Latest topics | » US preparing war on North Korea and Iran!December 23rd 2017, 4:01 pm by James307 » MASAHISTA GROUP SA FB. (Massage and Spa Therapist)December 11th 2017, 2:41 pm by Ametron29 » Join PlanetRomeo and Manjam site. (Dating and fun)December 11th 2017, 2:23 pm by Ametron29 » Tunay na kahulugan ng buhay...December 10th 2017, 5:20 pm by James307 » Mga Pre. Masarap din magmahal ng tomboy...December 10th 2017, 5:18 pm by James307 » Strict gun ownership/policy and no to riding in tandemn/Ejk!December 10th 2017, 5:17 pm by James307 » Wonderful Story: Isang babae ang lumapit sa Pastor. December 10th 2017, 5:14 pm by James307 » Watch: Jesus film and Christian celebrities.December 10th 2017, 5:12 pm by James307 » BIG ONE AND WW3 IS COMING SOON... December 10th 2017, 5:10 pm by James307 » PAYPAL MONEY INCOMEAugust 10th 2016, 11:50 pm by jafdynasty » Much Awaited Movie This YearFebruary 9th 2015, 1:48 pm by justIGOR » musta mga repapipsFebruary 6th 2015, 3:53 pm by justIGOR » kALaYaAn... sAaN aT kAiLaN?February 5th 2015, 2:05 pm by justIGOR » Pinoy TriviaFebruary 5th 2015, 1:35 pm by justIGOR » Apps para sa mga masekreto at chismosaFebruary 4th 2015, 11:36 am by justIGOR » Cellphone ApplicationFebruary 4th 2015, 11:03 am by justIGOR » LoginFebruary 4th 2015, 10:35 am by justIGOR » PET LOVERS: SHIH TZUJanuary 8th 2015, 10:17 pm by James307 » OPLUS AND WINDOWS PHONE LUMIAJanuary 8th 2015, 10:16 pm by James307 » SMARTBRO POCKET WIFIJanuary 8th 2015, 10:15 pm by James307 » IPASA ANG FOI BILL! IBALIK ANG DEATH PENALTY!!!January 8th 2015, 10:12 pm by James307 » Christian Theology 101: Idolatry and Graven ImagesJanuary 8th 2015, 10:11 pm by James307 » Except a man be born again he cannot enter the God's KingdomJanuary 8th 2015, 10:10 pm by James307 » Facebook GroupSeptember 6th 2013, 4:33 am by tagubilin» SurveyJuly 19th 2013, 11:27 am by Punong Abala |
Poll | | Anung Cellphone Brand ang user friendly para sa inyo? | Nokia | | 62% | [ 8 ] | Samsung | | 23% | [ 3 ] | Motorola | | 0% | [ 0 ] | Sony Ericson | | 15% | [ 2 ] | LG | | 0% | [ 0 ] | VodapHone | | 0% | [ 0 ] | Alcatel | | 0% | [ 0 ] | Wala sa Nabanggit | | 0% | [ 0 ] |
| Total Votes : 13 |
|
Who is online? | In total there are 69 users online :: 0 Registered, 0 Hidden and 69 Guests None Most users ever online was 183 on February 10th 2021, 5:14 pm |
Statistics | We have 482 registered users The newest registered user is Ametron29
Our users have posted a total of 50867 messages in 1271 subjects
|
|
| future ng KP :D | |
|
+17inang kalikasan Punong Abala charmskie yulei angelbhabe mark_7th BobOng Mod belle Jhuly kulayanmoako bantay athena silip_lang Xaviour tagubilin onid waloako 21 posters | Author | Message |
---|
waloako Senior Member
Dami ng Post : 761 Puntos : 6306 Salamat : 1 Lokasyon : diocese ng novaliches Nagpatala : 2007-09-10
| Subject: future ng KP :D June 20th 2008, 7:59 pm | |
| mapagpalayang araw sa kabataang pilipino!
