Latest topics | » US preparing war on North Korea and Iran!December 23rd 2017, 4:01 pm by James307 » MASAHISTA GROUP SA FB. (Massage and Spa Therapist)December 11th 2017, 2:41 pm by Ametron29 » Join PlanetRomeo and Manjam site. (Dating and fun)December 11th 2017, 2:23 pm by Ametron29 » Tunay na kahulugan ng buhay...December 10th 2017, 5:20 pm by James307 » Mga Pre. Masarap din magmahal ng tomboy...December 10th 2017, 5:18 pm by James307 » Strict gun ownership/policy and no to riding in tandemn/Ejk!December 10th 2017, 5:17 pm by James307 » Wonderful Story: Isang babae ang lumapit sa Pastor. December 10th 2017, 5:14 pm by James307 » Watch: Jesus film and Christian celebrities.December 10th 2017, 5:12 pm by James307 » BIG ONE AND WW3 IS COMING SOON... December 10th 2017, 5:10 pm by James307 » PAYPAL MONEY INCOMEAugust 10th 2016, 11:50 pm by jafdynasty » Much Awaited Movie This YearFebruary 9th 2015, 1:48 pm by justIGOR » musta mga repapipsFebruary 6th 2015, 3:53 pm by justIGOR » kALaYaAn... sAaN aT kAiLaN?February 5th 2015, 2:05 pm by justIGOR » Pinoy TriviaFebruary 5th 2015, 1:35 pm by justIGOR » Apps para sa mga masekreto at chismosaFebruary 4th 2015, 11:36 am by justIGOR » Cellphone ApplicationFebruary 4th 2015, 11:03 am by justIGOR » LoginFebruary 4th 2015, 10:35 am by justIGOR » PET LOVERS: SHIH TZUJanuary 8th 2015, 10:17 pm by James307 » OPLUS AND WINDOWS PHONE LUMIAJanuary 8th 2015, 10:16 pm by James307 » SMARTBRO POCKET WIFIJanuary 8th 2015, 10:15 pm by James307 » IPASA ANG FOI BILL! IBALIK ANG DEATH PENALTY!!!January 8th 2015, 10:12 pm by James307 » Christian Theology 101: Idolatry and Graven ImagesJanuary 8th 2015, 10:11 pm by James307 » Except a man be born again he cannot enter the God's KingdomJanuary 8th 2015, 10:10 pm by James307 » Facebook GroupSeptember 6th 2013, 4:33 am by tagubilin» SurveyJuly 19th 2013, 11:27 am by Punong Abala |
Poll | | Anung Cellphone Brand ang user friendly para sa inyo? | Nokia | | 62% | [ 8 ] | Samsung | | 23% | [ 3 ] | Motorola | | 0% | [ 0 ] | Sony Ericson | | 15% | [ 2 ] | LG | | 0% | [ 0 ] | VodapHone | | 0% | [ 0 ] | Alcatel | | 0% | [ 0 ] | Wala sa Nabanggit | | 0% | [ 0 ] |
| Total Votes : 13 |
|
Who is online? | In total there are 74 users online :: 0 Registered, 0 Hidden and 74 Guests None Most users ever online was 247 on November 21st 2024, 10:22 pm |
Statistics | We have 482 registered users The newest registered user is Ametron29
Our users have posted a total of 50867 messages in 1271 subjects
|
|
| -ISLAM RELIGION- | |
|
+6silip_lang gneth tagubilin belle Jhuly Aslia_008 10 posters | |
Author | Message |
---|
Aslia_008 Newbie Level II
Dami ng Post : 239 Puntos : 6057 Salamat : 1 Lokasyon : Oman,muzcat Nagpatala : 2008-04-30
| Subject: -ISLAM RELIGION- November 4th 2008, 1:51 pm | |
| -Have you fully realized what ISLAM is? -It is indeed a reLigion founded on truth. -It is such a fountain-head of learning that several streams of wisdom and knowledge flow from it. -It is such a lamp that several lamps will be lighted from it. -It is a lofty beacon of light illuminating the path of "ALLAH". -It is such a set of principles and beliefs that will fully satisfy every seeker of truth and reality.... | |
| | | Aslia_008 Newbie Level II
Dami ng Post : 239 Puntos : 6057 Salamat : 1 Lokasyon : Oman,muzcat Nagpatala : 2008-04-30
| Subject: Re: -ISLAM RELIGION- November 4th 2008, 1:54 pm | |
| -kung my mga katanungan po kayo tungkol religion namin... -i try my best to answer it.... -thank you po..... | |
| | | Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: -ISLAM RELIGION- November 4th 2008, 2:28 pm | |
| Salamat sa thread na ito Aslia... sana hindi ka masyadong mahiya kasi karamihan sa amin dito Kristiyano...
may tanong po ako...
