| Paglabag sa aking Karapatan! | |
|
|
Author | Message |
---|
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Paglabag sa aking Karapatan! December 1st 2008, 9:55 am | |
| Marami na akong rally na dinaluhan... at isang beses ko pa lang naranasan ang lumanghap ng teargas... at ito ay nuong nasa PUP pa ako... sa madaling salita... ang buhay aktibista ko ay mapayapang aktibismo...
Sa telebisyon ko lang napapanuod ang mga madudugong dispersal... nababasa ko lang sa diyaryo ang mga pag-aresto sa mga miyembro ng mga raliyista... bahagi lamang ng umagang balita ang mga kuwento na iyan ng buhay pakikibaka sa lansangan para sa akin...
Hindi ko inisip na ang mga karahasang aking nababasa ay mangyayari sa akin... lalong hindi sumagi sa aking isipan na ako ay maaresto sa aking pagsama sa mga rally...
Mali pala ang aking mga inakala...
Nobyembre 29... ganap na ika-9 ng umaga... sa panulukan ng Timog at EDSA... naranasan ko na labagin ang aking karapatan ng mga taong dapat ay mangalaga at magtanggol nito...
Tahimik akong naka-upo sa harap ng isang maliit na tindahan kasama ang ilang aktibistang nagkukuwentuhan habang nagpapalipas ng oras ... sa gitna ng aming kuwentuhan ay may kaguluhang naganap... ilang miyembro ng isang urban poor grup ang bigla na lamang isinakay ng mga pulis sa isang jeep... mabilis ang mga sumunod na pangyayari... napapalibutan na pala kami ng mga pulis...
Sinabihan agad ako ng isang kasama na tawagan agad ang mga abogadong kasama namin sa organisasyon... habang kausap ko ang isa sa mga abogado ay kami naman ang pilit na pinasasakay ng jeep... hindi kami sumunod agad sa nais ng mga pulis.. alam namin ang aming karapatan... tinatanong namin sila kung bakit kami isinasakay ng jeep at kung saan nila dinala ang aming mga kasama... wala silang maisagot... ang tanging maririnig mo sa kanila ay ang mga sigaw na patayin namin ang aming mga cellphone at sumakay na ng jeep... sa pamamaraan pa lang ng kanilang pakikitungo sa amin ay may paglabag na agad... at ang paglabag na ito ay pinamunuan pa mismo ng kanilang hepe...
Hindi pa namin malalaman kung saan dinala ang aming mga kasama kung walang tangang pulis na nagtanong.. "Sir... saan namin dadalahin?"... sa inis ata ay napasigaw ang kanilang hepe... "sa diyes!"... nalaman ko na tanga nga ang pulis na nagtanong kung saan kami dapat dalahin dahil ang "diyes" pala ay ang Station 10 ng QCPD sa EDSA Kamuning... ang mismong estasyon nila... ay tanga!
Nung nalaman na namin kung saan dinala ang aming mga kasama ay sumakay na rin kami ng jeep... muli akong tumawag sa mga kasamang abogado at ipinaalam ang aming patutungunhan... tumawag na rin ako sa ilang mga kakilala upang humingi ng tulong upang ipaabot sa media ang aming sitwasyon... habang nasa jeep kami ay patuloy naming inaalam kung bakit kami isinakay ng jeep... walang silang maisagot... sa presinto na lang raw namin malalaman...
Ang nakakatawa nung dumating kami sa station 10 ay ang asta nung kanilang hepe... parang nakahuli ng mga "most wanted criminals"... parang bata na excited sa kanyang accomplishment at parang mga utusan niya sa bahay kung sigawan yung kanyang mga pulis... "sige ipasok nyo ang mga yan... huwag palalabasin... kunin ang mga pangalan!"
Muli kaming nagtanong kung bakit kami dinala sa estasyon... imbis na mahinahong sagutin ang aming mga tanong... highblood uling sumagot si hepe ng... "Iniimbitahan lang namin kayo... may mga itatanong lang kami!
Imbitasyon? Imbitasyon ba na matatawag yung binitbit ka na hindi mo alam kung bakit at saan ka dadalahin?
Batas binaboy mismo ng tagapagpatupad ng batas!
Mahigit 50 kaming "inimbitahan" sa station 10... karamihan ay miyembro ng urban poor at ilang kasama mula sa mga progresibong grupo... at ang nakakatawa pa ay ito... sa sobrang ka-praningan ng mga pulis... lahat ng nakita nila lugan na iyon ay dinampot nila... at kasama sa kanilang dimampot ay ang mag-ama na pupunta sa audition para sa programang Family Fued... nakiki-usap yung mag-ama na palabasin na sila dahil napadaan lang sila dun sa lugar namin... pero deadma ang mga pulis... ang utos kasi ni hepe ay walang palalabasin... kahit kami ay naki-usap rin sa mga pulis na kung maari ay palabasin na ang mag-ama dahil hindi naman sila kasama sa kahit na anong grupo... deadma talaga...