susubukan kong maging maikli ang pambungad na pasakalyeng mahalagang salik para sa pangunawa ng kalahatan kung papaanong nailuwal ang ilalatag kong panukala, panukala na nangangailangan ng inyong pagtugon, tinig at partisipasyon. maikling kasaysayan-- isa ako sa mga nakakakilala ng personal kay PA, pero irerespeto ko ang pagnanais niyang sukluban ng misteryo ang kanyang pagkatao, lalo't epektibo naman ito para siya ay talagang maging ganap na "administrator" ng KP. hehe shy lang talaga siya eh kung sisipatin ang link na ito: http://kabataangpinoy.heavenforum.org/memberlist.forum?username=&mode=joined&order=&submit=Okmalalaman mong hehe oo nga pangatlo ako sa unang naging bahagi ng munting pangangarap ng KP. oo bansagan mo na akong romantiko o ideyalista, pero ang KP ay hindi basta simpleng lungga, o forum site. ang KP, ay isang pangarap. oo ang KP ay isa ngang pangarap.si bobong mod pala ang hindi ko kakilala, mukhang bestie ni PA, hehehe, si kuya july kasama yan sa pangangarap namin ni PA, pero, pang 21 nga lang siya eh hehehe nauna pa pala ako sa iyo master july? simple lang, kami'y mga Kabataang mayPakialam, na nagtitiwala sa Kabataang Pinoy, dahil kami mismo ay Kabataang Pinoy (kahit matanda na sa edad ang ilan pero may puso para sa kabataan, keri pa din yun). pero hindi na namin nakikita ang mga kabataang ito na nakikialam. hindi na namin nakikita ang mga kabataang ito sa mga tradisyunal na lungga sa paaralan o kalsada o simbahan, meron pa ding mga kabataan dito pero alam naming ang mayorya ng kabataan ay hindi na dito nagkukuta at naglulungga. hinanap namin sila. at nakita namin sila, na nahuhumaling sa mga virtual na mundo, kung saan nakatatakas sila kahit sandali sa reality na hinaharap nila, rpg games gaya ng dota, o mga online houses kung saan, pwede nilang malayang ihayag ang kung sino ang ideyal nilang sarili, hindi ko nilalahat, pero ito ang karamihan. sinubukan namin ni PA, na magkuta din kung saan naruruon ang kabataang pinoy... at kung makapapasok kami sa lungga nila, o makagagawa ng lunggang magugustuhan nila, kung saan papasok sila, tatambay at magpapakatotoo, malalaman namin ang kanilang mga hinaing, saluobin, pinagdadaanan, isyu, karanasan, at hanggat kaya, ay makapaglilingkod kami sa kanila sa paraang pagbibigay ng sagot sa kanilang mga katanungan, o pagiging bukas na tagapakinig, o simpleng maging kamanlalakbay nila... kaibigan, kalaro, kakulitan, kapamilya, kalakbay, kasama.
duon naipanganak ang konsepto ng KP. pero isa isa lang ang laban sabi namin ni PA. hindi namin hinangad nuon na buohin ito bilang isang pormal na organisasyon. naging masaya na kaming may mga pumapasok, may mga tumatambay, may mga nagtatagal, may mga nagyayaya pa. naging malawak ang naabot ng KP, mula sa qc, nagkaruon ng kaibigan sa makati, cainta, pasig, meron na din sa bataan, sa bulacan, sa leyte, sa cavite, at kung saan saan pang sulok hindi ko na maiisa isa, idagdag mo pa ang mga KP sa kabilang ibayo, gaya ng canada, united kindom, kuwait, at us of a o di ba! magugulat ka e pala kahit sa mars merong KP (ito joke na hehe si casp3r_07). masaya na kami dito, at masaya naman lahat dito.nagkaruon ng unang eb-- siliplang, xaviour, waloako, jhuly. itong si siliplang at xaviour ang naglapag ng suhestiyon nuon na magkaruon din ng iba pang gawain ang KP, maliban sa forum... hmmm. naisip namin nuon ang bataan day, pero dahil naging busy ang lahat at wala namang bumuo talaga ng konkretong plano ayun hindi iyon natuloy, nitong sumunod na eb, nangamusta uli si xaviour, pero ayun, madaming nagagandahan sa plano pero walang isang nagsusulong talaga na uupo at magbabalangkas nito.ewan ko, pero pagkatapos ng paguusap na ito. habang naaabala ako ng hindi umuusad na dyip. natulala ako at biglang napako ang tingin ko sa isang pananaw na naglaro sa utak ko. magiisang taon na pala ang KP! at hindi birong, lumaki lumawak at lumago na ito. nilagpasan nito ang aming ekspektasyon ni PA, at inabot nito ang aming munting mga pangarap. nakilala namin kayo. dumami tayo. napasaya namin kayo. nalaman namin ang pulso ninyo. ang mga isyung gumugulo sa inyo. at oo naging kasama namin kayo, kalakbay, ang KP ay naging isang pamilya ng hindi natin namamalayan! pero hanggang sa likod lang ba ng tayo ng mga nilikhang personalidad palaging magtatago? o panahon na para may patunayan ang Kabataang Pinoy? ang realidad ng KP. ang KP ngayon.
