon sa lahat na gumising, magsuri, manalangin, at magpahayag ng protesta sa pamamagitan ng conscientization at truth forums;
- ipapahayag namin ang aming protesta sa patuloy naming pagsama sa pagmamartsa sa lansangan, prayer rallies at vigils.
Ituturing naming sagradong tungkulin ang:
- suportahan at ipagtanggol ang mga nagtataya ng buhay sa pagbubulgar ng katiwalian sa pamahalaan;
- bantayan hanggang maresolba ang mga kaso ng katiwaliang nagaganap at matutuklasan pa mula sa aming mga baranggay hanggang sa Malakanyang;
- gamit ang mga mapayapa at demokratikong pamamaraan, tiyaking hindi mananatili sa posisyon ng kapangyarihan ang mga walang kahihiyang magsinungaling, magnakaw at manlinlang.
Gagawin namin ito bilang pagsasabuhay ng aming pananampalatayag Kristiyano, bilang pagmamahal sa aming pagka-Pilipino, at bilang pagmamalasakit namin sa mga mahihirap na siyang patuloy na nasasaktan at nabibigatan sa mga serbisyong naipagkakait sa kanila dahil sa pangungurakot sa yaman ng bansa.
Orihinal na pinanggalingang pahina --> http://sakay2007.multiply.com/journal/item/58/PanAWaGAn_nG_nOVaLicHEs | |
|
Lanyag Clara Senior Member
Dami ng Post : 2248 Puntos : 5906 Salamat : 6 Lokasyon : Bulubunduking Lalawigan Nagpatala : 2008-12-13
| Subject: Re: Isang Panawagan January 11th 2009, 2:59 am | |
| haaaayyy! anoveh?!..walang na bang katapusan ang kasamaan dito sa pilipina? | |
|
Lanyag Clara Senior Member
Dami ng Post : 2248 Puntos : 5906 Salamat : 6 Lokasyon : Bulubunduking Lalawigan Nagpatala : 2008-12-13
| Subject: Re: Isang Panawagan January 11th 2009, 3:05 am | |
| Inspired by your 'panawagan..' haaaayyy! anoveh?!..walang na bang katapusan ang kasamaan dito sa pilipinas? hanggang saan ba ang kasakiman nating mga pinoy? hanggang saan masasaid ang uhaw natin sa kapangyarihan? di na ba mapuputol ang lubid na nagdudugtong sa kahirapan at korupsyon? halina at tumulong na putulin ang tanikalang nagpapahirap sa ating lahat?!! Paano?...sisimulan ko sa sarili ko. at sumunod ka kaibigan ko. At nawa, ang buong lipunang ito ay makikiisa sa nilalayong pagbabago! Halina na kaibigan! LCT 011109/sun/3am | |
|
Sponsored content
| Subject: Re: Isang Panawagan | |
| |
|