Ano po yung pinaka sentro ng Islamic Faith? | |
| | | belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6581 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| Subject: Re: -ISLAM RELIGION- November 5th 2008, 12:33 pm | |
| wow, thanks aslia sa thread na ito. share ka lang ng gusto mong ishare.. tama kuya jhuly, kadamihan dito mga christian. wala din akong gaanong kakilala na muslim, dati classmate ko sa first year highschool, pero half christian din siya, at di kami masyado close, kaya ayun, alam lang namin yung di pwede niya kaninin.. | |
| | | Aslia_008 Newbie Level II
Dami ng Post : 239 Puntos : 6057 Salamat : 1 Lokasyon : Oman,muzcat Nagpatala : 2008-04-30
| Subject: Re: -ISLAM RELIGION- November 5th 2008, 12:41 pm | |
| -saLamat din sayo kuya jhuly...sana nga di rin isipin ng ibang member na terorist ako...hehehehehe -ito sagot sa tanong mo kuya jhuly... -ang sentro ng isLamic faith ay paniniwala sa ALLAH (GOD) at sa kanyang huling propeta na si MUHAMMAD (PUWH).... -at pagsunod sa lahat ng ipinaguutos at ipinagbabawal na salita ng ALLAH mula sa banal na QUR'AN...ang aming banal na aklat... | |
| | | Aslia_008 Newbie Level II
Dami ng Post : 239 Puntos : 6057 Salamat : 1 Lokasyon : Oman,muzcat Nagpatala : 2008-04-30
| Subject: Re: -ISLAM RELIGION- November 5th 2008, 12:49 pm | |
| -pure nga akong islam ate belle pero lumaki ako kung saan karamihan ay di ko ka-religion.... -pero kahit ganun naging masaya naman ang aming samahan... -ng di nga lang napaguusapan ang aming paniniwala... -kung minsan kasi dito kami nagkakagulo... -kaya sana walang mangaway sakin dito... -sabi nga nong classmate ko ng high school,baka daw kamaganak ko isa sa mga ABUSAYAFF.... -don din sa lugar ng napangasawa ng uncle ko madalas batuhin ng mga kapitbahay namin yong ipinatayong mosque ng uncle ko... | |
| | | Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: -ISLAM RELIGION- November 5th 2008, 1:09 pm | |
| Ewan ko ba kung bakit may mga taong hirap umintindi... Muslim man o Kristiyano may mga pasaway talaga... karamihan sa kanila mga pasaway na extrimist... hindi lang mga Muslim ang may extrimist... pati mga Kristiyano may mga extrimist...
Nakakahiya nga eh... yung kanilang pinaniniwalaan na Kristo o God the Father o si Allah puro pagmamahal ang itinuturo... pero yung mga extrimist na tagasunod iba naman ang ginagawa...
Aslia alam mo matagal ko na gustong magkaroon ng kakilalang Muslim... pero tuwing may makikilala ako hindi naman nagtatagal... katulad nga nung huli... taga-Culiat siya pero dalawang beses ko lang nakita at naka-usap kasi nagbigay ako sa kanila ng Talk tungkol sa election nung 2004... pagkatapos ng election di na kami ulit nagkita... hehehe...
