kABaTAanG pINoy
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

kABaTAanG pINoy

kiLOs kaBAtAaN... kAiLaNgaN Ka nG baYAn!
 
HomePortalGalleryLatest imagesArcadesRegisterLog inSearch
Latest topics
» US preparing war on North Korea and Iran!
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeDecember 23rd 2017, 4:01 pm by James307

» MASAHISTA GROUP SA FB. (Massage and Spa Therapist)
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeDecember 11th 2017, 2:41 pm by Ametron29

» Join PlanetRomeo and Manjam site. (Dating and fun)
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeDecember 11th 2017, 2:23 pm by Ametron29

» Tunay na kahulugan ng buhay...
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeDecember 10th 2017, 5:20 pm by James307

» Mga Pre. Masarap din magmahal ng tomboy...
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeDecember 10th 2017, 5:18 pm by James307

» Strict gun ownership/policy and no to riding in tandemn/Ejk!
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeDecember 10th 2017, 5:17 pm by James307

» Wonderful Story: Isang babae ang lumapit sa Pastor.
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeDecember 10th 2017, 5:14 pm by James307

» Watch: Jesus film and Christian celebrities.
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeDecember 10th 2017, 5:12 pm by James307

» BIG ONE AND WW3 IS COMING SOON...
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeDecember 10th 2017, 5:10 pm by James307

» PAYPAL MONEY INCOME
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeAugust 10th 2016, 11:50 pm by jafdynasty

» Much Awaited Movie This Year
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeFebruary 9th 2015, 1:48 pm by justIGOR

» musta mga repapips
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeFebruary 6th 2015, 3:53 pm by justIGOR

» kALaYaAn... sAaN aT kAiLaN?
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeFebruary 5th 2015, 2:05 pm by justIGOR

» Pinoy Trivia
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeFebruary 5th 2015, 1:35 pm by justIGOR

» Apps para sa mga masekreto at chismosa
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeFebruary 4th 2015, 11:36 am by justIGOR

» Cellphone Application
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeFebruary 4th 2015, 11:03 am by justIGOR

» Login
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeFebruary 4th 2015, 10:35 am by justIGOR

» PET LOVERS: SHIH TZU
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeJanuary 8th 2015, 10:17 pm by James307

» OPLUS AND WINDOWS PHONE LUMIA
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeJanuary 8th 2015, 10:16 pm by James307

» SMARTBRO POCKET WIFI
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeJanuary 8th 2015, 10:15 pm by James307

» IPASA ANG FOI BILL! IBALIK ANG DEATH PENALTY!!!
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeJanuary 8th 2015, 10:12 pm by James307

» Christian Theology 101: Idolatry and Graven Images
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeJanuary 8th 2015, 10:11 pm by James307

» Except a man be born again he cannot enter the God's Kingdom
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeJanuary 8th 2015, 10:10 pm by James307

» Facebook Group
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeSeptember 6th 2013, 4:33 am by tagubilin

» Survey
Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeJuly 19th 2013, 11:27 am by Punong Abala

Top posters
Jhuly (7543)
Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_lcapAklat tungkol kay Macario Sakay Voting_barAklat tungkol kay Macario Sakay Vote_rcap 
belle (4209)
Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_lcapAklat tungkol kay Macario Sakay Voting_barAklat tungkol kay Macario Sakay Vote_rcap 
gelay (3681)
Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_lcapAklat tungkol kay Macario Sakay Voting_barAklat tungkol kay Macario Sakay Vote_rcap 
silip_lang (3646)
Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_lcapAklat tungkol kay Macario Sakay Voting_barAklat tungkol kay Macario Sakay Vote_rcap 
gneth (3566)
Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_lcapAklat tungkol kay Macario Sakay Voting_barAklat tungkol kay Macario Sakay Vote_rcap 
mark_7th (2450)
Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_lcapAklat tungkol kay Macario Sakay Voting_barAklat tungkol kay Macario Sakay Vote_rcap 
Lanyag Clara (2248)
Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_lcapAklat tungkol kay Macario Sakay Voting_barAklat tungkol kay Macario Sakay Vote_rcap 
onid (2229)
Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_lcapAklat tungkol kay Macario Sakay Voting_barAklat tungkol kay Macario Sakay Vote_rcap 
bantay (2175)
Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_lcapAklat tungkol kay Macario Sakay Voting_barAklat tungkol kay Macario Sakay Vote_rcap 
dhayan (1661)
Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_lcapAklat tungkol kay Macario Sakay Voting_barAklat tungkol kay Macario Sakay Vote_rcap 
Poll
Anung Cellphone Brand ang user friendly para sa inyo?
Nokia
Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_lcap62%Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_rcap
 62% [ 8 ]
Samsung
Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_lcap23%Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_rcap
 23% [ 3 ]
Motorola
Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_lcap0%Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_rcap
 0% [ 0 ]
Sony Ericson
Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_lcap15%Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_rcap
 15% [ 2 ]
LG
Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_lcap0%Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_rcap
 0% [ 0 ]
VodapHone
Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_lcap0%Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_rcap
 0% [ 0 ]
Alcatel
Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_lcap0%Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_rcap
 0% [ 0 ]
Wala sa Nabanggit
Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_lcap0%Aklat tungkol kay Macario Sakay Vote_rcap
 0% [ 0 ]
Total Votes : 13
Who is online?
In total there are 231 users online :: 0 Registered, 0 Hidden and 231 Guests