hindi ko makuha kung nakakailang milyon (naks) na ang naligaw sa ating pahina, hindi nalagyan ni PA ng hits counter sayang. subalit, mayruon na tayong 19166 posts na nagagawa, mahaba habang usapan din pala ang naganap, na kulitan, tawanan, at seryosong usapan para sa 432 topics na nagawa, tungkol sa napakalawak na mundo ng kabataan, mapahilig na pagkain o tugtog, isyung pampamilya at pangeskwelahan, o pang labiduds, kahit ang mga mabibigat na topic hindi nilalangaw, gaya ng relihiyon, pulitika, bayan, naku eh may nagbusiness na nga dito, sino bang nakabili ng perfume dyan? hehehe. meron na tayong total na 207 users, hellllllooooo kamusta kayo pero sa 207 na ito, siguro naman may 30 na aktibo. (sori ako din minsan pasaway nawawala) pero kahit di nagpopost ang marami, malay natin kung nakikibasa naman sila? hindi tuloy masusukat na maliban sa marami nang naliwanagan sa ating mga post eh baka mas marami pa sa alam natin ang talagang naliwanagan nga di ba? ano ibig kong ipunto.
sa ngayon na ang direksyon ng KP bagaman meron ay hindi konkreto ay mayruon na tayong naaabot, hindi naman siguro malayong pangarapin na mas hihigit pa ang maaabot natin kung ito'y lalagyan natin ng direksyon...hmmmm ano sa tingin ninyo? napakablangko pa ng mga detalye sa utak ko, pero may maliwanag na akong nailalarawan sa utak ko ng mga posibleng maabot ng KP... pero ayoko kung magisa lang akong mangangarap ng ganito. sasamahan ninyo ba ako?ano man ang tugon ito ang mga katanungan ko---- (1) paano mo nalaman ang KP (kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).
(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?
(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?
(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?
(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)naisip ko na pag nasagot ang katanungang ito, ito ay iipunin at pagaaralan ng mabubuong STYLING COMMITTEE. ito ang komite na magiisip kung paano isasatitik ang mabubuong konkretong pananaw at misyon ng KP. tungkulin nilang isaalang alang ang naunang pangarap ni PA at ng ilang mga nauna dito sa pagbubuo ng pangungusap nila. sila ang gagawa ng mga titik ng ating misyon vision subalit, hindi absoluto ang kanilang magagawa at dadaan ito sa dalawang draft, bago ito ilabas sa buong KP, at ang buong KP ang magdedesisyon kung tanggap nila ito o hindi (ratification). sino-sino ang styling committee?hindi pa ito napagdedesisyunan ni PA, pero ibinukas ko ang paglalagay ng kwalipikasyon o karapatan duon sa mga nakasama ko sa eb, at sa lahat ng magbabasa nito ngayon sa pagnonomina ng makakasama sa komite na ito. uulitin ko ha. hindi mga leader ito mga servant leader. hindi para maghariharian pero para maglingkod hehe. sila ba'y dapat may required number of post? (lagot ako), accdg to pag join ba? (pasok ako kung ito hahaha), o yung active sa eb (haha), o mixed of those qualities. naisip ko pwede tayong magnomina, pero para fair, ibigay natin kay PA ang pagdedesisyon kung sino ang styling committee? basta sana mga 5 o anim lang ito. mahirap ang malaking grupo. timeframe.sana umabot ang lahat ng sinabi ko bago tayo maganniversary, hindi ba malaking regalo sa buong Kabataang Pinoy ang ating pagkilos at paniniwalang ang Kabataang Pinoy ay may Magagawa? basta ito ang mananatili, hindi tayo tradisyunal na organisasyon, kaya wag kayong matakot na mahirap magkita kita o magmobilisa, idedesenyo ang organisasyon ayon sa "nature" mismo ng nasimulang forum, hindi ang KP members ang makikiayon sa organisasyon, pero hanggat kaya ang organisasyon ay magiging flexible sa needs ng KP, in fact nagsimula naman sa ganito at naging epektibo ito, bakit iibahin ang format. ang nasa isip ko siguro ay mga local eb na mangyayari tapos may mga minsan isang taon na malakihang EB, hays basta, mas masaya to. ano sa tingin ninyo?
