| Active sa Church? | |
|
+10darkvorg mark_7th Gigi marya waloako Punong Abala belle bantay silip_lang Jhuly 14 posters |
|
Author | Message |
---|
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| |
| |
silip_lang Active Member
Dami ng Post : 3646 Puntos : 6352 Salamat : 2 Lokasyon : Balanga City, Bataan Nagpatala : 2007-11-27
| Subject: Re: Active sa Church? April 9th 2008, 11:10 am | |
| hmmmm mejo po...
Ako po ay youth president sa aming church...Born Again Christian po ako....
Member po ako ng Elder's Board at Worship Leader din po...Hindi naman masyadong kinarir hehhee...
mas madalas nasa conference ako or nag-oorganize ng program... :P | |
|
| |
bantay Senior Member
Dami ng Post : 2175 Puntos : 6061 Salamat : 0 Lokasyon : muntinlupa Nagpatala : 2008-04-18
| Subject: Re: Active sa Church? May 22nd 2008, 8:45 am | |
| dati active ako nung bata ako.. sakristan pa nga ako kaso dati yun.. | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| |
| |
bantay Senior Member
Dami ng Post : 2175 Puntos : 6061 Salamat : 0 Lokasyon : muntinlupa Nagpatala : 2008-04-18
| Subject: Re: Active sa Church? May 23rd 2008, 8:14 am | |
| kapag nakalimutan ko siguro ang nakaraan ko pwede akong maging active ulit..
matagal na akong hindi nakakapag simba din, mga apat na taon na din, kung mapunta man ako ng simbahan, ay may sinasamahan lang ako, at kumain fishballs at kwek-kwek ang habol ko.. | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| |
| |
belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6581 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| Subject: Re: Active sa Church? May 23rd 2008, 3:01 pm | |
| yung nanay ko.. super active.. malapit na yatang maging madre.. nagsisimba lang ako.. atleast once a week... . member din ng isang community.. kaso, di na masyadong active.. | |
|
| |
bantay Senior Member
Dami ng Post : 2175 Puntos : 6061 Salamat : 0 Lokasyon : muntinlupa Nagpatala : 2008-04-18
| Subject: Re: Active sa Church? May 24th 2008, 11:24 am | |
| kwentuhan tayo dito kuya jhuly tsaka matagal ng naalis ang simbahan sa kin.. natabunan ng pansariling paniniwala.. | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: Active sa Church? May 24th 2008, 4:18 pm | |
| Sabagay mas kumportable ang sumunod sa sariling paniniwala kaysa sumunod sa isang disiplinang hindi mo kontrolado. Parang ang hirap sumunod sa mga bagay na kahit tama eh hindi mo naman gustong sundin.
Minsan inisip ko rin tumiwalag sa pagiging Kristiyano ko. Lalo nung nakita ko na hindi ito tumutugon sa mga pinaniniwalaan ko.
Pero mali pala ako. Hindi ko lang pala kilala yung kinalakihan kong pananampalataya. Nung kinilala ko yung Hesus na sinasabing sentro ng paniniwala nung kinapabibilangan ko nakita ko na ang kanyang mga aral ay siya ring mga pinaniniwalaan ko.
Mula nuon mas kinilala ko kung sino si Hesus at paano ko lalong mapalalakas yung paninindigan ko. At kung paanong magamit ang kanyang aral upang isulong ang pagkakapantaypantay na kanya ring inasam.
Kinilala ko rin ang Simbahang kinapabibilangan ko. Ano ang kanyang mga kalakasan at ano ang kanyang mga kahinaan. Sa paraan ito mas naunawaan ko na ang lahat sa mundo ay taglay ang mga kahinaan at kalakasan na iyan. Nasa tao na ngayon kung paano nya gagamitin ang mga ito upang isulong ang mga bagay na alam niyang makabubuti para sa lahat.
HIndi ko na kailangan pa na magpalipat-lipat ng bahay upang matagpuan ang hinahanap na pamilya. Wala sa bahay iyan. Nasa mga taong nakatira dito magmumula ang pamilyang hinahanap.
