The Truth about me
(James307)
“They said na tahimik daw akong tao, seryoso in person, mapag- isa, pero
mabait at open- minded, a stranger on my journey on earth and maybe
weird in the eyes of many because of being a Christian to respect people
and be matured enough to face the everything even in the future.)
I am just a simple man with a simple life and dreams, to be balance in
everything… I can say many good things about me or something that I want
to say… but the truth is, ang pagkatao at anong katotohanang meron
ako, katulad ng maraming tao sa mundo na may kanya- kanyang istorya sa
buhay at pananaw na sinasaligan, I don’t want to talk all about
religion, I just want to be fair and to be true… about me and anything…
though I can say na 70% ng life ko ay malaking naging contribution ng
Church sa akin, but I am independent, my faith, my decision, Oo I am a
Conservative Christians sa tamang lugar at sitwasyon.
Ayokong itago ang anuman sa inyo at ayoko ring maging hypocrite tulad ng
ibang tao, gusto ko lang ay makapaglingkod sa Diyos at sa aking
minamahal ng bayang pilipinas, mahal ko ang aking kapwa kahit marami sa
akin ay di nagmamahal at walang pakialam, gusto kong ibigay lahat ng
makakaya ko na walang hinihintay na kapalit, ang karunungan at lakas ko
at maging buhay ay ibibigay, na sa aking kabataan ngayon, na maraming
tukso , and how many times I fall, nasaktan, at nabigo pero I stand
because of my faith in Him, and I am just sticking to positive side of
life, na maging magandang halimbawa sa iba.
I thank God for my family, friends at lahat- lahat, sa totoo lang, I am
also like you may kahinahaan at hindi perpekto dahil walang perpekto,
I’ll try to be a good student and to understand life kasi tatanda at
lilipas din ako and what matter most is today! Kung anong sinasabi at
ginagawa ko. Will I believe in destiny or God’s will? Sa lahat ng
tagumpay at opportunity na nasayang… sometimes we must think kung bakit
tayo ay hindi nagbabago o sumusulong ay dahil hindi naman tayo kumikilos
o tumatayo sa tama… halos maraming tao ay nagpapayabangan o kaya naman
umasa sa bagay na maibibigay ng sanlibutan.
Na kung bakit hindi nila kilala ang manlilikha, tagapagligtas at ang
Kanyang Salita sa mga iba’t ibang tao na pinangangaralan ko na hindi
lahat tumatanggap nito at maging sa paligid ko ay dahil maraming tao sa
panahong ito ay mas gustong maniwala sa kung ano ano, at ayokong mabito
sa katapusan ng lahat ng to.
Masaya at kuntento na ko sa buhay ko at mahal ko ang aking mga kaaway
mahirap gawin pero totoo, “When you learn to forgive, you learn from the
mistakes …“ Ito ako at anung nasa puso ko ay aking sinasalita ngayon,
maaring maraming tao jan baliwalain ito pero nagpapasalamat ako dahil
alam Niya na may mga taong tulad mong nakakaunawa sa akin, ibang- iba na
nga ang panahon ngayon at mabilis na lahat, di ako alam kung anong
mangyayari bukas pero I hope and believe, He knows what will happen
next, kahit anong mangyari si Hesus ay nasa puso ko ang aking Panginoon
at Tagapagligtas na tumubos sa kasalanan ng tao, na siya ay mananatili
sa akin at ako ay sa kanya...
Totoo na di ko kayang I solve lahat ng problema ng mundong ito but
atleast I did my best part and doing it continually sa best ko sa
makakaya ko.
Di ko sinasabing perpekto na ako, nagkakamali pa rin ako but will I
stand on that situation? At magwawalang bahala na lang? kaya nga nag-
aaral ako patuloy sa buhay na ito para matuto at magka experience na
pursigido akong baguhin ang mga mali sa akin at abutin ang para talaga
sa akin, pero iisipin ko ba na ganun nalang talaga ang mundo at ang tao?
Na ganun na talaga ang lahat? I know God has a good and perfect plan
for all of us, mabuti Siya at dahil mahal Niya tayo ay binigyan Niya
tayo ng free will na ang tao ay makapili at malaya sa lahat ng bagay,
subalit alam ko rin na may dahilan ang lahat kung ang tao man ay
magkamali at naging ganun ang buhay Niya, alam ko lahat ay naayon sa
proseso at kasaysayan kasi yun na yun, lahat ng nangyari noon at ngayon
ay naayon pa rin sa desisyon na sinusunod natin kung tama ito o mali,
Hindi Siya nagkulang sa atin na tayo ang nagkulang sa Kanya at kung
pinapalo o pinaparusahan tayo ay dahil matuwid Siya.
Kaya sana wag nating sayangin ang panahon at oras at mga pagkakataon,
minsan lang tayo mabubuhay at maiksi lang ang buhay na lahat ng tao na
di sumampalataya ay hahatulan ayon sa Kanyang gawa at lahat ng tumanggap
kay Kristo ay uuwi ng langit magpakailanman and that is true na
kailangan malaman ng mga tao, “Kaya anak wag mong pakinggan ang mga
bulaang mangangaral at maling doktrina dahil ayaw ng Ama na ikaw ay
mapahamak, don’t confuse yourself kasi si satanas nais niyang sirain ang
buhay mo sa at sa pamamgitan ng layaw at makasanlibutang gawa nais
niyang mapasama ka sa kanya sa impyerno dahil sa kasalanan kaya mag-
ingat…”
Sa aking mga kapatid sa pananampalataya ay magpatuloy nawa sa
paglilingkod sa Diyos at sa Katotohanan sa pangangaral at sa aking kapwa
pinoy at mga ofw ay maging mabuti sa lahat at tumayo sa tama o sa
katwiran, alam ko marami pang mangyayari pero tuloy lang ang buhay
umaraw man o umulan, tayo sa pagbabasa ng Bibliya- na Kanyang Banal na
Salita, sa taimtim na pananalangin, mga buhay na pananampalataya, at
pagsasakripisyo ng lahat lahat, na alam ko Siyang gagantimpala sa mga
tapat at magliligtas sa aking Bayang Pilipinas. Amen!
“Purihin ka ng iyong mga likha sa langit at lupa, maganap ang iyong mga
Salita, maghari ka nawa at ikaw na Siyang bahal sa lahat lahat, Amen.
-James Gutierrez
(The Baptist)
(Siya nga po pala if God’s will this year ay matuloy kami patungong US
(In Las Vegas) dahil sa family petitions for more than 20 years dumating
na rin sa wakas, inaayos na po namin ang mga papers at I hope kung
anong kalooban ni Lord ay siyang dalangin ko… kung saan ako maglilingkod
at matupad ko rin ang mga pangarap ko… makaalis man ako o hindi masaya
pa rin ako… sana isipin natin na tayo ay Kanyang sinusubok… believe it
or not ay napatunayan ko na totoo ang Kanyang mga pangako.)
THANK YOU AND GOD BLESS YOU ALL PO!