sagutin ninyo ako ha... | |
| | | onid Moderator
Dami ng Post : 2229 Puntos : 6231 Salamat : 0 Lokasyon : Pasig Philippines Nagpatala : 2007-10-31
| Subject: Re: future ng KP :D June 20th 2008, 9:00 pm | |
| ang ikli nga hehe... sagot ko: (1) paano mo nalaman ang KPMiyembro ako ng BobongPinoy Yahoo Groups at doon ko nakita ung link na ito, sa aking pagkakaalala ang KP ay may adress dati na BobongPinoy (tama ba ako?) kaya ako naenganyong sumali dito sa Forums na ito. (2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?Nasa KP ako kasi andito ung mga taong totoo, at nailalabas ko ang totoong ako. (3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?Matatawag ko ang KP na hindi tambayan kundi isang Classroom (4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP?OO kasi: nasa baba ang dahilan (5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP?Hindi ako manghuhula, pero sana maging mas malaki at mas kapakipakinabang ang KP para sa mga kabataan na pilipino =-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=- Palagi kong sinasabi sa kaibigan ko, na iba ang tao sa online at sa totoong buhay... mas makikilala mo ang isang tao kung kayo magkakakilanlan ng personal... ito ang gusto kong mangyari sa KP, hindi para mawala ang curiosity sa tao, kundi lalo kong maibigay ang buong tiwala ko sa tao, dahil gusto ko silang makasama sa isang organisasyon na alam kong makakatulong sa mga kabataan. kung magkagayon man ay mapapadalas ang mga EB, teka parang ang salitang EB o Eye Ball ay hindi na magiging angkop para sa mga pagkikita natin, mas maganda kung matawag natin itong Meeting, ngunit sana ay wag nating makita ito bilang isang Obligasyon para umatend pero importante parin ang inyong partisipasyon... *lumalayo ata ako... Eto na, gusto kong makita ang KP na higit pa sa isang Forums, kumbaga lets take it outside hehe... sawa na ako sa sasabihin na, magingay, ipaabot ang saloobin, gusto kong gumawa sa tahimik at ligtas na paraan. gusto kong magfocus sa kabataan (kaya nga kabataang pinoy eh)... minsan naiisip ko na maglakbay sa mga tagong mga bayan, at magkaroon ng konting pagtuturo sa mga bata doon, iniisip ko palang natutuwa na ako O_O parang sa BobongPinoy Yahoo Groups, ayokong gumawa ng pagkukumpara (anu pa nga ba ang ginawa ko?) Iba ang bobongpinoy iba ang kabataangpinoy yun lang naku po bitin ang aking post... alas otso na pala hehe... Last word: Kung ano man ang balak nyo sa KP asahan nyo ako na susuporta at tutulong sa pagtutulak ng inyong mga pangarap para dito | |
| | | tagubilin Senior Member
Dami ng Post : 1510 Puntos : 6125 Salamat : 4 Lokasyon : super novalichessss! Nagpatala : 2008-04-13
| Subject: Re: future ng KP :D June 20th 2008, 11:39 pm | |
| | |
| | | Xaviour Junior Member
Dami ng Post : 325 Puntos : 6248 Salamat : 0 Lokasyon : Manila Nagpatala : 2007-11-03
| Subject: Re: future ng KP :D June 21st 2008, 8:37 pm | |
| (1) paano mo nalaman ang KP (kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).
=> Nalaman ko po dahil sa YG naghahanap lang ako ng links then nakita ko tong forum.
(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?
=> Enjoy dahil madaming topics, madaming kaibigan, at nalaman ko na madami pa din ang taong nag-iisip ng malalim at maayos. (na dati hopeless na ako na baka wala na.)
(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?
=> ayon nga kay kuya jhuly.. taga salo ito. hindi man tayo magkakadugo, magkakapatid pa din tayo. at dahil dun may sense tayo ng tulungan at respeto.
(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?
=> Pabor ako oo... pero sana hinay hinay lang sa activities, hindi tayo lahat sanay sa pagiging isang org. Kailangan din ng pag build.
Pabor ako dahil mas madami tayong matutulungan at mahuhubog bilang maayos na tao.
Minsan lang naman tayo dadaan sa buhay na ito, kung may maitutulong tayo, gawin na natin.
(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)
=> Nakikita ko na tatagal tayo dahil lahat tayo marunong mag communicate at malaking tulong ang EB's sa pagkakakilanlan ng mga tao.
| |
| | | silip_lang Active Member
Dami ng Post : 3646 Puntos : 6352 Salamat : 2 Lokasyon : Balanga City, Bataan Nagpatala : 2007-11-27
| | | | athena Senior Member
Dami ng Post : 1306 Puntos : 6003 Salamat : 0 Lokasyon : bacoor cavite Nagpatala : 2008-06-17
| Subject: Re: future ng KP :D June 22nd 2008, 1:45 am | |
| "sasamahan ninyo ba ako" - yes., hanggang sa abot ng aking makakaya.,
actually baguhan palang po ako kahit madame na po akong na post e masasabi ko paring baguhan po ako.,pero kahit ganon., gagawa po ako ng paraan para makasama sa iniisip na gawin o dapat gawin ng kp.,
1.) nalaman ko po to kay bantay.,
2.) dahil po sa mga taong concern po nung nag eb., eb na gusto nila akong makita kahit di ako member nito., kaya i decided na sumali dito., nagustuhan ko dito e yung pag welcome nila sakin., madali akong naka get along sakanila., masayang kausap.,kasama., makakabuo ka dito ng isa pang pamilya.,
3.)FRIEND/FRIENDS