Kuwento ka ng karanasan mo sa pakikipagkaibigan sa mga non-Muslim... may diskriminasyon ba? | |
| | | belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6581 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| Subject: Re: -ISLAM RELIGION- November 5th 2008, 2:02 pm | |
| - Aslia_008 wrote:
- -pure nga akong islam ate belle pero lumaki ako kung saan karamihan ay
di ko ka-religion.... -pero kahit ganun naging masaya naman ang aming samahan... -ng di nga lang napaguusapan ang aming paniniwala... -kung minsan kasi dito kami nagkakagulo... -kaya sana walang mangaway sakin dito... -sabi nga nong classmate ko ng high school,baka daw kamaganak ko isa sa mga ABUSAYAFF.... -don din sa lugar ng napangasawa ng uncle ko madalas batuhin ng mga kapitbahay namin yong ipinatayong mosque ng uncle ko... wala namang nang-aaway dito respeto lang naman kailangan.. at bukas yung pag-iisip akoy meron friends na baptist, protestant, iglesia, mormons. minsan, sumasama ako sa kanila, pag meron celebrations, mga friends nila, friends ko din yung iba.. tsaka, tulad nung isang protestant kong friend, dahil sa kanya, kaya natuto akong magbasa ng bible ulit.. o di ba, may naitulong pa siya saken.. | |
| | | Aslia_008 Newbie Level II
Dami ng Post : 239 Puntos : 6057 Salamat : 1 Lokasyon : Oman,muzcat Nagpatala : 2008-04-30
| Subject: Re: -ISLAM RELIGION- November 5th 2008, 2:20 pm | |
| -kung minsan meron kapag sarado ang utak ng isang no-muslim tungkol sa isang muslim,,pero kadalasan wala naman para na don sa ayaw ng gulo... Nakakalungkot nga lang kuya jhuly kasi sa mga naging karanasan ko sa kapwa muslim o hindi ay karamihan di nila alam ang totoong kahulugan ng saLitang MUSLIM o kung ano O sino ba talaga ang totoong MUSLIM... karamihan sa mga non-muslim na nakasalamuha ko kapag nakarinig sila ng MUSLIM,,iisipin terorist... -paanu yong isang katulad ko o ng iba pang inosenting muslim na naghahangad ng katahimikan....? -kung ipapaliwanag ko o ng isang totoong muslim kung anu ba talaga ang totoong muslim,,wala na bang magiisip na muslim ang ABUSAYAFF,MNLF O ng kung sino pang MORO sa mindanao na siyang dahilan ng gulo??? -oo nga at ISLAM ang pinaniniwalaan nilang religion pero hindi porke si ALLAH ang sinasamba nila ay matatawag na silang MUSLIM... -dahil kung muslim sila nakakatiyak ba silang nasunod nila ang 5 PILLARS OF ISLAM? -sa palagay ko hindi...meron man pero karamihan hindi... -kung may ipinaglalaban sila,,sa palagay ko di matatawag na JIHAD yon... -ang JIHAD ay ang panglimang PILLARS OF ISLAM....ito ay pakikipaglaban batay sa salita ng ALLAH... -ang ipinaglalaban nila ba nila ay tungkol sa ISLAM?? -maari pero hindi ito kautusan ng ALLAH... -dahil ang alam kung ipinaglalaban nila ay di mapabilang sa bansa ng pilipinas ang mindanao at di po utos ng ALLAH yon... -kung meron man puwede itawag sa kanila hindi po MUSLIM.... -ang puwede itawag sa kanila ay kung anong tribo ang kinabibilangan nila... -halimbawa ako IRANON kinabibilangan ko.. -IRANON ang puwede ko itawag sa sarile ko dahil di ko pa nasusunod ang lahat ng ipinag uutos ng ALLAH sa akin... -kaya sa mga non-muslim po wag nyong isiping muslim ang taong sa panlabas na kaanyuan ipinakikita ang pagiging MUSLIM.... | |
| | | Aslia_008 Newbie Level II
Dami ng Post : 239 Puntos : 6057 Salamat : 1 Lokasyon : Oman,muzcat Nagpatala : 2008-04-30
| Subject: Re: -ISLAM RELIGION- November 5th 2008, 2:24 pm | |
| -tama ka jan ate belle... -kaya lang sa dami ng muslim na kagaya ko na mahilig sa gulo nasisira ang pagkakakilanlan ng mga non-muslim sa mga totoong muslim... -haaaaay kahit nga mismo sa lugar kung saan pure islamic magulo rin.... -hehehehehehehe -pati ako magulo na... | |
| | | belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6581 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| Subject: Re: -ISLAM RELIGION- November 5th 2008, 2:36 pm | |
| - Aslia_008 wrote:
- -tama ka jan ate belle...