Ayun lang. Ikaw ano ang kuwento mo? | |
|
| |
bantay Senior Member
Dami ng Post : 2175 Puntos : 6061 Salamat : 0 Lokasyon : muntinlupa Nagpatala : 2008-04-18
| Subject: Re: Active sa Church? May 24th 2008, 5:52 pm | |
| kwento ko? gusto kong mabago noon ang paniniwala ng tao, magamit ang common sense na tinatawag.. kahit anung pilit ko na ipaunawa sa kanila ang nasa isip ko, wala, ayaw, talo ako.. hindi ko sila mabago.. nang tumagal, naisip ko na hindi pala sa pagsasabi ng kung anung mga karanasan o kwento at saloobin ang kailangan para sila mabago, madagdagan o mabawasan ng paniniwala, yun pala ay pansariling kagustuhan din.. tama nga hindi sa bahay na kinabibilangan matatagpuan ang kasiyahan kundi ang kung anung meron dito, kung anung bumubuo nito.. nung mga panahon na aktibo pa ako, masaya ako sa lahat, enjoy sa ginagawa ko, pero nung nakita ko ang negative side ng pagiging isang sakristan, ng makilala ko lalo nag mga tao na naging kasama ko, nasabi kong mas masama pa nga sila kaysa sa mga nagsisimba lang.. tama nga ang sinabi sa akin na mas madungis pa ang mga naglilingkod sa altar kaysa sa mga nakikinig sa mga nagsisimba.. umalis ako ng organisasyon at hindi na bumalik pa, hinanap ko ang sarili ko at nakabuo ako ng sarili kong mga paniniwala.. at eto na ako ngayon.. parang "poof! it became koko crunch!" magulo kwento ko, inaamin ko wala ako sa ayos | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: Active sa Church? May 26th 2008, 3:00 pm | |
| Hahaha! Nasa ayos naman ang kuwento mo Jason.
Karanasan iyan ng maraming tao. Hindi lang ikaw ang nakararanas niyan. Si Hesus nga mismo naranasan iyan... Mismong mga alagad niya naging traydor at yung isa pa nga ay itinatwa pa siya.
Walang perpektong organisasyon sa mundo. Tulad ulit iyan ng Pamilya... walang perpektong pamilya.
Ako man ay hindi perpekto tulad ng Simbahang kinabibilangan ko. Kaya hindi ko hinahanap ang kahinaan lang sa isang organisasyon. Mas binibigyan ko ng importansya ang kalakasan niya. Halimbawa... anong mapapala ko kung ang bibigyan ko ng pansin ay ang mga santong kabayo at mga banal na aso sa simbahan? Marami namang totoong santo at banal sa simbahan... hindi maaaring burahin ng mga nagkukunwaring banal at santo ang kabutihan ni Mother Teresa ng Calcutta... o ang pagiging makabayang pari nina Padre Gomez...Burgos at Zamora...
Sige kuwento pa... marami tayong matututunan sa ating mga karanasan...
Ikaw may kuwento ka ri ba...
| |
|
| |
bantay Senior Member
Dami ng Post : 2175 Puntos : 6061 Salamat : 0 Lokasyon : muntinlupa Nagpatala : 2008-04-18
| Subject: Re: Active sa Church? May 27th 2008, 2:50 pm | |
| panu ba malalamang totoo nga ang sinasabi sa mga libro ngayon? minsan naisip ko lang na posibleng binago ang laman ng mga history books..
o mas magandang itanong na.. may totoong history book nga ba? kasi sa panahon ngayon na pwede ng gawing totoo ang mga peke, mahirap ng magtiwala sa mga nakikita natin.. kahit nga ang mga gays, nabibighani na din ako sa kagandahan nila..
yung mga batong nakakalat na sinasamba ng mga tao? anu ba talaga sila? replica ng taong sinasamba o bato o kahoy na nililok para lokohin ang tao?
mga simpleng katanungang gumugulo sa utak ko ilang taon na nakakaraan pagkatapos kong mamulat sa "katotohanan" | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: Active sa Church? May 28th 2008, 1:55 pm | |
| Huwag mo kasi masyado ituon ang iyong paghahanap ng kasagutan sa mga materyal na bagay.
Bigyan kita ng halimbawa.
