| [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe | |
|
|
Author | Message |
---|
mark_7th Senior Member
Dami ng Post : 2450 Puntos : 6286 Salamat : 2 Lokasyon : cainta Nagpatala : 2008-04-06
| Subject: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe May 27th 2008, 3:33 pm | |
| MGA LANGGAM madaming langgam ang napapadaan lang at hindi nila alam na dun sa paglalakad nila masasapit ang malaghim na kamatayan, tulad ng mga tao sa probinsya, hanggad ang pagpunta sa kamaynilaan dahil sa paniniwalang dun makukuha ang swerte sa buhay,pero gusto ko talagang ipasok ang mga kwento sa langgam kaya nxtym nalang yung mga taga probinsya.. kawawa naman ang maliliit na langgam, kahit di nila ginusto na maging ganun sila at di rin nila alam kung bakit sila naging ganun, tulad ng mga tao sa probinsya na may tamang pag iisip pero natataranta sila pag maynila na pinagusapan at hindi rin nila alam kung anung papel nila sa mundo.... one time i saw ants.... walking on walls. pansin ko lang kahit busy sila they still stop and communicate each other? siguro yun nalang ang libangan nila at pinakapahinga nila " ang mangamusta" dahil wala na silang alam na ibang gawin kundi maghanap ng pagkain na ikabubuhay nila, hindi sila umaasa sa iba at sa mga matataas. dahil may pinaninindigan silang motto.. ang ONE FOR ALL , ALL FOR ONE tsaka SMALL BUT TERRIBLE, maprinsipyo ang mga langgam,, bilib ako... sana tayo rin tulad ng mga langgam.. nakakalakad sa WALLS... hahahahaha gudlak ^^. | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe May 28th 2008, 6:27 pm | |
| Naglalakbay kong Kaisipan
Ilang beses ko ring tinangkang magsulat para lang makasali sa ginagawang proyekto ng Bobong Pinoy. Wala talaga sigurong hilig sa akin ang pagsusulat kasi marami na akong nasimulan ngunit ito’y nanatiling simula na lang. Sinubukan ko rin ang halukayin na lang yung mga dati kong gawa upang ito na lang ang ipasa pero wala ring nangyari kasi wala naman ata sa tema yung mga yun. Ano nga bang problema at nahihirapan akong sumulat?
Ilan sa mga dahilang napansin ko ay;
1. Maraming papam!
Sobrang dami ang nakikipag-agawan sa aking atensyon kaya nahihirapan akong mag-concentrate sa pagsusulat. Tulad na lang ngayon naglalaba ako. Feeling ko tuloy ang paglalaba ay sagabal sa pagsusulat!
Bakit nga ba isinasabay ang pagsusulat sa gawaing bahay? Mahirap nga namang tumipa ng keyboard habang nagkukusot. Kahit naman siguro si Aling Bebang ay mahihirapan. Ganito rin ang sitwasyon tuwing nagnanakaw ako ng oras sa opisina. Paano akong makakatapos sa pagsusulat kung tuwing daraan ang boss ko ay para akong trumpong hilo sa pag-ikot.
Mayroong lamang panahon at lugar para sa pagsusulat. Mas makabubuti na magsulat ako na walang ibang ginagawa o alalahanin. Mas mabuti kung pipili ako ng oras na kung kailan ang boss ko ay naghihilik na at ang mga labada ko ay na-plantsa na. Napansin ko rin na mas marami akong natatapos kung sa bahay ako nagsusulat. Nakatutulong talaga kung magsusulat ako sa isang lugar na tahimik at walang gaanong koneksyong sa mundo tulad sa Mars. Wala akong pamasahe papuntang Mars kaya puwede ko nang pagtiisan ang aking kuwarto kahit magulo. Basta lugar na walang gaanong istorbo upang tuloy-tuloy ang pagsusulat.
2. Magulong isip!
Nahawaan na ata ng magulo kong kuwarto ang aking utak. Kung paanong hindi maayos ang higaan ko ganuon ring walang kaayusan ang utak ko. Ang daming nagkalat na idea. Hindi ko naman makayanan na ilagay sa tamang lugar ang mga ideas kasi pati yung mga ideas hindi ko na mawari kung maruming damit ba o bagong plantsang damit. Sobrang gulo talaga.