-kaya lang sa dami ng muslim na kagaya ko na mahilig sa gulo nasisira ang pagkakakilanlan ng mga non-muslim sa mga totoong muslim... -haaaaay kahit nga mismo sa lugar kung saan pure islamic magulo rin.... -hehehehehehehe -pati ako magulo na... mahilig ka sa gulo aslia??? hehehe. teka, naguguluhan na din yata ako. hehehe. nabanggit mo pala yung 5Pillars of Islam, pwede po bang i-share mo din sa amin ang tungkol dun? maraming-maraming salamat aslia. | |
| | | Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: -ISLAM RELIGION- November 5th 2008, 2:53 pm | |
| Hayaan mo... basta manatili kang kakampi ng katahimikan...
tayo tayo dito sa KP ang susubok na baguhin ang panget na tingin ng mga tao sa inyong mga Muslim... | |
| | | Aslia_008 Newbie Level II
Dami ng Post : 239 Puntos : 6057 Salamat : 1 Lokasyon : Oman,muzcat Nagpatala : 2008-04-30
| Subject: Re: -ISLAM RELIGION- November 5th 2008, 2:55 pm | |
| -hehehhehehe -wala yon ate belle...ako dapat pasalamat sa inyo... -thank u ng marami... 5 PILLARS OF ISLAM 1.Ang Shahadatain (Ang Pagpapahayag ng Tunay na Pagsamba) Ang bagay na ito ay nakapaloob sa "kalima" ng mga Muslim. Ito ay nangangahulugan na "Wala ng ibang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Allah at si Muhammad ay Kanyang Sugo." Ito ay nangangahulugan ng purong pagsamba sa Iisang Diyos at di pagbibigay o pagsasama sa Kanyang kaisahan. Ano mang pananampalatayang nangangahulugan ng pagsamba sa ibang bagay, pagdaragdag sa mga "dinidiyos", pag-iidolo sa nga nilikha ng Diyos maging iyon man ay anghel, banal na espiritu, banal na tao o propeta, mga buhay at patay na bagay ay nasa labas ng Islam. Sa Islam, ang pagsamba ay tanging sa Allah lamang, tuwiran at walang sinuman ang makapamamagitan sa Kanya. Dahil dito ang pagsamba sa mga inaakalang mga tagapamagitan ng Diyos ay malayo sa pananampalatayang Islam. Gayundin naman ang pagkilala sa pagkapropeta ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) at ang pagsunod sa kanyang mga yapak bilang pamantayan ng isang makahulugang pamumuhay sa lahat ng paraan ay isang tungkulin ng bawat Muslim. Nararapat na sundin ng mga Muslim ang anumang bagay na itinuro ng Huling Propeta sapagkat ang Allah na rin ang nagpahayag sa Qur’an ng: "Talikdan ninyo ang kanyang mga ipinagbabawal at sundin ang kanyang ipinag-uutos." [Quran, 59:7] “Siya na sumusunod sa Sugo ay sumusunod sa Allah..” [Qur’an, 4:80] Subalit ang pagpapahayag ng pananampalataya ay hindi nababatay lamang sa paniniwala sa isang tunay na Nag-iisang Diyos at pagkilala sa Huling Propetang si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan). Ang Islam ay hindi isang pananampalatayang sinasabi lamang ng bibig o ibinabadya ng dila o isang akademyang aralin lamang na dapat matutuhan. Ito ay nangangahulugan ng pagtalima sa mga bagay na ispirituwal at moral, ang pagiging makahulugan ng buhay, ang pagiging kapaki-pakinabang natin bilang nilikha ng Allah. Ang pakikipagkapwa at paggamit sa mga kapangyarihan ng isip sa kaaya-ayang bagay, ang makabuluhang paggamit ng Kanyang mga biyaya at ang pag-ibig sa Allah na laging may init at buhay sa dibdib. 