Tungkol sa mga batong nakakalat sa simbahan. Sa luneta mayroon rin ganyan. Sa Caloocan mayroon rin. Si Marcos merong ganyan papuntang Baguio. Sa Cuba mayroon rin si Che Guevara na ganyan. Sa Hollywood meron pa silang isang Museum na puno ng ganyan kaya lang wax naman ginamit dun.
Kung nagkalat ang mga bato... kahoy... wax na iyan sa buong mundo ano ang sinasabi nito sa atin bilang tao?
Tungkol sa pagsamba sa mga bato... kahoy...at wax na iyan... sino ba ang sumasamba sa knila... ang alam ko mga pagano ginagawa pa ang mga iyan... tulad ng mga Aborigines sa Australia... Native Indians... kahit ang ating Indigenous People ay sumasamba sa mga ganyan...
Ngayon sabi mo yung mga batong nagkalat sa simbahan... ang binabanggit mo ay mga Katoliko... may sumamba bang Katoliko sa bato? wala naman... paratang lang ito ng mga hindi katulad na pananampalataya. Ikaw dating sakristan... sumamba ka ba sa bato nuon? Itinuro ba sayo na yung mga bato na iyon ay diyos na dapat sambahin? Sabihin mo sa akin kung sinong pari o madre o taong simbahan nagturo sayo nun at isusumbong natin... ayun ang mga manloloko kasi... hindi diyos ang mga bato na yun... bato lang sila... minsan kahoy... wax... walang buhay...
Nasa dahilan kung bakit Nililok ang mga Batong iyan ang tunay na dapat pagtuonan ng pansin. Bakit ba sila nililok? Bakit ba ginawan ng batong bantayog si Rizal sa Luneta at si Andres Bonifacio sa Caloocan at Che Guevara sa Havana Birheng Maria sa Simbahang Katoliko?
| |
|
| |
belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6581 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| |
| |
bantay Senior Member
Dami ng Post : 2175 Puntos : 6061 Salamat : 0 Lokasyon : muntinlupa Nagpatala : 2008-04-18
| Subject: Re: Active sa Church? May 29th 2008, 6:28 am | |
| anu naalala mu ate belle? kwento ka din ginawa para paalalahanan ang tao ng kanilang ginawang "kadakilaan" na dapat daw nating gayahin at gawing impluwensya para sa atin at sa mga magiging anak pa natin at sa darating pang salinlahi.. bato para paghilingan ng kung anu anu at wala namang ginawa kundi umupo.. | |
|
| |
Punong Abala Admin
Dami ng Post : 1432 Puntos : 6347 Salamat : 8 Lokasyon : Pilipinas Nagpatala : 2007-09-09
| Subject: Re: Active sa Church? May 29th 2008, 9:51 am | |
| Maganda ang kuwentuhan dito magaling! :man dancing: | |
|
| |
waloako Senior Member
Dami ng Post : 761 Puntos : 6306 Salamat : 1 Lokasyon : diocese ng novaliches Nagpatala : 2007-09-10
| Subject: Re: Active sa Church? May 30th 2008, 7:04 am | |
| hehe mahirap ako magpaliwanag dito, pero parang ang sarap idate minsan ni bantay hehe, hindi ito labteam sa mga malisyoso diyan hehehe, si ponso ni meet ko din alone, si onid din, gusto ko lang ng kapalitang ideya, sino kaya makakasama mo bantay, mag kape at donut tayo o sago at kwekwek? o hehehe rh? nyahaha. (mapapalo ako ni PA). ako, nung bata ako lumaki ako sa relihiyosong pamilya, highschool ako, core group ako ng mhcc (mary help of christians crusade). pero me nangyari loooooong story. nagalit ako sa Diyos. tapos sa sobrang talino andami ko ding kinuwestiyon. in short limang taon akong nagdefy sa sinasabing may Diyos... tapos may nangyari, basta, nakausap ko Siya, haha mahaba ding kwento, hanapin mo sa mahigit 500 blog ko sa www.otsopya.multiply.com hehehe ayan libre plug. dahil sa nangyari. ewan bigla din. walang plano. naging lector ako (reader sa misa), naging presidente ng lector org, naging secretary ng pastoral council, naging head ng pastoral council, naging parish youth