None

Most users ever online was 247 on November 21st 2024, 10:22 pm
Statistics
We have 482 registered users
The newest registered user is Ametron29

Our users have posted a total of 50867 messages in 1271 subjects

 

 Aklat tungkol kay Macario Sakay

Go down 
5 posters
AuthorMessage
Jhuly
Moderator
Moderator
Jhuly


Male
Dami ng Post : 7543
Puntos : 6539
Salamat : 7
Lokasyon : Novaliches
Nagpatala : 2007-10-28

Aklat tungkol kay Macario Sakay Empty
PostSubject: Aklat tungkol kay Macario Sakay   Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeOctober 2nd 2008, 11:47 am

PAMBUNGAD NG MAY-AKDA
Sa Alaala ng Isang Dakilang Rebolusyonaryo

Ang kadakilaan ni Macario Sakay at ng kanyang mga kasama ay dapat lamang gunitain, lalo na ngayong darating na Setyembre 13, 2007, ang sentenaryo ng kanyang kamatayan.

Una kong nakilala si Sakay, hindi sa mga librong pangkasaysayan kundi sa pelikula ni Raymond Red na pinamagatang Sakay, na ipinalabas sa mga sinehan noong 1993. Ang unang pelikulang Sakay ay isinapelikula noong 1939 sa direksyon ni Lam-berto V. Avellana. Meron pa umanong pelikulang pinagbidahan ni Mario Montenegro nang bandang dekada ng 1960s na pinamagatang Alias Sakay.

Itinuturing na tulisan si Sakay at ang kanyang mga kasama kung ang babashin ay mga panulat ng mga historyador na Amerikano,
kasama ang mga kakutsabang Pilipino. Ito ang isinisiksik nilang propaganda kahit sa mga aklat ng kasaysayan na ginagamit sa mga
paaralan.

Dapat maisulat at malaman ng taumbayan ang kabayanihan ni Sakay at ang pagpapatuloy niya ng adhikain ng Katipunan sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano.

Ayon nga kay Pio del Pilar, sa kanyang liham kay Jose P. Santos noong 1930s, “Si Macario Sakay, sa aking pagkakakilala sa kanya, ay isang tunay na makabayan. Sa panahon ng rebolusyon habang kami’y nakikidigma, siya naman ay patuloy sa pagpapalaganap ng mga adhikain ng Katipunan, na ang pinakalayunin ay ipagtagumpay ang kasarinlan ng Pilipinas. Isa siya sa may malaking naitulong sa
pagpunta sa bayan-bayan upang itatag ang mga konseho ng Katipunan. Napakatindi ng pagkahu-maling niya sa adhikaing yaon na kahit nahuli siya ng mga Amerikano, ipinagpatuloy niyang tuparin ang di-natapos na hangarin ng Katipunan na gawing malaya at
makatayo sa sariling paa ng bansang Pilipinas, sa pamamagitan ng pagtataguyod ng bagong rebolusyon.

Si Sakay ay maaaring tulisan sa mata ng mga Amerikano, kaya nga siya binitay. Ngunit sa harap ng Diyos, Bayan at Katotohanan, siya’y tunay na makabayan na nararapat lamang mabuhay sa isipan ng lahat nating kababayan sa lahat ng panahon.” (di orihinal na tagalog, ito’y salin mula sa pinagsaliksikang aklat na nakasulat sa
Ingles.)

Ayon naman sa awtor na si Orlino A. Ochosa, “Sina Bonifacio, Jacinto at Sakay ang bumubuo ng dakilang triad na namuno sa
Katipunan at sa mga naghihimagsik na masa: “ang mga anak ng bayan”. Sila’y mga tunay na proletaryo, anak ng Tondo, kinatawan ng mga walang pag-aaring indios bravos. Dahil sa kanilang rebolusyonaryong paninindigan, nabuhay sila sa kabayanihan at kadalamhatian.