Mahigit tatlong oras kaming pinigilan sa station 10 na walang sinasabing dahilan kung bakit kami anduon... dumating ang mga kasamang abogado at nakipagnegosasyon... salamat sa kanila at kung hindi marahil lalong nababoy ang aming karapatan... nakalabas lamang kami pagkatapos nuong ginaganap na rally sa labas...
Bakit nga ba kami "inimbitahan" raw sa station 10?
Praning na kasi ang gobyernong pinamumunaan ng isang pekeng presidente... ang lahat ng mga bumabatikos sa administrasyon ni Gloria ay pinatatahimik nila gamit ang estado upang manakot... maliwanag na taktika ni Gloria ang State Terrorism upang patahimikin ang mga kritiko ng kanyang administrasyon... lahat ng kanilang kapangyarihan ay ginagamit nila upang protektahan hindi ang karapatan ng mga ordinaryong mamamayan kundi ang kanilang mga sariling interes lamang...
Ito ang klase ng sistemang ginagalawan natin ngayon... isang sitema na ang pinapaboran lamang ay yaong nasa kapangyarihan at maimpluwensya sa lipunan... ninanakaw na nila ang ating pinaghirapang pera pati ang batas na dapat ay sumisiguro sa ating kalayaan ay kanila ring binababoy...
Hindi ito ang kalagayang nais ko na ipamana sa aking mga anak... nais ko na lumaki sila sa isang lipunang may pagkakapantaypantay... malaya ang bawat mamamayan mula sa pang-aabuso ng estado... nais ko silang lumaki na ang estado ay tunay na naglilingkod para sa kanilang kapakanan... isang lipunan na ang boses ng ordinaryong mamamayan ay may halaga sa pagbuo ng mga polisiyang makaka-apekto sa kanila... isang lipunang malaya mula sa mapang-abusong kapitalismo...
Panahon na upang wakasan ang mapaminsalang sistemang umiiral sa atin ngayon... kung hindi mag-oorganisa at kikilos ang mga mamamayan ay gigising na lang tayo isang araw na wala na tayong kalayaan at ang ating Inang Bayan ay naibenta na sa mga dayuhan... gising na... kumilos na... palitan na ang sistema! | |
|
| |
tagubilin Senior Member
Dami ng Post : 1510 Puntos : 6125 Salamat : 4 Lokasyon : super novalichessss! Nagpatala : 2008-04-13
| Subject: Re: Paglabag sa aking Karapatan! December 2nd 2008, 3:56 am | |
| | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: Paglabag sa aking Karapatan! December 2nd 2008, 8:55 am | |
| - tagubilin wrote:
- Hindi ba mahirap. . .
Ang alin po ang "hindi mahirap?" | |
|
| |
belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6581 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| Subject: Re: Paglabag sa aking Karapatan! December 2nd 2008, 3:18 pm | |
| muntik pala sana akong makaperstaym kuya.. hehehe. grabe yun na experience a. nakadalo na rin ng mga rally.. student rally naman yun.. di masyado political.. naranasan kong maghanda ng panyo.. baka daw kasi may mga teargas.. pero wala naman.. buti naman.. at kasama pa namin titser ko nun.. nagkita-kita halos lahat ng mga kaklase ko sa isang subject.. kulang na lang ay dun kami magklase.. hehehe sobrang paglapastangan talaga yun kuya.. ^^ | |
|
| |
bart Newbie
Dami ng Post : 62 Puntos : 6137 Salamat : 0 Lokasyon : manila Nagpatala : 2008-02-02
| Subject: Re: Paglabag sa aking Karapatan! December 30th 2008, 7:40 pm | |
| I symphatize with those people whose rights were allegedly violated by those who were supposed to protect it. It's good to know that we are aware of the rights we have under our laws. But IMHO, I also believe that every right has an equal responsibility, as there is no such thing as an "absolute" right.
Please don't get me wrong peeps, I'm not here to judge, just speaking my mind out.
PEACE | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: Paglabag sa aking Karapatan! December 30th 2008, 11:13 pm | |
| - bart wrote:
- I symphatize with those people whose rights were allegedly violated by those who were supposed to protect it. It's good to know that we are aware of the rights we have under our laws. But IMHO, I also believe that every right has an equal responsibility, as there is no such thing as an "absolute" right.