coordinator, naging vicariate formation team head, naging diocesan spiritual development team member, naging delegado ng phil. catholic youth ministry sa intercontinental youth meeting sa zagreb, croatia, at sa taize, france. nakakaloka. wala akong kwentang youth sa loob ng limang taon pramis, hehe. tapos ngayon daluyan Niya ako, pag may retreat at recollection, teambuilding, leadership training, ministry formation hahaha... hindi ko maimagine tlaga na andito ako. pero---- ayun ang difference. masaya ako. ay hanggang ngayon bantay hindi ako perpekto. ;-) pero ito pa din ako. hindi kita pipilitin sa pinaniniwalaan ko, pero parang may hawig ang pinagdaanan natin kaya nakakatuwa lang kung magbbahaginan tayo. ;-) | |
|
| |
bantay Senior Member
Dami ng Post : 2175 Puntos : 6061 Salamat : 0 Lokasyon : muntinlupa Nagpatala : 2008-04-18
| Subject: Re: Active sa Church? June 2nd 2008, 8:41 pm | |
| hindi ko din naman sinasabing ginagamit ko ang lohika sa mga sinasabi ko.. nisasabi ko lang ang kung anung pwedeng nangyari ng mga panahong iyon.. panahon na kung saan wala ni isa man sa atin ang nakasaksi.. wala? baka meron nga.. mga relics nung unang panahon, mga manuscripts na sinasabing naglalaman ng mga ideolohiya, kwento, at istoryang tungkol sa "kanya".. siguro nga magkapareho tayo ate pia nung kabataan mo pa.. minsan masaya magsalita ng kung anu anung tungkol sa mga bagay na ganito, mga pagdududa kung meron nga talagang "diyos" madaming naaasar, may nagagalit, natatakot.. pero ganun talaga ang paniniwala ko, "sa ngayon" at tsaka ate pia mahiyain ako.. ehehehe.. kape na lang siguro ate pia, masama daw ang kwek kwek sa katawan ^_^ | |
|
| |
marya Senior Member
Dami ng Post : 946 Puntos : 6223 Salamat : 0 Lokasyon : tuguegarao Nagpatala : 2007-11-08
| Subject: Re: Active sa Church? June 3rd 2008, 7:54 pm | |
| ako uwo! aktib ako... PREX! ginagawa namin ang tulad ng ginagawa ng ibang religious organizations...
ako ang pinakabata sa mga administrative staff at proud ang mga magulang ko sakin...masaya din ako dahil napapasaya ko sila..aaww!
tulad ng ibang orgs..meron ding flaws ang PREX...pero alam ko namang kahit anong organization ang salihan ko...religious man o anti christ mapa sports man o music..related man sa acads... may flaws parin.. | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| |
| |
marya Senior Member
Dami ng Post : 946 Puntos : 6223 Salamat : 0 Lokasyon : tuguegarao Nagpatala : 2007-11-08
| Subject: Re: Active sa Church? June 7th 2008, 12:06 pm | |
| kuya jhuly meh mga kabataan naring sumasali sa PREX!.. nyehe tsaka marami akong natututunana sa mga damatans dun..wuhehehe | |
|
| |
Gigi Newbie
Dami ng Post : 94 Puntos : 6200 Salamat : 0 Lokasyon : Chgo, IL, USofA Nagpatala : 2007-12-01
| Subject: Re: Active sa Church? June 22nd 2008, 10:01 am | |
| Am most 'active' during Christmas and Easter...Shhhh, July! Stop laughing at me! That still counts as being 'active', right??? | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| |
| |
marya Senior Member
Dami ng Post : 946 Puntos : 6223 Salamat : 0 Lokasyon : tuguegarao Nagpatala : 2007-11-08
| Subject: Re: Active sa Church? July 1st 2008, 8:39 pm | |
| | |
|
| |
mark_7th Senior Member
Dami ng Post : 2450 Puntos : 6286 Salamat : 2 Lokasyon : cainta Nagpatala : 2008-04-06
| Subject: Re: Active sa Church? July 2nd 2008, 12:36 am | |
| gusto ko ngang gayahin si jorge eh, agnostic ^^. baket? cge cge tuloy mo | |
|
| |
Sponsored content
| Subject: Re: Active sa Church? | |
| |
|
| |
| Active sa Church? | |
|