Sa pagtatatag ng Katipunan, sinimulan ni Bonifacio ang Rebolusyon na inayawan siya’t pinaslang. Sa pagpapalaganap ng mga gawain
ng Supremo, binalewala si jacinto at naiwang mag-isang namatay ng Republika. Ganito rin ba ang kapalaran ni Sakay sa pagmana sa
liderato ng Katipunan?” (mula sa aklat na Bandoleros, di orihinal na
tagalog, ito’y salin mula sa pinagsaliksikang aklat na nakasulat sa
Ingles.)

Wala pang ganap na pagkilala sa kanya, maging ito ma’y proklamasyon ng pangulo ng bansa, pagkakaroon ng bantayog sa isang mayor na lokasyon sa lunsod, o kaya’y ipangalan sa kanya ang isang mayor na kalsada. Kahit sa Tondo, wala man lamang
pangalan ng kalsada para kina Sakay at sa kanyang mga kasama.

Nawa’y makatulong sa mga mambabasa ang munting aklat na ito sa pag-unawa sa kabayanihan ni Macario Sakay pagkat siya’y bahagi ng kasaysayan ng himagsikang Pilipino para lumaya ang bayan sa kamay ng dayuhan. Nawa’y makatulong din ito sa pagpapalaganap
ng kampanya upang magkaroon ng rebulto si Sakay sa isang pangunahing lansangan sa bansa, ipangalan sa kanya ang isang
pangunahing lansangan, at ituring siyang isang bayani sa mga aklat pangkasaysayan na binabasa at pinag-aaralan ng mga mag-aaral.

Sa alaala ng isang dakilang rebolusyonaryo at sa dakilang ambag niya sa himagsikan, nararapat lamang ibigay kay Sakay ang ganap
na pagkilala sa kanya – si Macario Sakay ay isang tunay na bayani ng lahing Pilipino.

Greg Bituin (Multiply Account)
Sampaloc, Maynila
Agosto 21, 2007



Click this Link --->>Macario Sakay, BAYANI!
Back to top Go down
gneth
Active Member
Active Member
gneth


Female
Dami ng Post : 3566
Puntos : 6054
Salamat : 1
Lokasyon : san juan city
Nagpatala : 2008-07-21

Aklat tungkol kay Macario Sakay Empty
PostSubject: Re: Aklat tungkol kay Macario Sakay   Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeOctober 3rd 2008, 1:41 pm

bayani pala si SAKAY philippine smile
Back to top Go down
Jhuly
Moderator
Moderator
Jhuly


Male
Dami ng Post : 7543
Puntos : 6539
Salamat : 7
Lokasyon : Novaliches
Nagpatala : 2007-10-28

Aklat tungkol kay Macario Sakay Empty
PostSubject: Re: Aklat tungkol kay Macario Sakay   Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeOctober 3rd 2008, 1:45 pm

gneth wrote:
bayani pala si SAKAY philippine smile
Nagpapatawa ka ba Gneth... hehehehe... anong akala mo sa kanya... Boylet Material lang... hahahaha Rolling Eyes

Mahaba rin buhok ni Sakay... siguro ginagaya niya ako... hehehehe philippine smile
Back to top Go down
gneth
Active Member
Active Member
gneth


Female
Dami ng Post : 3566
Puntos : 6054
Salamat : 1
Lokasyon : san juan city
Nagpatala : 2008-07-21

Aklat tungkol kay Macario Sakay Empty
PostSubject: Re: Aklat tungkol kay Macario Sakay   Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeOctober 3rd 2008, 1:56 pm

hahahahahah... malay ko balak ko sanang gawing boylet wahahaha..

weakness ko pa naman yung mga long hair Rolling Eyes Rolling Eyes
Back to top Go down
Jhuly
Moderator
Moderator
Jhuly


Male
Dami ng Post : 7543
Puntos : 6539
Salamat : 7
Lokasyon : Novaliches
Nagpatala : 2007-10-28

Aklat tungkol kay Macario Sakay Empty
PostSubject: Re: Aklat tungkol kay Macario Sakay   Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeOctober 3rd 2008, 2:18 pm

Nako... baka si Delilah ka... kailangan magtago ako... hahahaha... bawal magdala ng gunting mamaya... baka maputol buhok ko... hehehe
Back to top Go down
gneth
Active Member
Active Member
gneth


Female
Dami ng Post : 3566
Puntos : 6054
Salamat : 1
Lokasyon : san juan city
Nagpatala : 2008-07-21