2. Ang Salah (Pagdarasal) Kung ang bagay na kinakain natin para sa ating sikmura ay pagkain ng katawan, gayon din naman ang Salah ay pagkain ng kaluluwa. Sa Islam, ang pamumuhay ay isang balanseng bagay na pagkatawan at pang-ispirituwal. Ito ay naglalayon na dapat tayong magkamit ng mabuting bagay dito sa lupa at maging sa kabilang buhay. Ang Islam ay hindi isang makalupang buhay at hindi rin naman makaispirituwal lamang. Ang Islam ay nagtuturo sa pagkakaroon ng balanseng pisikal at ispirituwal na pamumuhay. Kaya nga't ang buhay na monastiko ay walang puwang sa Islam. Gayundin naman ang lubhang makamundong buhay ay wala ring puwang sa Islam. Kaya nga’t sa bawat dasal ng Muslim ay lagi na ang pagsambit sa ganitong parirala: "O Allah!, bigyan mo po kami ng mabuting bagay dito sa lupa at ng mabuting bagay sa kabilang buhay." Ang Muslim ay mayroong limang (5) takdang pagdarasal sa araw-araw. Ang pag-alaala tuwina at pagtawag sa Kanya ng limang beses sa maghapon ay naglalayo sa sinuman sa tukso at kasalanan. Ito ay nagpapadalisay sa puso at nagbibigay ng mataas na moral. Ito ay isang mabisang kalasag o panangga sa bawat tao upang lagi niyang maisaisip na mayroong isang Makapangyarihang Diyos na nagmamasid sa kanyang ginagawa sa lupa. Ito ay nagpapanatili upang laging malusog ang ating kaluluwa. Ito ay nagpapatibay ng moog ng pananampalataya at nagbibigay ng paghahanda tungo sa araw ng pakikipagtipan sa Allah. Winika ng Allah sa Qur’an: “At lagi nang magtatag ng palagiang pagdarasal, sapagkat ang pagdarasal ay nakapagpapaiwas sa kahiya-hiyang pananalita at di makatarungang asal, datapuwa’t ang pag-aalaala sa Allah ay higit na dakila”. [Qur’an, 29:45] “Katotohanang Ako ang Allah, wala ng iba pang diyos maliban sa Akin, kaya’t sambahin ninyo Ako at magtatag ng palagiang pagdarasal bilang pag-aalaala sa Akin”. [Qur’an, 20:14] 3. Ang Sawm (Pag-aayuno) Ito ay isang taunang obligasyon ng bawat Muslim na may sapat na gulang at kalusugan ng katawan tuwing buwan ng Ramadhan. Ang pag-aayuno sa Islam ay pagkakait sa sarili ng anumang pagkain, inumin at relasyong seksuwal mula sa oras ng bukang-liwayway hanggang takipsilim. Ito ay isang disiplina sa mga Muslim sa buong buwan. Ang Allah ay nagpahayag sa Qur’an sa kahalagahan ng pag-aayuno: "O kayong nagsisisampalataya!, ang pag-aayuno ay iginawad sa inyo kung paano rin naman iginawad sa mga nangauna sa inyo upang kayo ay magkamit ng kabanalan (at mapaglabanan ang tukso)". [Quran, 2:183] Samakatuwid, ang layunin ng pag-aayuno ay hindi para lamang magpakagutom. Sa Muslim, hindi lamang ang sikmura ang nag-aayuno kundi ang lahat ng bahagi ng kanyang katawan tulad ng mata, tainga, dila, kamay at paa na umiiwas sa lahat ng masasama at kasalanan. Bagama’t ang Muslim ay nagtatamo ng paghihirap sa pag-aayuno, sa kabila noon siya ay maligaya sa pagtupad nito sapagkat ito ay isang bagay na ginagawa niya upang magtamo ng kasiyahan ng Allah. Ang pag-aayuno ay isang bagay na pangdisiplina sa sarili upang mapaglabanan ang mga tukso. Gayundin, upang magkaroon ng sapat na pagtitimpi sa anumang tukso o pagsubok na maaaring dumating sa buhay. Ito ay mabisang bagay upang lagi nang sumaisip ang pag-ibig sa Allah at isang matibay na pananggalang upang lagi tayong makaramdam ng pagkatakot sa Diyos. Hindi pagkatakot sa isang halimaw o multo kundi pagkatakot dahil sa pagmamahal natin sa Kanya. Ito ay isang kalasag sa masasamang naisin at isipin. Sa buong maghapong pagkakait niya sa kanyang sarili ay nagkakaroon siya ng lalong maaliwalas at bukas na isipan upang kanyang mapaglimi ang mga bagay na ispirituwal. Ito ay isang paraan upang makapagturo sa tao sa pagiging maawain at matulungin sa kanyang kapwa sapagkat sa kanyang pagkagutom ay nadarama niya kung paano ang dinaranas ng mga kapus-palad. Ito ay isang obligasyon na pantay at makatarungan na kung saan ang Muslim maging ano man ang kanyang katayuan sa buhay, mahirap man o mayaman, mahina man at malakas, taga-Silangan man o Kanluran ay nagdaranas ng magkakatulad na pagpapakasakit. 