4.)OO naman! syempre.,mas maganda yung may goal tong site na to'., di lang para sa akin.,kundi para sa lahat ng nasa kabataang pinoy., kelangan din nating patunayan ang sarili natin na may magagawa tayong pagbabago.,
5.)kapag naging active yung iba pang members., mas magiging madali ang pag-uusapan para sa kp., mas madame.,mas masaya., tapos mas madaming activities na magagawa., atleast sa ganoong paraan mapapakita natin na may magagawa tayong pagbabago., diba? diba? | |
| | | bantay Senior Member
Dami ng Post : 2175 Puntos : 6061 Salamat : 0 Lokasyon : muntinlupa Nagpatala : 2008-04-18
| Subject: Re: future ng KP :D June 22nd 2008, 4:32 pm | |
| (1) paano mo nalaman ang KP (kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).nagmultiply ako, nag post, at may nakapansin.. si mark7th.. niyaya nya ako dito.. at dahil sa nakalimutang tumambay sa dating forum eee eto ako ngayon.. (2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?anong meron? mga usapan, relihiyon, politika.. mga wala sa dating tinatambayan ko, tambayan lang talaga ang hanap ko at hindi ko inaakalang ganito (3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?kp ay bahay, tahanan para sa mga katulad kong naghahanap ng masisilungan.. (4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?oo dahil kailangan ng pagbabago.. hindi lang ikaw ang may gusto, hindi lang ako, at pati na rin ang mga nananahimik sa isang tabi.. (5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)kung patuloy na dumami ang members at madami ang mamumulat sa tunay na kalagayan ng piipinas.. aba! gloria resign na agad ito at sisisihin ang mga online communities tulad ng ganito hehe jowk lang | |
| | | kulayanmoako Newbie
Dami ng Post : 36 Puntos : 6005 Salamat : 0 Lokasyon : milky way Nagpatala : 2008-06-13
| Subject: Re: future ng KP :D June 22nd 2008, 7:40 pm | |
| (1) paano mo nalaman ang KP (kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).
-una kay mark, tapos kay ate pia at kay kuya jhuly
(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?
-ummm bluntly honest, i don't know. i have to figure that out yet...
(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?
-a community, perhaps
(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?
-ummm, do whatever for the benefit of KP's members
(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)
-i can't say now
| |
| | | Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: future ng KP :D June 23rd 2008, 10:27 am | |
| (1) paano mo nalaman ang KP (kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).
Personal email mula kay PA... nuong una pa lang na ginawa ang Site (Kabataang Lingkod)
(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?
Forumer na ako nuon pa man... nagustuhan ko dito ay yung sinasabi nilang ang Religion at Politics raw pinagdudulutan ng maiinit na debate... hindi ko pa ata naranasan dito... ewan ko rin... maaga pa ba para magsalita?
(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?
Pakikisangkot.
(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?
Oo. Nasa dugo ko na siguro ang pagiging organizer. (5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)
- Isang Grupo ng mga Kabataang mulat sa tunay na kalagayan ng Lipunan - Mga Kabataang may tiwala sa kanilang mga Sarili - Magkaka-iba ngunit nagkaka-isa
| |
| | | belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6581 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| Subject: Re: future ng KP :D June 23rd 2008, 3:23 pm | |
| ((1) paano mo nalaman ang KP (kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan). ....natisod ko kay kuya jhuly (2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo? .... meron makausap sa lahat ng bagay na gumugulo sa akin (3) in one word or more, ano ang KP sa iyo? .... outlet (4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din? ....opo, sang-ayon ako sa mas kongretong pagbalangkas, meron kabuluhan at magandang kahinanatnan. (5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP) ....maging isa patungo sa iisang layunin. kahit dahan-dahan lamang, kahit kaunti ang members, buo ang samahan, maaasahan, meron compassion... | |
| | | BobOng Mod Moderator
Dami ng Post : 581 Puntos : 6301 Salamat : 1 Lokasyon : Pilipinas Nagpatala : 2007-09-09
| | | | waloako Senior Member
Dami ng Post : 761 Puntos : 6306 Salamat : 1 Lokasyon : diocese ng novaliches Nagpatala : 2007-09-10
| Subject: Re: future ng KP :D June 25th 2008, 9:59 pm | |
| | |
| | | mark_7th Senior Member
Dami ng Post : 2450 Puntos : 6286 Salamat : 2 Lokasyon : cainta Nagpatala : 2008-04-06
| Subject: Re: future ng KP :D June 26th 2008, 10:13 pm | |
| (1) paano mo nalaman ang KP (kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan). klban ko ang internet ^^.
search? pag nanggaya ka sa isang tao ang tawag sayo plagiarism pero pang ginaya mo dahil meron na sa karamihan ang tawag daw ay search? pero hindi ko naman nakita sa karamihan ang KP?
sa ibang paraan? sa hindi malamang kadahilaan siguro sa ibang paraan ko nga nalaman, hehehe di ko alam kung kaibigan ko to pero si MAC ART HUR nagturo sakin ^^. (2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?