Aklat tungkol kay Macario Sakay Empty
PostSubject: Re: Aklat tungkol kay Macario Sakay   Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeOctober 3rd 2008, 4:29 pm

hahahahha... hindi naman kuya...
Back to top Go down
belle
Moderator
Moderator
belle


Female
Dami ng Post : 4209
Puntos : 6581
Salamat : 7
Lokasyon : malapit sa tabi mo..
Nagpatala : 2008-02-08

Aklat tungkol kay Macario Sakay Empty
PostSubject: Re: Aklat tungkol kay Macario Sakay   Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeOctober 7th 2008, 12:34 pm

hmmm.. actually, di ko ma-aassociate si sakay na kasama sa mga katipunero..
tulog or absent yata ako nung nabanggit si sakay nung naghistory ako..

kuya, si greg sumulat regarding sakay???
si greg yung sa prayer rally???
thanks po.
Back to top Go down
Jhuly
Moderator
Moderator
Jhuly


Male
Dami ng Post : 7543
Puntos : 6539
Salamat : 7
Lokasyon : Novaliches
Nagpatala : 2007-10-28

Aklat tungkol kay Macario Sakay Empty
PostSubject: Re: Aklat tungkol kay Macario Sakay   Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeOctober 7th 2008, 5:59 pm

belle wrote:
hmmm.. actually, di ko ma-aassociate si sakay na kasama sa mga katipunero..
tulog or absent yata ako nung nabanggit si sakay nung naghistory ako..

kuya, si greg sumulat regarding sakay???
si greg yung sa prayer rally???
thanks po.
Kasi bihirang nababanggit si Macario Sakay sa ating kasaysayan. Pinasama pa nung mga inilabas na pag-uulat sa Amerika na si Sakay ay isang bandido lang. Parang ngayon... basta kaaway ka ng US malamang matawag ka na Terorista. Diba ang NPA nalista na sa mga grupong terorista... ganyan yun... at kung hindi tayo magiging maingat siguradong "history will repeat itself"

Korek ka Lola Belle... si Greg Star na nakilala mo nung Prayer Rally sa Makati... yung may mga sinulat rin tungkol kay Che Guevara.
Back to top Go down
mark_7th
Senior Member
Senior Member
mark_7th


Male
Dami ng Post : 2450
Puntos : 6286
Salamat : 2
Lokasyon : cainta
Nagpatala : 2008-04-06

Aklat tungkol kay Macario Sakay Empty
PostSubject: Re: Aklat tungkol kay Macario Sakay   Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeJanuary 10th 2009, 10:48 pm

intirisado ko jan ^^.
Back to top Go down
http://mark7th.multiply.com
Lanyag Clara
Senior Member
Senior Member
Lanyag Clara


Female
Dami ng Post : 2248
Puntos : 5906
Salamat : 6
Lokasyon : Bulubunduking Lalawigan
Nagpatala : 2008-12-13

Aklat tungkol kay Macario Sakay Empty
PostSubject: Re: Aklat tungkol kay Macario Sakay   Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeJanuary 10th 2009, 11:28 pm

gneth wrote:
hahahahahah... malay ko balak ko sanang gawing boylet wahahaha..

weakness ko pa naman yung mga long hair Rolling Eyes Rolling Eyes

Rolling Eyes waheheheh..katawa naman itong uspaan ninyo gnethsky at kuya jhuly! kaloka ka gneth!...

kuha ka kaya ng kopya para makilala mo si sakay!
Back to top Go down
http://www.lanyag23.multiply.com
Lanyag Clara
Senior Member
Senior Member
Lanyag Clara


Female
Dami ng Post : 2248
Puntos : 5906
Salamat : 6
Lokasyon : Bulubunduking Lalawigan
Nagpatala : 2008-12-13

Aklat tungkol kay Macario Sakay Empty
PostSubject: Re: Aklat tungkol kay Macario Sakay   Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitimeJanuary 10th 2009, 11:32 pm

gneth, isama mo ng basahin yung book kay che guevarra...kasi baka pagkamalan mo ding boylet si che..long hair din un eh!
Back to top Go down
http://www.lanyag23.multiply.com
Sponsored content





Aklat tungkol kay Macario Sakay Empty
PostSubject: Re: Aklat tungkol kay Macario Sakay   Aklat tungkol kay Macario Sakay Icon_minitime

Back to top Go down
 
Aklat tungkol kay Macario Sakay
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Issue Tungkol sa mga Gays/Lesbians

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
kABaTAanG pINoy :: Pluma at Papel :: All About Books-
Jump to: