| Nagtaasan na lahat..si Gloria lang ang hindi haha | |
|
|
Author | Message |
---|
silip_lang Active Member
Dami ng Post : 3646 Puntos : 6352 Salamat : 2 Lokasyon : Balanga City, Bataan Nagpatala : 2007-11-27
| Subject: Nagtaasan na lahat..si Gloria lang ang hindi haha July 11th 2008, 6:57 pm | |
| Nabasa ko sa Inquirer na na-approve ang dagdag pasahe....(kahit naman hindi ko nabasa alam na ng lahat).....8.50 na yata sa jeep....at kahit LRT at MRT nagtaas na rin....
hindi naman natin masisisi ang mga motorista kung humingi sila ng amenda sa pamasahe dahil sila ang malulugi pero paano naman ang mga taong hindi sapat ang kita?? mauuwi lang sa pamasahe ang sweldo??? eh ang bigas pataas pa ng pataas....kahit de lata at mga noodles mataas na rin...
saan na pupulutin ang mga taong walang maayos na pinagkakakitaan??? aasa na lang ba sila sa iba?? magnanakaw??
hindi ko alam kung bakit ba ako naiinis ngayon...dahil ba sa mataas na pamasahe o dahil sa kawalan ng tunay na malasakit ng gobyerno???
pwede bang baligtarin ang sitwasyon?? bumaba lahat ng bilihin at si Gloria ay tumaas ng konti?? haha mukhang imposible na yata.. | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: Nagtaasan na lahat..si Gloria lang ang hindi haha July 14th 2008, 2:21 pm | |
| Ang MRT at LRT hindi nagtaas ng pamasahe... kaya ayun lalong naging siksikan tuwing rush hours... mabuti na lang hindi na ako madalas sumakay dun...
Regarding sa patuloy na pagtaan ng mga bilihin... ano kaya ang dahilan nito... ano ang nagiging dahilan at yung langis na minimina nila ay tumataas samantalang wala naman nababago sa proseso ng pagkuha nito... at yung kanilang mga oil rigs eh hindi naman siguro parating pinapalitan... meaning... yung puhunan nila upang itayo ang mga dambuhalang oil rigs nila ay matagal na nilang nabawi... may mga malalaking barko rin silang pag-aari kaya dapat bawas na rin ang gastos sa shipping... eh bakit tumataas pa rin... ano ang dahilan...
supply and demand nanaman ang idadahilan... eh di dagdagan nila ang supply... alam naman nila na maraming nangangailangan diba... tsk tsk tsk... daming tanong... at tuwing makakakuha tayo ng sagot sa mga mamumuhunan na iyan hindi naman natin maintindihan mga technical terms nila... hay buhay... | |
|
| |
belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6581 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| Subject: Re: Nagtaasan na lahat..si Gloria lang ang hindi haha July 14th 2008, 3:28 pm | |
| ewan ko ba, narinig ko sa balita kanina sa radyo.. habang sakay ako ng fx..
kung di ako nagkamali ng dinig.. 10bilyon ang kinita na sobra ng mga kumpanya ng langis dito sa pilipinas.. hindi dapat umabot sa 70php per litro ang langis.. dapat 40php lang.
anu ba yan.. taghirap na mga tao panu balansehin ang kanilang karampot na kinikita. tas sila-sila lang ang nagpapakasaya sa mga paghihirap ng karaniwang tao..karaniwang laging naghihirap.. tumatanggap ng lahat ng mga nagsitaasan….
Sana Makita ko sa balita mamayang gabi ulit to confirm if totoo yung sobrang pagtaas ng presyo ng langis..
hayyyyyy... | |
|
| |
silip_lang Active Member
Dami ng Post : 3646 Puntos : 6352 Salamat : 2 Lokasyon : Balanga City, Bataan Nagpatala : 2007-11-27
| Subject: Re: Nagtaasan na lahat..si Gloria lang ang hindi haha July 14th 2008, 4:23 pm | |
| Dapat nga imbes na tumaas eh bumaba pa....
paano nga naman kukulimbat ang ma nasa posisyon kung ibababa nila di ba??
malunod sana kayo sa langis hehe | |
|
| |
belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6581 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| Subject: Re: Nagtaasan na lahat..si Gloria lang ang hindi haha July 21st 2008, 5:26 pm | |
| | |
|
| |
silip_lang Active Member
Dami ng Post : 3646 Puntos : 6352 Salamat : 2 Lokasyon : Balanga City, Bataan Nagpatala : 2007-11-27
| Subject: Re: Nagtaasan na lahat..si Gloria lang ang hindi haha July 22nd 2008, 4:43 pm | |
| mami tamad ako mag click ng link haha...pwede ba post mo dito hehe | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: Nagtaasan na lahat..si Gloria lang ang hindi haha August 6th 2008, 3:07 pm | |
| Pasinungalingan ngayon ni gloria yung ibinalita ng NSO (Government Agency) tungkol sa Inflation rate... nagtataka lang ako bakit inilabas nila ito after ng SONA... itinago nila kasi nagsasabi ito ng katotohanang tumataas ang bilihin kahit na "maganda" ang economy...
Eto ang site ng NSO ---> Inflation Rate | |
|
| |
belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6581 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| Subject: Re: Nagtaasan na lahat..si Gloria lang ang hindi haha August 7th 2008, 10:27 am | |
| hay, di ko talaga maintindihan ekonomiya.. hahaha nakalimutan ko nga na parte pala ng isang subject namin ang economics nung hayskul.. hahaha. mga inflation rate, supply and demand na konsepto, at iba pa.. anu pananaw niyo sa idea na ito: maganda ekonomiya sa ngayon pero nagtaasan mga bilihin? dahil, kahit gumanda man ekonomiya sa ngayon, di nangangahulugan na baba lahat ng presyo ng mga kailangan natin.. mararamdaman daw natin ang sinabing magandang ekonomiya in time... saken .. pwedeng possible siya.. pero kailan naman kaya yun? | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: Nagtaasan na lahat..si Gloria lang ang hindi haha August 7th 2008, 10:59 am | |
| Sa sistemang kapitalista kapag sinabing gumaganda ang economy ito ay nangangahulugan na yung mga mamumuhunan ay kumikita at hindi ibig sabihin nito na gumagaang ang kabuhayan ng mga uring mangagawa o ng ordinaryong mamamayan.
Halimbawa na lang nito ay ang produktong petrolyo. Bumababa ang pandaigdigang presyo ng krudo na maganda para sa mga muliti-nasyonal na kompanya ng langis dito sa Pilipinas. Nangangahulugan na "Maganda ang Ekonomiya" para sa kanila ngunit wala pa rin silang balak na ibaba ang kanilang mga presyo kasi "Nalulugi" pa rin daw sila.
Iyan ang kasamaan ng sistemang kapitalista na kung saan ang yaman ng mundo ay pinaglalaruan ng mga makapangyarihan at ang lakas paggawa ay kabilang na lamang sa kalakal. Ito ang dapat na buwagin. Ang sistemang ito ang kailangang lagyan ng pusong makatao upang ang bunga nito ay pakinabangan ng lahat at hindi lang ng iilan naghaharing uri. | |
|
| |
belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6581 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| Subject: Re: Nagtaasan na lahat..si Gloria lang ang hindi haha August 7th 2008, 12:26 pm | |
| salamat po sa impormasyon... di ko talaga paborito ang subject na yun.. anu tawag sa kanila kuya? g.......... n at m........i hahaha.
hay, bakit nga ba ganun.. | |
|
| |
silip_lang Active Member
Dami ng Post : 3646 Puntos : 6352 Salamat : 2 Lokasyon : Balanga City, Bataan Nagpatala : 2007-11-27
| Subject: Re: Nagtaasan na lahat..si Gloria lang ang hindi haha August 13th 2008, 2:14 pm | |
| ang gulo nyan ha??
maganda ang ekonomiya pero mataas pa rin bilihin??
gumaganda ba ang ekonomiya dahil sa maraming taong naghihirap??
aba Gloria....
| |
|
| |
Lanyag Clara Senior Member
Dami ng Post : 2248 Puntos : 5906 Salamat : 6 Lokasyon : Bulubunduking Lalawigan Nagpatala : 2008-12-13
| Subject: Re: Nagtaasan na lahat..si Gloria lang ang hindi haha January 14th 2009, 8:18 pm | |
| ..di bale, may 1 year at 4 months na lang na pagtitiis..mawawala na ang isinumpang nunal sa pilipinas!
..o dili kaya, may 1 year pa tayo para mapaalis ang isinumpang nunal na ito?!...hehehehhehehe | |
|
| |
Sponsored content
| Subject: Re: Nagtaasan na lahat..si Gloria lang ang hindi haha | |
| |
|
| |
| Nagtaasan na lahat..si Gloria lang ang hindi haha | |
|