bakit ako nasa KP? (ayaw nyo ba? hehehe) anung meron sa KP na nagustuhan mo?(pano mo nasabing may nagustuhan ako dito? hehehe biro lang biro lang )
eto eto, syempre iba dito , sino ba si BO di ba , sya nagsimula ng lahat ng usapan dito, sa kanya nagsimula ang bobong pinoy at namunga at naging kabataang pinoy ,ewan ko lang ha pero para sakin tinapos na ni BO ang BobongPinoy,tungkol sa bansa natin , dapat eto naman ang pag tuunan natin ng pansin, ang KABATAAN,dahil kabataan ang problema ba ngayun? hehehe anu ba ang kabataan di to , dito hinahanap ko ang mga bagay na para sakin, kung hanggang saan ako, dahil iba na raw ang kabataan ngayun kesa nuon, dahil isa ko sa kabataang inaalam nyo, tignan nyo nalang kung may magagawa nga ba talaga ko ? hehehe ^^. (3) in one word or more, ano ang KP sa iyo? KP KP more ako ha,, hehehe , KP, yun nga ,gusto kong hanapin ang papel ko ,gagamitin ko ang KP bilang isang sikretong materyales upang masubok ako kung hanggang san ang itatagal ko ng nakatayo at humihinga, 4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?
oo, sa una palang alam ko na iba ang KP sa ibang mga forum, pumasok agad sa isip ko(may magagawa ba ko?)
intiresado ko , alam ko marami akong mababahaging inpormasyon tungkol sa mga kabataan ^^.
mga expirience narin , mga nakikita tsaka pananaw ^^. (5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)
basta wag tayo mag madali,, hehehe ^^. | |
| | | angelbhabe Newbie Level II
Dami ng Post : 161 Puntos : 6022 Salamat : 0 Lokasyon : caloocan Nagpatala : 2008-06-12
| Subject: Re: future ng KP :D June 27th 2008, 1:21 pm | |
| (1) paano mo nalaman ang KP (kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).
=> sa multiply friend n member din dito (sya ung pinakabatang member ng kp (2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?
=> Enjoy dahil madaming topics, madaming kaibigan, at nalaman ko na madami pa din ang taong nag-iisip ng malalim at maayos. (same lng kami ng answer) >>dahil din sa kp namulat ang aking kaisipan sa mga bagay bagay na di ko pa nalalaman..lumawak ang dating simpleng mundo :hug 1: (3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?
=> isang samahan na malayang tumatalakay sa ibat ibang aspeto ng mundo,at sa malayang pag bubukas ng damdamin at kaisipan, nabubuo ang tinatawag n pagkakaibigan (4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?
=> Pabor ako oo... sana madagdagan lng ng isang activity kung san pwede tyong tumulong sa mga bata, kabataan n kapuspalad- isang charity or isang foundation sana Pabor ako dahil mas madami tayong matutulungan at mahuhubog bilang maayos na tao.
(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)
=> samahang titibay sa mahabang panahon dahil sa iisang layunin....
| |
| | | yulei Newbie
Dami ng Post : 44 Puntos : 6208 Salamat : 0 Lokasyon : batanggas Nagpatala : 2007-11-24
| Subject: Re: future ng KP :D June 30th 2008, 1:07 am | |
| (1) paano mo nalaman ang KP (kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).
kay waloako, sa post egroups siya naginvite, hindi naman personal, tapos nacurious ako, tsaka pag si waloako ang naginvite mukha namang may kabuluhan, dumami ang lakwatsa ko at escapades at dami ko nakikilala at natututunan, lahat yan kasalanan ni walo ako.
(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?
nagustuhan ko yung pagiging bukas ng mga tao dito na magpahayag ng kanilang mga opinyon. may kalayaan kumbaga. gusto ko ding marinig at matuto mula sa pananaw ng iba, na hindi naman kailangang yakapin ko din ang pananaw nila, kung hindi maunawaan lamang ito nang sapat para hindi ko sila husgahan ng mali at maging daan pa para sa pagkakaunawaan. alam ko din kasi na paalis na ako ng bansa at matagal pa bago ako makabalik kung babalik nga ba, nakita ko ang KP bilang ekstensyon ng pakikipagugnayan ko sa aking kapwa kabataang pilipino, KP ang nakita kong magbibigay sa akin ng pagkakataong maipagpatuloy ang paglilingkod sa kabataan kahit sa munti kong paraan kahit na nasa malayo na ako. (3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?
ang KP sa akin isang tahanan. pwede akong magpatuloy ng kaibigan o bagong kakilala, pwedeng magpahouseparty, pwedeng umiyak, pwedeng magkananay o magkatatay o magkaruon ng kapatid, pwedeng pahingahan, pwedeng lugar ng kasiyahan. madaming kwarto sa KP, at bawat kwarto may ugnayang nabubuo, may kwento ng buhay na napaguusapan, may sikretong nabubunyag, may karanasang naibabahagi.
teka hindi one word yun? pero ang one word ay TAHANAN bawal ba amgexplain hindi naman ata hehehe.
