| Share a Poem | |
|
+5reizhabiel marya waloako Xaviour Jhuly 9 posters |
Author | Message |
---|
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| |
| |
Xaviour Junior Member
Dami ng Post : 325 Puntos : 6248 Salamat : 0 Lokasyon : Manila Nagpatala : 2007-11-03
| Subject: Re: Share a Poem November 5th 2007, 7:43 pm | |
| pagpasensyahan nyo na Pagmamahal Ng Isang KaibiganWag ka nang umiyak Ang hirap mo'y nadarama ko rin Kaguluhan ng iyong isip, wag alalahanin Iyong paghihirap aking tatanganin Sabihin mo ang iyong problema Akin itong pakikinggan Dahil habang iniiyakan mo siya Iniiyakan kita Iyong kasiyaha'y kasiyahan ko rin Paghihirap mo'y doble sa akin Sa iyong harap, tagong paghihirap Pagmamahal ng iisang tao lamang Di maaring sabihin, pinapakitang palihim Iniingatang di mo mapansin Pagmamahal ko sa iyo, sa akin na lamang At sa kanya ika'y pinauubaya Tuwing ang iyong luha ay papatak sa lupa Di alam ang gagawin, di alam ang sasabihin Sa loob-loob laging dinadalangin Kung akin ka lamang, di ka paiiyakin Ngunit hindi maari Ang maging akin ka'y sa panaginip Dahil sa bawat tingin sa iyong mata Pagmamahal mo'y para sa kaibigan lamang, wala nang iba 2003-07-07 11:06:27 | |
|
| |
waloako Senior Member
Dami ng Post : 761 Puntos : 6306 Salamat : 1 Lokasyon : diocese ng novaliches Nagpatala : 2007-09-10
| Subject: Re: Share a Poem November 5th 2007, 8:03 pm | |
| kagabi...at bawat gabi mula ng makilala ka nililisan ako ng kakarampot na katinuang nananatili sa akin at nababaliw ako nawiwindang nabubuang at tumatakas sa sarili kong mundo na walang ibang makapasok kundi ikaw sana at ako pero kasabay ng bawat gabing paglisan sa akin ng kakarampot na katinuang nananatili gumuguhit nagkakabitak bitak ang puso kong nababasag ng paulit ulit sa pagkakahawak ng pasmado mong kamay na nanginginig nginig pa dahan dahan maaari aking pagsusumamo huwag mong katakutan ang aking kabaliwan pagkatapos na ako ay hawaan ng virus na tinawag pa mang ding PAGIBIG huwag mo akong iwan kagaya ng paglisan nitong katinuan huwag mo akong pandirihan huwag mo akong itakwil taboy dahil sa iyo nagmula ang sakit kong PAG-IBIG ang pangalan kagabi at bawat gabi IKAW ang ititibok ng puso kong lulong na lulong sa malamyos na haplos ng nanginginig mong palad takot na takot na huwag mabasag ang pusong nagsisimula na naman na mabitak ng mismong mga takot mo kagabi at bawat gabi isisilang at mamatay paulit ulit titibok titigil at muling titibok ang puso ko sa IYO lamang tanging sa IYO | |
|
| |
waloako Senior Member
Dami ng Post : 761 Puntos : 6306 Salamat : 1 Lokasyon : diocese ng novaliches Nagpatala : 2007-09-10
| Subject: Re: Share a Poem November 5th 2007, 8:10 pm | |
| GUGMA o LOVE?unsa man ang gugma how can i say i do ug wa man ko kasabot of what love means gimingaw ako kanimo how i dream to see that smile again nagantos sa imo pagbalik to hear that lovely voice to sing nagtan-aw sa mga gamhanong tala comparing the same twinkle in your eyes kay pait kay nakasabot man kita that ours have an indefinite future kay kini ay parte lang sa kalsadang ato tabukon for our own personal growth... karon, gigugma ba kita? answer me what love is hu-man saka pa kita tubagon. | |
|
| |
marya Senior Member
Dami ng Post : 946 Puntos : 6223 Salamat : 0 Lokasyon : tuguegarao Nagpatala : 2007-11-08
| Subject: Re: Share a Poem November 9th 2007, 10:09 am | |
| sonnet 2 =)
in your past you chose to exist gripped by the memoirs that makes your heart bleed in the midst of darkness you chose to stay imprisoned by the happiness of yesterday in the eyes of a nymph you chose to be shattered now grudging the one holding her hand in obscurity of life you chose to the loon never ending pain, just waiting for your doom in the state of morbidity you chose to be silent astrayed by the touch of fiction, tore by embracement today... in despair,i'll hold your hand let me walk you to your gulf's end through struggle you'll be amend through struggle before her tomb, you'll stand.