4. Ang Zakah (Itinakdang Taunang Kawanggawa) Ang Zakah ay hindi lamang boluntaryong pagbibigay sa mga nangangailangan kundi isang obligasyong itinakda ng Allah. Ito ay hindi lamang naglalayon ng tulong pagkawanggawa, limos o kabutihan kundi isang paraan ng paglilinis sa mga kinita o kabuhayan. Samakatuwid ito ay ang paghihiwalay ng bahagi ng iyong kabuhayan para ipamahagi sa ibang mga Muslim na nangangailangan. Ito ay naglalayong isubi ang bahagi ng iyong kabuhayan na di matatawag na iyo sapagkat iyon ay nararapat na ipamahagi sa mga mahihirap at nangangailangan, sa mga ulila at balo, sa mga napipiit dahil sa kawalan ng pangbayad, sa mga institusyong pang-Muslim, mga mag-aaral na Muslim na walang salaping panustos at gayundin naman sa pagpapalaganap ng Islam. Ang Zakah ay ibinibigay ng hindi bababa sa dalawa at kalahating bahagdan (2.5%) sa bawat taon salig sa linis na kita o halaga ng mga ari-arian. Ang Zakah ay isang obligasyong dapat tuparin ng sinumang Muslim sapagkat iyon ay itinakda ng Allah at ang bawat Muslim ay tuwirang may pananagutan sa Kanya kung hindi niya magampanan ito. Ngunit sa mga Muslim na walang masasabing ipon o kabuhayan, ang pagbibigay ng Zakah ay hindi obligasyon. Ang Zakah ay isang uri ng pagkakapatirang walang makakapantay sa ibang relihiyon. Ito ay batay sa katapatan ng isang indibidwal na tao. Sapagkat ang Zakah ay obligasyon sa bawat taon, nararapat na ang isang Muslim ay maghalaga ng kanyang naipon o mga ari-arian. Ang tapat na Muslim ay humahanap ng kanyang mapagbibigyan, gayon din naman siya ay nagkukusang pumunta sa anumang tanggapan o Kagawaran ng Zakah sa kanyang lugar upang paglagakan nito. Anupa’t sa Zakah, ang pagkakaroon ng tagapagbayad at kolektor ay walang puwang sapagkat malaya ang isang Muslim na ipatupad ang Zakah sa kanyang sarili at humanap ng sa kanyang palagay ay nangangailangan ng tulong maging siya ay kamag-anak, kaibigan o kapitbahay. Kung sa palagay niya ay walang kuwalipikadong tao na tumanggap ng Zakah sa kanyang lugar, mailalagak niya ang kanyang Zakah sa anumang kagawaran o tanggapan ng Zakah na pinakamalapit sa kanyang lugar. Ang pagbibigay ng Zakah ay lagi nang binabanggit sa Qur’an kapag ang pagdarasal ay ipinag-uutos. Winika ng Allah sa Qur’an: “At maging matimtiman sa inyong pagdalangin; at magkaloob ng Zakah, at iyuko ninyo ang inyong ulo kasama ng mga nagsisipanikluhod (sa pagsamba)”. [Qur’an, 2:43] “At magsipagtatag ng palagiang pagdarasal at magbayad ng Zakah; at sumampalataya sa Allah at sa Huling Araw; hindi magtatagal, sa kanila ay igagawad Namin ang malaking pabuya.” [Qur’an, 4:162] 5. Ang Hajj (Pagdalaw sa Makkah) Ang bawat Muslim, lalaki at babae, na may sapat na gulang, mabuting kalusugan at kakayahang gumugol sa paglalakbay ay nararapat na dumalaw sa banal na lugar ng Makkah, ang sentro ng Islam sa buong mundo, minsan man lamang (o higit pa) sa kanyang buong buhay. Ito ay nagbabadya ng pagkakaisa at pagkakabigkis-bigkis ng lahat ng mga Muslim at isang buong pagkakapatiran na walang makakapantay sa sangkatauhan. Ang pagtitipon-tipon ng lahat ng mga Muslim sa iisang lugar kahima't nanggaling pa sila sa silangan, kanluran, timog at hilaga ay pinag-uugnay ng Hajj. Dito ay hindi kinikilala ang anumang lahi, kulay ng balat, wika, kabuhayan at anumang bagay kundi ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao sa mata ng Allah. Ang lahat ng Muslim ay nag-aalay ng kanyang sarili sa harapan ng Allah sa iisang payak na kasuutan at sila ay