(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?
oo naman, nararamdaman ko nga ang excitement all over again nuong mga unang buwan na binubuo ko ang isang dati kong org mula sa scratch. ang KP ay nagmula lang din sa scratch. pero sabi nga ng mahabang litanya ni waloako tungkol sa pinagdaanan ng KP, nakikita kong hinog na ang panahon para itulak sa mas mabungang paghuhubog ang KP. sayang naman kung mananatili lang itong basta usapan o basta batkadahan, kung pupuwedeng namang gawing kapaki-pakinabang pa, eh bakit matatakot? hindi ito magiging madali, at nakakahiya kasi hindi ako makakatulong ng pisikal dahil wala ako sa bansa pero alam kong kahit mahirap kung may malasakit tayo sa kabataang pilipino, kayang kaya na may magawa pa ang KP higit sa nagagawa na nito ngayon, na impressive naman na talaga.
(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)
ewan ko pero pinapangarap kong makita ang KP bilang isang instrumento para makapagluwal ng mga bagong kabataang lingkod, mas madaming kabataang lingkod, mga kabataang lingkod hindi sa pangalan kundi sa gawa | |
| | | charmskie Junior Member
Dami ng Post : 322 Puntos : 6166 Salamat : 0 Lokasyon : manila Nagpatala : 2008-01-04
| Subject: Re: future ng KP :D July 1st 2008, 9:56 pm | |
| (1) paano mo nalaman ang KP ayun, dahil sa pakekealam ko sa kung ano anong nakikita ko sa monitor ng computer. . . actually chismosa kasi ako kaya naopen ko ung link ng KP. . . (2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo? mga taong maaasahan in times of hardships. . (tama ba???) actually di ko pa nmn ganong tested peo i think ganon lahat ng tao dito (3) in one word or more, ano ang KP sa iyo? in one word??? true as in 22o tlga. . . no pretenders. . . (4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din? yes, coz i want this group to grow. . . to inspire more people and to encourage youth to do things that can help them know themselves more. . . (5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? for us to be known worldwide(wow taas!!!)
| |
| | | Punong Abala Admin
Dami ng Post : 1432 Puntos : 6347 Salamat : 8 Lokasyon : Pilipinas Nagpatala : 2007-09-09
| Subject: Re: future ng KP :D July 2nd 2008, 10:54 am | |
| Salamat sa mga sumagot na. Eto po ulit yung mga katanungan. At kung gusto nyo malaman anong pinagmulan ng questions na iyan please follow this L I N K(1) paano mo nalaman ang KP (kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).
(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?
(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?
(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?
(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP) | |
| | | inang kalikasan Junior Member
Dami ng Post : 699 Puntos : 6133 Salamat : 0 Lokasyon : nueva ecija,tarlac Nagpatala : 2008-02-15
| Subject: Re: future ng KP :D July 8th 2008, 6:07 pm | |
| (1) paano mo nalaman ang KP (kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan).
naghahanap kasi ako nang kakaiba sa internet tapos bigla ko nalang napasok tong site ng kp..... (2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo?
nugustuhan ko yung pagpapalit nang mga idea nang bawat member dito,tsaka lahat nagpapakatotoo at tanggap nila ako... (3) in one word or more, ano ang KP sa iyo?
aking tahanan... (4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din? oo...maganda naman ang layunin ng kp.... (5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP)
hindi ko alam...sana lang mging daan ang kp para maging bukas ang isipan nang madaming pilipino lalo na ng mga kabataan na kailangan na ng pilipinas ng pagbabago at mangyayari lamang yun kung magtutulungan tayo.... | |
| | | gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Re: future ng KP :D August 9th 2008, 11:36 am | |
| (1) paano mo nalaman ang KP (kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan). sa mga online buddies ko sa multiply
(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo? nacurious lang ako nung una kung ano talaga ang KP, kasi madalas ko siyang marinig kina kuya jhuly at pia, kaya i decided to register, though medyo nahihirapan pa kong gumala dito, nakita ko yung bonding ng mga members even sa online at saka ung pagpapalitan ng mga opinyon...
(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo? PAG-ASA. KAIBIGAN.
(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din? oo.. para mas maging matibay ang pundasyon at mapalaganap kung ano talaga ang layunin ng KP, para makatulong upang makapagpamulat pa ng mas maraming kabataan..
(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP) syempre kung magtutulungan naman ang lahat ng miyembro walang impossible... sana lang talaga makatulong ang KP upang mamulat ang maraming kabataan, or kahit hindi kabataan | |
| | | gelay Moderator
Dami ng Post : 3681 Puntos : 6389 Salamat : 4 Lokasyon : Canada Nagpatala : 2007-11-14
| Subject: Re: future ng KP :D August 10th 2008, 9:55 am | |
| 1) paano mo nalaman ang KP (kaibigan, online search natisod mo lang o iba pang paraan). dahil po kay jhuly
(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo? dahil sa mga acquaintances who became my friends.. the topics; feeling ko kasi i can express my opinion without having someone to judge me because of my own beliefs.. the atmosphere dito, lahat kasi friendly.. and also the fact na 'yung ibang members that i know are also involved with their own parish, katulad ko... basta, i feel comfortable here..