*wujejeje.trying hard ako.nyeje. | |
|
| |
reizhabiel Newbie
Dami ng Post : 21 Puntos : 6081 Salamat : 0 Lokasyon : Paco , Manila Nagpatala : 2008-03-29
| Subject: Re: Share a Poem May 2nd 2008, 11:18 pm | |
| bakit ang pag-ibig hindi mo matantsa ? sa panahon at oras ako'y nangangamba dahil kung sakiling ako'y magmahal muli pagod nang maghintay kung sakali
kadilima'y nagsimulang lamunin ang liwanag puso'y nagtangkang lumayo pag - ibig ba itong aking tinagpo sinunod ko lahat ng iyong luho
ikaw , ang huling nagpaluha sa mga matang nangingintab sa sakit mga hinanakit dahil sayo'ng pagmamalabis pagmamahal lamang ang tanging ninais
huminto ang mga tala sa pagkinang ang buwan ay unting naglaho nag - iisa kong hinarap hanggang sa nagkulay abo ang alapaap
pagtangis , wala nang paraan takot ang nangibabaw wala ka upang ako'y patahanin di alam ang nararapat gawin
kimi nang tayo'y magkita alaala ng bangungot na iyong dinala sa buhay ko'y pinangarap ka ngunit sa sakit , ayoko nang umasa .
--* damdaming pagod nang umasa | |
|
| |
mark_7th Senior Member
Dami ng Post : 2450 Puntos : 6286 Salamat : 2 Lokasyon : cainta Nagpatala : 2008-04-06
| Subject: Re: Share a Poem May 5th 2008, 10:04 pm | |
| P A G B A B A G O ^^. (nagawa dahil sa kabiguan sa isang babaeng walang kwenta ) nasabi ko na sa sariLi ko na "magiging iba ako ngayon sa kung ano ako nuon" anu ba ko dati at gusto kong Linisin at ano ako ngayon na may naLaLaman na sa pagbabago na aLAm ko namang hindi na maibabaLik ang nasayang na tiwALng sinira ko... nasisira ako dahiL sa inuumitang paggaLaw, pagkiLos na nagpapakiLaLa at nagpapaaLaLa sa tinatago kong pilit na anyo na nagiging sanhi ng pagkaLunod,biglaang pagbagsak at unti-unting pagkabuLag na nagpapatunay na "hindi na ako kaiLangang uLinigin at hanapin"... nabibingi ako sa mga nababanggit ko na sa sariLing bibig ko rin naman LumaLabas, dahil sa paulit-ulit naaaninag sa diwa kong hindi maintindihan minsan, nauumay na ako at di ko na bibibigyan ng pagkakataong marinig pa , naniniwaLA ako sa mga sinasabi ko pero minsan LinoLoko ko naLang ang sariLi ko para Lang magmaLiw na ang gumuguLo sa isip ko... tanggap ko na ang mga bagay at pangyayari na hindi tugma para sa katauhan ko, madaLas nawawaLA ako sa tono, minsang bumabaLigtad ako at karaniwang oras na pagpasok ko nakakaLimutan ko ang tama at maLi daHiL sa pagsunod ko sa nararamdamn ko. . . tanggap ko na ang mga bawat suLok ng kahapon na madaLas kong pinoprobLema at hindi sumasangayon sa kagustuhan ko. kaiLangan ko Lang na kontroLin ang aking sariLi at isipin na kaiLangan kong angkinin at tanggapin ang mga bawat araw na dumadating kahit yung ang nagiging siLbi para sa pagLabo ng anino ko. . . ang pagbibigay ng pansin sa pagkakamaLi para sakin ay simuLa ng pagbabagong LumiLinaw na eksistensya, iLusyon Lang ng paningin ang nababago, ganung pa rin ang nasa Loob ko, waLA akong kaiLangan ibahin at Linisin kung hindi na mababago ang tingin sakin, magbabago ako para sa sariLi ko at hindi para sa ibang tao, ginusto ko ang desisyon ko at eto ang pamamaraan ko ang pamamaraan ni †hönŸiõ ^^. . . | |