gumagawa ng magkakatulad na gawang pagsamba. Ang pagpupuri sa Allah, pagdarasal, pag-aalaala, pagmemeditasyon, pagdedebosyon at pagsamba ay isinasagawa nang buong kaganapan. Dito ay mapagkikilala ang katapatan at hindi ang kapalaluan, kababaang-loob at hindi pagmamataas. Dito ay nagaganap ang pagtatagpo-tagpo ng buong sambahayan na kumikilala sa Allah at pagkakaroon ng pagkakataon na mapagkilala ang bawat isa at makapagpalitan ng kaalaman tungkol sa Islam. Ang Makkah ang siyang kauna-unahang bahay sambahan na itinatag sa mundo sa panahon ni Abraham (sumakanya nawa ang kapayapaan) at pinagbagong bihis ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan), kaya naman ito ang lugar na tagpuan ng mga Muslim. Ginugunita rin dito ang pagsasakripisyong ginawa ni Propeta Abraham (sumakanya nawa ang kapayapaan) sa kanyang anak na si Ismail (sumakanya nawa ang kapayapaan) bilang pagsunod sa Allah. Layunin din ng Hajj ang mapagkilala ng mga Muslim ang kapaligirang ginalawan ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan). Dahil nga ang Hajj ay naglalayon para sa pagsamba sa tanging Iisang Diyos, ang Allah, dito ay nakakamit ang debosyong pang-ispirituwal at nagpapatatag ng moral, pagkakaroon ng interes sa relihiyon at mga kaalaman. Ang pagtitipon-tipon ng mga Muslim sa banal na lugar na ito ay nagpapagunita rin kung paano rin naman ang sambahayan ng mga Muslim ay magtipon-tipon sa harapan ng Allah sa Huling Sandali-- sa Araw ng Paghuhukom. Sa pagdiriwang na yaon, tinatayang dalawang (2) milyong Muslim ang sa bawat taon ay naglalakbay patungo roon mula sa lahat ng panig ng mundo. Anupa't ang Makkah ang tanging lugar na sambahan sa buong mundo na kailanman ay di nawawalan ng tao sa lahat ng sandali. Ang Allah ay nagpahayag sa banal na Qur’an: “At inyong ganapin ang Hajj o Umra (pagdalaw sa banal na tahanan ng Allah na itinatag dito sa lupa) para sa paglilingkod sa Allah, datapuwa’t kung ito’y may hadlang sa inyo, kayo’y magpadala ng alay para sa sakripisyo...” [Qur’an, 2:196] “Ang pilgrimahe ay isang tungkulin ng tao na dapat niyang ialay sa Allah,- sa mga may kakayahan na gumugol sa paglalakbay; subalit kung sinuman ang magtakwil ng pananampalataya, ang Allah ay hindi nangangailangan ng anuman sa Kanyang mga nilikha”. [Qur’an, 3:97] tiyak na magsasawa po kayong magbasa..hehehehhee | |
| | | Aslia_008 Newbie Level II
Dami ng Post : 239 Puntos : 6057 Salamat : 1 Lokasyon : Oman,muzcat Nagpatala : 2008-04-30
| Subject: Re: -ISLAM RELIGION- November 5th 2008, 2:57 pm | |
| -maraming maraming salamat po sa lahat ng meyembro at moderator ng KP., | |
| | | belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6581 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| Subject: Re: -ISLAM RELIGION- November 5th 2008, 3:14 pm | |
| salamat dun sa 5 pillars aslia, hehehe. ^^ mahaba-haba nga, number 2 pa lang ako.. matatapos ko din yan.. | |
| | | tagubilin Senior Member
Dami ng Post : 1510 Puntos : 6125 Salamat : 4 Lokasyon : super novalichessss! Nagpatala : 2008-04-13
| | | | gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Re: -ISLAM RELIGION- November 22nd 2008, 9:35 am | |
| donna ayan si aslia oh, kaibigan natin.. mukhang masarap naman siyang maging kaibigan | |
| | | Aslia_008 Newbie Level II
Dami ng Post : 239 Puntos : 6057 Salamat : 1 Lokasyon : Oman,muzcat Nagpatala : 2008-04-30
| Subject: Re: -ISLAM RELIGION- November 22nd 2008, 2:19 pm | |
| - tagubilin wrote:
- Aslia anu pong klaseng sosyal life merun ang mga Muslim.. mas masaya po ba at interesante kumpara sa iba?