(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo? kp is not a place where i can go to or a person that i can talk to... yet, i find peace here..
(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? eeeeeeeek.. di ko po naiintindihan 'yung tanong.. paki-explain pls.. o kaya po para mapadali, paki-translate..
kung OO, bakit? kung hindi, bakit din?
(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP) i have a feeling that kp will go far simply because may goal ang forum na ito besides from having friends and just chatting.. if kp runs for a very long time, i bet that it can somehow help the younger generation to embrace their lives and also be nourished mentally and spiritually... | |
| | | Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| | | | misay Junior Member
Dami ng Post : 517 Puntos : 6048 Salamat : 0 Lokasyon : umeå,sweden Nagpatala : 2008-07-31
| | | | malikotnaisipnienan Newbie
Dami ng Post : 21 Puntos : 5627 Salamat : 0 Lokasyon : kanto ng blumentrit Nagpatala : 2009-07-06
| Subject: Re: future ng KP :D July 7th 2009, 10:59 pm | |
| 1) paano mo nalaman ang KP SI BOB ONG KSI,, KAKAHANAP KO KUNG ASAN ANG SITE NYA , D2 AQ NAPASUOT! MALI PALA AKO DHIL HINDI ATA ITO ANG SITE NA GINAWA NI BOB ONG NA D KO MALAMAN ANG DAHILAN KUNG BAKIT AYAW NYANG I SHARE (HIKBI)
(2) bakit ka nasa KP, anong meron sa KP na nagustuhan mo? SA NGAUN, SINUSURI PA DIN NG AKING MALIKOT NA ISIP KUNG ANO MERON D2. WALA KSI MAKAUSAP S CHAT KEA WALA PO AKO MATANONG, BAKA NMN MAY TYM KAU KHIT BUOD LNG PAKI PALIWANAG PO. SA NGAUN SANA PAYAGAN MO NYO MUNA AKO MAGING SQUATTER D2 SA TAMBAYAN NYO..
(3) in one word or more, ano ang KP sa iyo? WLA PA PONG IDEA, AKALA KO NGA D2 MATATAGPUAN ANG MGA KABATAANG MALIMIT KO MAKITA S MENDIOLA.....WLA PA TLGA IDEA,, SOWEEEEEEEEEEE
(4) pabor ka ba sa mas konkretong pagbabalangkas ng tunguhin ng KP? kung OO, bakit? kung hindi, bakit din? BASAHIN KO PO MUNA TAPOS COMMENT LET AQ.. MARAMING SALAMAT S PANG UNAWA
(5) ano ang natatanaw mong patutunguhan ng KP? (future ng KP o pananaw mo sa hinaharap ng KP) KUNG MAGANDA ANG LAYUNIN NETO,,, HMMMMMMMMMMM AT ANG LAHAT NG PAKALAT KALAT NA TULAD KO AY MAPAPADPAD D2, AT MAIINTINDIHAN KUNG BAKIT BINUO ANG SITE NA TO,, MAARING MAY MAGING MAGANDA ANG MAGIGING RESULTA NITO. KHIT NA ALAM NTIN NA HINDI NA KAYO O TAYO ANG MAKIKINABANG KUNDI ANG MGA SUSUNOD NA HENERASYON... TSAKA ISA PA PALA,, PANSIN KO LNG ....... PAG ANDITO AKO PAKIRAMDAM KO ANG GALING KO MANAGALOG,, AHAHAHAHAHA PEACE OUT GUDLUCK PO AT SANA MAKASAMA NYO AKO SAAN MAN KAU PATUNGO,,,, AT MAKATULONG AKO S PARANG ALAM KO... AMEN!! | |
| | | Punong Abala Admin
Dami ng Post : 1432 Puntos : 6347 Salamat : 8 Lokasyon : Pilipinas Nagpatala : 2007-09-09
| | | | malikotnaisipnienan Newbie
Dami ng Post : 21 Puntos : 5627 Salamat : 0 Lokasyon : kanto ng blumentrit Nagpatala : 2009-07-06
| Subject: Re: future ng KP :D July 8th 2009, 5:38 pm | |
| cge po. ggawin ko ang aking makakaya para makagawa ng isang maikli at mahusay na pagpapakilala.. salamat po..
looking 4rward to meet u.. | |
| | | Sponsored content
| Subject: Re: future ng KP :D | |
| |
| | | | future ng KP :D | |
|
| Permissions in this forum: | You cannot reply to topics in this forum
| |
| |
| |