Mas mabuti siguro na bago ako magbukas ng computer ay gumawa muna ako ng draft. Kahit siguro outline lang ay malaki ang maitutulong. Sa mga paraang ito ay hindi na ako aasa na lang sa instant na inspirasyon habang tumitipa sa keyboard. Hindi ako kasing galing nung ibang manunulat na tuwing duduguin ang utak ay malinis at suwabeng naisasatitik ang mga ito. Kailangan kong gumamit ng gabay upang maging maayos ang daloy ng aking kaisipan.
3. Pagpapanggap!
Ewan ko sa iba pero ako umaaming problema ko ito. Sa kagustuhan kong maging maganda ang kalalabasan ng aking mga isinusulat ay pilit kong ginagaya si Bob Ong! Para bang magiging maganda lang ang aking akda kung ang estilo ni Master Bob ang aking gagayahin. Madalas tuloy na sampalin ko ang aking sarili at sabihan na “Mas gwapo ka sa Bob Ong na yun! Hoy! Gising!”
Bakit nga ba pinipilit ko na maging katulad ni Bob Ong na kung siya nga mismo ay pinaaalalahanan ang kanyang mga mambabasa na “hindi naiiba si Bob Ong.” Tulad ko nangarap rin nuon si Master Bob na maging isang manunulat. Ang magiging kaibahan na lang siguro namin ay kung may gagawin ako upang makamit ang aking pinapangarap.
Si Bob Ong ay isang inspirsyon para sa akin at mas magiging mabunga ang aking paghanga sa kanya kung gagayahin ko ang kanyang ginawa – ang SUMULAT!
Idagdag ko na rin yung sinasabi ni Master Bob na kahalagahan ng pagbabasa. Hindi ko siguro magugustuhang sumulat kung hindi ko rin nakahiligan ang pagbabasa. Hate ko to the max ang pagbabasa nuong ako ay estudyante pa. Isang pagkakamali na inaani ko ngayon ang bunga. Ngunit hindi pa huli ang lahat. Wala namang edad na pinipili ang pagbabasa.
Para sa akin ay mas madali at mas matipid na paraan ang pagbabasa upang marating at - kahit papaano - maranasan ang kultura ng ibang bansa. Maaaring sabihin ng iba na kailangang makatungtong ka talaga sa ibang bansa upang masabing naranasan mo ang kanilang kultura. Siguro sa may pera at may pagkakataon maaaring masabi iyan. Ngunit sa katulad kong sapat lang ang suweldo ay pwede na muna ang pagbabasa. Hindi ganap na karanasan ngunit puwede na ito upang lamnan ang naglalakbay kong kaisipan. Isusunod ko na sigurong mangarap na makarating sa ibang bansa.
Kung maunawaan lang ng mga kabataan ngayon ang kahalagahan ng pagbabasa siguro mas magiging maunlad ang ating bayan. Sa pagbabasa ay maaari nating masumpungan ang sekreto ng ibang bayan kung paano sila nagtagumpay. Mas magiging malawak ang ating kaalaman na maaaring magamit upang marating ang pinapangarap na kaginhawaan.
Pagbabasa at pagsusulat. Kailangan natin ang mga ito upang hindi tayo manatiling mga bobong pinoy. Ayokong mamatay na bobo kaya uumpisahan ko na ang pagsusulat. Bago ko gawin iyan ay babasahin ko muna ang Stainless Longanisa.
| |
|
| |
mark_7th Senior Member
Dami ng Post : 2450 Puntos : 6286 Salamat : 2 Lokasyon : cainta Nagpatala : 2008-04-06
| Subject: Re: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe June 8th 2008, 10:01 pm | |
| hehehe si sir sakay talaga inaasahan kong mag post dito,, sabi sakin nag pasa ka daw ,, hehehe ^^. share mu naman dito,, yan na ba yung pinasa mu ser? hehehe | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe June 10th 2008, 2:03 pm | |
| May isa pang ipinadala at may ipadadala pa... sayang eh... at kung sakaling hindi makuha dito ko ilalathala yung mga gawa ko... yung isa nasa Blogger site ko... secret muna yun... hehehe... | |
|
| |
waloako Senior Member
Dami ng Post : 761 Puntos : 6306 Salamat : 1 Lokasyon : diocese ng novaliches Nagpatala : 2007-09-10
| Subject: Re: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe June 15th 2008, 9:25 am | |
| | |
|
| |
mark_7th Senior Member
Dami ng Post : 2450 Puntos : 6286 Salamat : 2 Lokasyon : cainta Nagpatala : 2008-04-06
| Subject: Re: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe June 16th 2008, 10:10 am | |
| ser jhuly napasa mo na ba yung pangatlo.. sabi ng spy nating si onid, mabenta daw ang lovelife,, hehehehe ^^. anung meron jan ms pia? | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe June 16th 2008, 2:23 pm | |
| Mark last week of June... ayaw ko madaliin... medyo ngarag ako pag biglaan eh... lalong nawawala sa hulog... hehehe...
