James307 Newbie
Dami ng Post : 121 Puntos : 6017 Salamat : 0 Lokasyon : Pampanga Nagpatala : 2009-04-09
| Subject: Ang mga nangyayari ay may dahilan at hangganan June 23rd 2009, 2:08 pm | |
| Nakakalungkot na ang bunga ng kasalanan na nagdala sa tao sa kapahamakan at kamatayan hanggang sa pagtungo sa impyerno.Ang kasamaan, ka immoralidad, mga pagpatay, pagnanakaw, korupsyon, prostitusyon, droga, sigarilyo, alak, sugal at iba pa na nagdala ng kahirapan o parusa o sumpa.Ang mga lumalalang karamdaman at mga bagong sakit na di malunasan, digmaan o alitan, diskriminasyon o dibisyon at kasiraan maging ng sarili.Sa mga maling imahinasyon, ilusyon, mga pagkukunwari at kasinungalingan… maagang pag- aasawa at pagkasira ng kinabukasan na lahat ng yan ay naging parte ng lipunan.Paano makakamit ang pagbabago? Pagkakaisa? Kapayapaan at pag- unlad ng bayan?May pag- asa pa ba? Habang buhay nalang bang magiging ganito? At walang kikilos?Magsisimula yan sa atin, kung makikita natin ang realidad, malaman ang katotohanan, lumakad sa katwiran.Ang Diyos na buhay at kumikilos sa mga kaparaanang mabuti at mahiwaga na di abot ng tao… Siya na Spiritu sa tatlong persona na dakila at nakababatid ng lahat ay nariyan lagi.Nag- iingat sa Kanyang mga anak sila na mga tinawag at pinili noon pa mang una,“Alam Niya ang Kanyang mga tupa, ang mga tupa na nakikinig at sumusunod sa Kanya.Ang bayang Israel at mga Tunay na Kristiano na naligtas sa pamamagitan ni Hesus.Na may buhay na walang hanggan sa langit at mabubuhay kasama niya magpakailanman.Nasusulat sa kasaysayan at sa Salita ng Diyos na banal, ang Bibliya…Sa gabay ng Banal na Spiritu na siyang nagbibigay ng kapahingaan at comfort.Nawa’y lahat n gating mga kababayan at lahat ng tao sa daigdig ay magising at mamuhay ayon sa Kanyang kalooban bago pa siya bumalik upang humatol at gumantimpala.Special message from: Baptist ChurchVisit: www.christianster.com for more info…Written by: James307 (“Relation to God not religion, Please… if you love your family, friends and fellow tell them this good news… or else you’ll be selfish and do not love them…”)06- 23- 09/ Angeles City Pampanga, Philippines. | |
|