Sana magkaroon ako ng kaibigan na Muslim.. -sosyal life namin mga muslim medyo boring para sa inyo pero masaya at interesante din,lalo na tuwing araw ng ramadan at hajj day... -o sa iba pang klase ng okasyon.... -dahil sa mabuting pagtanggap nyo sakin dito sa KP...i like to be your friend at sa lahat.... | |
| | | Aslia_008 Newbie Level II
Dami ng Post : 239 Puntos : 6057 Salamat : 1 Lokasyon : Oman,muzcat Nagpatala : 2008-04-30
| Subject: Re: -ISLAM RELIGION- November 22nd 2008, 2:21 pm | |
| - gneth wrote:
- donna ayan si aslia oh, kaibigan natin.. mukhang masarap naman siyang maging kaibigan
-hehehehehhehhe -thank u po ate gneth.... | |
| | | Aslia_008 Newbie Level II
Dami ng Post : 239 Puntos : 6057 Salamat : 1 Lokasyon : Oman,muzcat Nagpatala : 2008-04-30
| Subject: Re: -ISLAM RELIGION- November 22nd 2008, 2:47 pm | |
| -this coming december starting ng hadj day namin...the day to confess our soul from ALLAH... -last year of hadj day napabalita sa K.S.A na ang pilipinas daw ang isa sa pinakamaraming pilipinong muslim ang nagpe-perform ng hadj sa asia... -sana higit pang mas marami sa mga darating na taon... -at sana isa na ako don.... | |
| | | tagubilin Senior Member
Dami ng Post : 1510 Puntos : 6125 Salamat : 4 Lokasyon : super novalichessss! Nagpatala : 2008-04-13
| Subject: Re: -ISLAM RELIGION- November 23rd 2008, 1:11 pm | |
| Konting share naman jan ng salita niya mga simple greetings ba ., | |
| | | Aslia_008 Newbie Level II
Dami ng Post : 239 Puntos : 6057 Salamat : 1 Lokasyon : Oman,muzcat Nagpatala : 2008-04-30
| | | | Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| | | | silip_lang Active Member
Dami ng Post : 3646 Puntos : 6352 Salamat : 2 Lokasyon : Balanga City, Bataan Nagpatala : 2007-11-27
| Subject: Re: -ISLAM RELIGION- November 25th 2008, 2:01 pm | |
| asallam o allaikum... hehehhe
mukhang thread din ito ni Aslia ah...
hey Aslia, dami ko muslim friends from Pakistan hehe | |
| | | tagubilin Senior Member
Dami ng Post : 1510 Puntos : 6125 Salamat : 4 Lokasyon : super novalichessss! Nagpatala : 2008-04-13
| Subject: Re: -ISLAM RELIGION- November 25th 2008, 6:19 pm | |
| anu naman po yung maganda at gwapo? | |
| | | Sponsored content
| Subject: Re: -ISLAM RELIGION- | |
| |
| | | | -ISLAM RELIGION- | |
|
Similar topics | |
|
| Permissions in this forum: | You cannot reply to topics in this forum
| |
| |
| |