Kung tungkol sa love may nagawa na ako... kaunting edit na lang pwede ko na yun padala... pero hindi ako lover eh... fighter ako... hahaha
| |
|
| |
tagubilin Senior Member
Dami ng Post : 1510 Puntos : 6125 Salamat : 4 Lokasyon : super novalichessss! Nagpatala : 2008-04-13
| Subject: Re: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe June 20th 2008, 12:49 am | |
| - Jhuly wrote:
- Mark last week of June... ayaw ko madaliin... medyo ngarag ako pag biglaan eh... lalong nawawala sa hulog... hehehe...
Kung tungkol sa love may nagawa na ako... kaunting edit na lang pwede ko na yun padala... pero hindi ako lover eh... fighter ako... hahaha
kuya ilan na kasi ang napasa mo sa akin??!! :very sad: | |
|
| |
tagubilin Senior Member
Dami ng Post : 1510 Puntos : 6125 Salamat : 4 Lokasyon : super novalichessss! Nagpatala : 2008-04-13
| Subject: Re: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe June 20th 2008, 12:51 am | |
| - mark_7th wrote:
- MGA LANGGAM
madaming langgam ang napapadaan lang at hindi nila alam na dun sa paglalakad nila masasapit ang malaghim na kamatayan, tulad ng mga tao sa probinsya, hanggad ang pagpunta sa kamaynilaan dahil sa paniniwalang dun makukuha ang swerte sa buhay,pero gusto ko talagang ipasok ang mga kwento sa langgam kaya nxtym nalang yung mga taga probinsya.. kawawa naman ang maliliit na langgam, kahit di nila ginusto na maging ganun sila at di rin nila alam kung bakit sila naging ganun, tulad ng mga tao sa probinsya na may tamang pag iisip pero natataranta sila pag maynila na pinagusapan at hindi rin nila alam kung anung papel nila sa mundo....
one time i saw ants.... walking on walls. pansin ko lang kahit busy sila they still stop and communicate each other? siguro yun nalang ang libangan nila at pinakapahinga nila " ang mangamusta" dahil wala na silang alam na ibang gawin kundi maghanap ng pagkain na ikabubuhay nila, hindi sila umaasa sa iba at sa mga matataas. dahil may pinaninindigan silang motto.. ang ONE FOR ALL , ALL FOR ONE tsaka SMALL BUT TERRIBLE, maprinsipyo ang mga langgam,, bilib ako... sana tayo rin tulad ng mga langgam..
nakakalakad sa WALLS... hahahahaha gudlak ^^. mark pinasa mo ito sa email ko nagulumihanan lang ako entry ba ito??? kasi wala pa pong 500-800 words hehehehe! sensiya na ha paki confirm naman kuya | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| |
| |
mark_7th Senior Member
Dami ng Post : 2450 Puntos : 6286 Salamat : 2 Lokasyon : cainta Nagpatala : 2008-04-06
| Subject: Re: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe July 1st 2008, 11:31 pm | |
| - tagubilin wrote:
- mark_7th wrote:
- MGA LANGGAM
madaming langgam ang napapadaan lang at hindi nila alam na dun sa paglalakad nila masasapit ang malaghim na kamatayan, tulad ng mga tao sa probinsya, hanggad ang pagpunta sa kamaynilaan dahil sa paniniwalang dun makukuha ang swerte sa buhay,pero gusto ko talagang ipasok ang mga kwento sa langgam kaya nxtym nalang yung mga taga probinsya.. kawawa naman ang maliliit na langgam, kahit di nila ginusto na maging ganun sila at di rin nila alam kung bakit sila naging ganun, tulad ng mga tao sa probinsya na may tamang pag iisip pero natataranta sila pag maynila na pinagusapan at hindi rin nila alam kung anung papel nila sa mundo....