Please don't get me wrong peeps, I'm not here to judge, just speaking my mind out.
PEACE Our rights were "Clearly" violated... and I am not making stories up... it is pure and simple violation of our rights...
Under our laws a person should be told what are the reasons he or she is being invited to a police station... in our case... we were not told of any reason... during our arrest and before or even after we were set free...
Under our laws... we should not be kept waiting in a holding facility without us knowing the reason why... in our case... we were kept for 4 hours without any one from the police telling us why... we were just told that they were just "following orders"
Now... who among the the two sides used the so called "absolute" right?... the "Alleged" Victims (us) or the Police Captain?
If we have done something wrong then they have the "Obligation" to inform us of our mistakes. It is our "Absolute" right to be informed... am I correct?
| |
|
| |
Lanyag Clara Senior Member
Dami ng Post : 2248 Puntos : 5906 Salamat : 6 Lokasyon : Bulubunduking Lalawigan Nagpatala : 2008-12-13
| Subject: Re: Paglabag sa aking Karapatan! December 31st 2008, 1:51 am | |
| nandito din pala sa KP ang blog mong ito. | |
|
| |
Lanyag Clara Senior Member
Dami ng Post : 2248 Puntos : 5906 Salamat : 6 Lokasyon : Bulubunduking Lalawigan Nagpatala : 2008-12-13
| |
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: Paglabag sa aking Karapatan! December 31st 2008, 2:18 am | |
| Salamat kasama...
Alam mo naman na masunurin akong tao sa batas... at isang kalokohan na abusuhin ko karapatan ko... ang siguradong umabuso ay yung Police Chief na yun... inabuso nya kapangyarihan nya...
| |
|
| |
Lanyag Clara Senior Member
Dami ng Post : 2248 Puntos : 5906 Salamat : 6 Lokasyon : Bulubunduking Lalawigan Nagpatala : 2008-12-13
| |
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: Paglabag sa aking Karapatan! January 3rd 2009, 2:14 pm | |
| Hahhaa.. oo nga... may power ang people kung may people power... nyehehehe...
Nuon hindi ko gaano pinapansin yung mga nababalitaan na mga paglabag sa human rights... nuon iniisip ko ok lang kasi mga AKTIBISTA naman ang mga hinuhuli at ikinukulong ng walang kaso...
Pero nung naranasan ko naiba ang aking pananaw... kahit pala AKTIBISTA sila may karapatan pa rin sila... at walang karapatan ang kahit sino na abusuhin ito...
| |
|
| |
Lanyag Clara Senior Member
Dami ng Post : 2248 Puntos : 5906 Salamat : 6 Lokasyon : Bulubunduking Lalawigan Nagpatala : 2008-12-13
| |
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: Paglabag sa aking Karapatan! January 3rd 2009, 8:01 pm | |
| Ito pa ang medyo nalulungkot ako... tuwing may nabalitaan tayo na Paglabag sa Human Rights at ang biktima ay isang Aktibista para bang sinisisi pa natin sila... tulad namin... sinabihan ako nung ibang kakilala ko na lumabag raw kami sa batas kasi wala kaming rally permit... eh ano namang permit ang kailangan sa PAGHIHINTAY sa Rally? Wala pa nga po ang rally... at nung naituloy ang rally wala namang hinuli dun sa mga kasama naming tumuloy sa rally... susme... nakakatawa talaga...
Parang sa kaso lang iyan ng rape... madalas sisihin ang babae kaya siya na-rape... para bang pwede mo nang gahasahin ang babae basta sa dilim dumadaan... basta nalasing sa bar ang babae pwede na gahasain... ang Filipino minsan sablay rin mangatwiran eh... kulang sa puso minsan... hay buhay... | |
|
| |
Lanyag Clara Senior Member
Dami ng Post : 2248 Puntos : 5906 Salamat : 6 Lokasyon : Bulubunduking Lalawigan Nagpatala : 2008-12-13
| Subject: Re: Paglabag sa aking Karapatan! January 12th 2009, 2:42 am | |
| oo nga e..di natin makita ang essence ng pagiging aktibista... kaya nga buti at may mga tula na nagpapakita ng kahalagahan ng mga aktibista..
at maraming mga sikat na personalidad na aktibista..kung kaya't kahit papaano, gumaganda na ang imahe ng aktibista sa publiko.
| |
|
| |
Sponsored content
| Subject: Re: Paglabag sa aking Karapatan! | |
| |
|
| |
| Paglabag sa aking Karapatan! | |
|