James307 Newbie
Dami ng Post : 121 Puntos : 6015 Salamat : 0 Lokasyon : Pampanga Nagpatala : 2009-04-09
| Subject: Theology: Faith to Salvation (Big Issue and Warning!) September 23rd 2009, 10:30 pm | |
| Ang kaligtasan ng kaluluwa ay nakasalalay sa Diyos sa Kanyang biyaya at pinaalam niya sa lahat ang daan sa kaligtasan, na ng tanggapin mo si Hesus bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas, Ito ay hindi nabibili ng pera o natutumbasan ng anumang gawa, relihiyon, o tradisyon. (Epeso 2:8-9)
Tulad ng iba na nabulag ni satanas ng mga maling doktrina at hindi umuunawa sa Salita ng Diyos, walang taong perpekto at lahat ay nagkasala at di nakaabot sa kalwualhatian ng Diyos (Roma 3:10).
Hindi natin matutumbasan ang ginawa ni Hesus sa krus ng kalbaryo(Juan 3:16), na kung ibabatay tayo sa ating mga gawang tama bagsak pa rin tayo dahil tayo ay nagkakasala araw araw, malaki man o maliit at ang magtanggi nito ay isang sinungaling...
Lahat ng tao ay marumi at walang marumi na nakakapasok sa langit, walang taong nabuhay sa mundong ito na malinis liban kay Kristo.
Na sa Kanyang perpektong sakripisyo (Ang mahal niyang dugo) na naglilinis at nag- aalis ng kasalanan sa tao.
Siya ang tubig ng buhay na nagbibigay buhay, nakakapagligtas at kapanganakan muli sa Spiritu (Juan 3:3), Siya ang daan, ang buhay at katotohanan (Juan 14:6)
Alay niya ay buhay na walang hanggan sa langit sa mga nanampalataya, ito ay pangako ng Diyos na hindi makapagsisinungaling (Tito 1:2).
Lahat ng sumampalataya ay nagbubunga ng mabuti at mananatili hanggang sa katapusan, at gagantimpalaan ng Diyos ang nagtatapat sa Kanya.
Sa mga makasalanan na hindi tumanggap sa Panginoong Hesu- Kristo imbis nagtiwala sa kanilang mga gawa ay ibubulid sa lawa ng apoy ang Impyerno kasama si satanas na nandaya at kanilang sinundan.
(Takenote: sa aklat ng santiago)
"Na sinasabing ang pananampalatayang walang gawa ay patay..."
In response sa mga di nakakaunawa ng mga salitang ito na si Apostol Santiago po ay nakikipag usap sa mga MANANAMPALTAYA, sa mga tumanggap na kay Hesus bilang Panginoon at Tagapagligtas, ang Iglesia na binubuo ng mga ligtas hindi nakikipag usap si santiago sa mga di naman ligtas at di naman nakakaunawa sa Salita ng Diyos dahil hindi sila ginagabayan ng Banal na Spiritu.
"Si Santiago ay tumutukoy sa Pananampalatayang nagbubunga o ang kanilang mga testimonya bilang mga tinawag na KRISTIANO... bilang mga sumusunod kay Kristo na kanilang sinampalatayanan at tinanggap.
Kasi may mga nagkukunwaring Kristiano daw sila pero nakikita sa kanilang mga buhay at bunga na hindi matuwid at makasanlibutan, sila na mga bulaan, mga ipokrito, at nagmamalinis lamang.
at nakakalungkot na maraming tao ang ganyan, wala akong sinabing lahat ng Kristiano ay perpketo kung mamuhay at di na nagkakasala sa panahon ngayon.
Pero nais ng Diyos na gawin natin ang tama sa ating makakaya at manatili sa ating Pananampalataya, dahil ang Diyos ay mabuti at matuwid sa Kanyang mga hatol...
Kaya nawa ay mamulat na ang mga ibang tao sa mundong Kristiano kuno, lalo na ang ibang pinoy na sumusunod sa maling turo ng mga bulaang mangangaral upang iligaw sila at makikita naman kung ano sila sa kanilang buhay dahil na rin sa mga maling doktrinang sinusunod nila sa kanilang mga buhay.
Ito ay hindi upang sirain ang mga iba kundi imulat ang mata ng mga tao sa katotohanan, wag po tayong padaya, kung sinasabi nating tayo ay may sariling pananampalataya, alamin ang katotohanan pagka't ito ang magpapalaya sa lahat na bihag ng kasalanan at kasinungalingan
"Ang maging isang tunay na Kristiano ay maging mananampalataya at tagasunod ni Kristo..."- James307
for more question visit: www.gotquestions.org for Biblical answers.
to know and be warn of the religious cults we will expose them @ www.thebereans.net
And to build Christian friendship and fellowship visit www.christianster.com
Philippines for Jesus!
By: Baptist Church, 702 DZAS | |
|