one time i saw ants.... walking on walls. pansin ko lang kahit busy sila they still stop and communicate each other? siguro yun nalang ang libangan nila at pinakapahinga nila " ang mangamusta" dahil wala na silang alam na ibang gawin kundi maghanap ng pagkain na ikabubuhay nila, hindi sila umaasa sa iba at sa mga matataas. dahil may pinaninindigan silang motto.. ang ONE FOR ALL , ALL FOR ONE tsaka SMALL BUT TERRIBLE, maprinsipyo ang mga langgam,, bilib ako... sana tayo rin tulad ng mga langgam..
nakakalakad sa WALLS... hahahahaha gudlak ^^.
mark pinasa mo ito sa email ko nagulumihanan lang ako entry ba ito???kasi wala pa pong 500-800 words hehehehe! sensiya na ha paki confirm naman kuya
aw, yan ba napasa ko sayu? hehehe yaan mu na ,, ^^,. | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe August 5th 2008, 2:31 pm | |
| May mga napili na raw... sana naman eh may nakapansin ng aking mga likha... hehehe... at sana within this year lumabas yung book... pagkatapos ilabas yung bagong libro ni BO... | |
|
| |
tagubilin Senior Member
Dami ng Post : 1510 Puntos : 6125 Salamat : 4 Lokasyon : super novalichessss! Nagpatala : 2008-04-13
| Subject: Re: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe August 5th 2008, 11:52 pm | |
| hintay hintay lang on going po ang book! >_< | |
|
| |
Punong Abala Admin
Dami ng Post : 1432 Puntos : 6347 Salamat : 8 Lokasyon : Pilipinas Nagpatala : 2007-09-09
| |
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe August 6th 2008, 3:18 pm | |
| | |
|
| |
mark_7th Senior Member
Dami ng Post : 2450 Puntos : 6286 Salamat : 2 Lokasyon : cainta Nagpatala : 2008-04-06
| Subject: Re: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe September 1st 2008, 3:18 pm | |
| | |
|
| |
Lanyag Clara Senior Member
Dami ng Post : 2248 Puntos : 5906 Salamat : 6 Lokasyon : Bulubunduking Lalawigan Nagpatala : 2008-12-13
| Subject: Re: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe January 11th 2009, 1:56 am | |
| huh???...congrats sa iyo kuya jhuly!.. kapag sikat kana huwag kang makakalimot!?hhehehehe | |
|
| |
mark_7th Senior Member
Dami ng Post : 2450 Puntos : 6286 Salamat : 2 Lokasyon : cainta Nagpatala : 2008-04-06
| Subject: Re: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe January 18th 2009, 12:47 am | |
| may anghang mga sulat ni sir.jhuly ^^. | |
|
| |
tagubilin Senior Member
Dami ng Post : 1510 Puntos : 6125 Salamat : 4 Lokasyon : super novalichessss! Nagpatala : 2008-04-13
| Subject: Re: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe January 18th 2009, 8:00 pm | |
| - mark_7th wrote:
- may anghang mga sulat ni sir.jhuly ^^.
di lang anghang tamis anghang :p | |
|
| |
mark_7th Senior Member
Dami ng Post : 2450 Puntos : 6286 Salamat : 2 Lokasyon : cainta Nagpatala : 2008-04-06
| Subject: Re: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe April 30th 2009, 2:52 pm | |
| tagubilin, napublish na ba yang book charity ng bobong pinoy?? | |
|
| |
darkuranus Junior Member
Dami ng Post : 546 Puntos : 5972 Salamat : 3 Lokasyon : naga city Nagpatala : 2009-04-04
| Subject: Re: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe May 1st 2009, 10:04 pm | |
| ako eto.LIHAM PARA KAY MADAM for everyone
dear madam,
kumusta ka na tingin ko malaki na daw ang ulo mo, malaki na rin ang nunal mo at ang pera mo rumarami na ...saan ba yun galing??? tagal na pati nating hindi nagkikita, teka nga lang nagkita na ba tayo??? marahil hindi pa,. for sure ang sarap na ng buhay mo at ng pamilya mo,,teka teka,pasali naman kami dyan sa masarap mong pamumuhay, padala ka man lang dyan kahit konting halaga para sa mga dukha, at pakisabihan naman ung mga tauhan mo na parating naman nila samin ung mga padala mo ng buo lagi kasing bawas na eh''' ang masama pa roon halos kalahati na ang kaltas bago makarating samin at minsan d nakakarating ang pera para sa mga dukha..huhuhu maawa naman sila samin,pero kung wala talaga silang mga awa eh madam, ano pa nag hinihintay mo pagsisipain mo na yan sa mukha kung hindi ako ang sisipa.. at baka makasali ka dun..hehehehe At balita ko nga po pala eh sila ang mga taong nagpapalakas ng tuhod mo.. bakit may rayuma po ba kau???then sabi mo pa sa medya ay sorry sorry.. ano un plastikan kami meron tindang plastik kagaya mo..hahaha.......... (naman) mahiuya ka naman ang kapal ng apogs mo hindi ka diyos para sambahin,,.. (naku naman) hayzzzzzzzz,,, kaawa awa naman ang mga taong umaasa sa wala naku super hirap un,, sa katulad kong itong (isang kahig isang tuklaw este tuka) malabong may mangyari pang himala na makaahon pa kung nilulugmok naman.. sa mag suliraning ito, (and speaking of suliranin>ano po ba ang tunay mong suliranin?? d kasi namin makita eh''sabihin mo nga kung meron nga?? di ba ang sabi hindi krisis ang panahong ito at d natin ito dadanasin?? eh bakit kami mukhang krisis na??mukha na rin kaming mga alipin na para sa africa?? sa pamamahala mo!!! et bakit kami lang ang naapektuhan at bakit kayo hindi ???? masyado naman po sigurong unfair nyo!!! masyado mo kaming pinahihirapan eh mahirap na nga kami eh??asus ginoo?? (alam nyo po ba na kayo ang hinihirang ng mga taong lugmok na sa kahirapan..) ikaw ang hinihirang na umalis na sa walang pakinabang na posisyon bilang pinuno?? baka kala mo porke matalino kaeh qalam mo na ang lahat??? eh alam mo rin ba ang sinisigaw ng puso ng sambayanan. ha?? alam mo ba??? o baka naman eh wala kang puso?? tekateka.. patingin ka nga muna sa doktor baka may sakit ka nga sa puso??? hayzz,, (wish to hell este heal pala)...hahahahaha pero kahit po ganun eh nagpapasalamat po ako sa iyo dahil kung hindi sainyo hindi kami matutong magbanat ng mga buto.. buti na lang kahit papano eh nakatulong ka sa bawat isa sa amin ... nakatulong din ang walang kwenta mong pamamahala sa buhay naming mga dukha!!! at wag ka na rin po mag alala dahil malapit ka ng mawala dyan sa korona mo!! at sana po plzzzzz. wag ka ng gumawa pa ng isyu ng di ka na mabatikosw pa.. pakabait ka naman kahit papano ung totoo hindi ung plastik.. oh papanno po ba yan lapit na magtapos ang liham na para sa iyo sana po ay magbago kana at mag pabango na!! ng d matulad sa iba!! maari po ba yon??? oh pano ba yan yngatzzzzz na lang?? bye bye..
ron(darkuranus) ang iyong bangungut | |
|
| |
darkuranus Junior Member
Dami ng Post : 546 Puntos : 5972 Salamat : 3 Lokasyon : naga city Nagpatala : 2009-04-04
| Subject: Re: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe May 1st 2009, 10:05 pm | |
| | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe May 15th 2009, 1:45 pm | |
| Basta ang mahalaga lalabas na yung bagong Book ni Master Bob... at sa Sabado ay makukuha ko na ang aking kopya... hahahaha | |
|
| |
mark_7th Senior Member
Dami ng Post : 2450 Puntos : 6286 Salamat : 2 Lokasyon : cainta Nagpatala : 2008-04-06
| Subject: Re: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe May 19th 2009, 10:23 pm | |
| buti pa si sir jhuly may kopya na ^^ | |
|
| |
Sponsored content
| Subject: Re: [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe | |
| |
|
| |
| [trip lang] entry nyo sa BOBONG PINOY charity buuks ^^. hehe | |
|