|
| |
waloako Senior Member
Dami ng Post : 761 Puntos : 6306 Salamat : 1 Lokasyon : diocese ng novaliches Nagpatala : 2007-09-10
| Subject: Re: Share a Poem May 30th 2008, 5:45 am | |
| LITANYA ng PUNO nailathala sa pahayagang OBRERO, nuong April 26, taong kasalukuyan
nanglilimahid na ako kailan ninyo ba ako paliliguan? iaasa ninyo na lang ba sa langit palagi? na sana'y maawa siya't lumuha sandali?
bigyan ninyo naman ng panahon paligid ko'y inyong linisin bigyan ninyo naman ng okasyon paminsan ako ay kamustahin
pinatatalsik ninyo kami sa lupang inugatan na namin may relokasyon ba kayong laan o panggatong ang aming kalalabasan
sinasangkalan ninyong dahilan ang kaunlaran subalit naiiwanan kami sa inyong batayan maunlad ba ang bayang walang malasakit sa kalikasan? maunlad ba ang bayang walang pakialam sa punong masasagasaan?
pinapatay ninyo kami para ikalakal at ibenta inuubos ninyo ang aming lahi at di kayo nagtatanim ng bagong binhi
mauubos kami at walang pumapalit hindi ninyo naisip na ang apektado'y inyong paslit wala na silang mapaglalaruang lilim sa aking mga sanga hindi na rin nila matitikman itong aking mga bunga
hindi kami makapagsalita, o makasigaw hindi kami posibleng magmartsa o maglakaw kahit lagi nang nakataas ang nakakuyom naming dahon at sanga
pero paano namin ipaglalaban ang aming mga karapatan? sa salitang inyong mauunawaan? sa pagkilos na inyong maiintindihan?
magtitiis kami sa inyong pangaalipusta magtitiis kami sa inyong pagpapabaya huwag lang mapigtal ang pisi ng pasensya dahil maniningil kami ng marahas at walang awa
at walang pagkawagi sa giyerang kayo ang matigas na nagpasimula akala ninyo'y pinapatay ninyo kami habang pinapatay ninyo pala'y
ang sarili din ninyo! | |
|
| |
waloako Senior Member
Dami ng Post : 761 Puntos : 6306 Salamat : 1 Lokasyon : diocese ng novaliches Nagpatala : 2007-09-10
| Subject: Re: Share a Poem May 30th 2008, 5:47 am | |
| PUSONG BISKWET pakiusapako'y damputin naman kahit wala pang palaman kahit simple ang aking timpla at piraso ko ay butas butas pa pakiusapako'y iyong tikman subalit pakaingatan kay bilis kong maduroghuwag sanang iba ang mabusog pakiusaphuwag mo akong pabayaan na basta na lamang lantakan ng mga ibon at langgam habang ika'y nagaagam-agam kaya... pakiusapangkinin mo na akopapawiin ko ang gutom mo hindi naman ako mahirap malusaw ako'y iyong magiging tanglaw | |
|
| |
kulayanmoako Newbie
Dami ng Post : 36 Puntos : 6005 Salamat : 0 Lokasyon : milky way Nagpatala : 2008-06-13
| Subject: Re: Share a Poem June 13th 2008, 6:17 pm | |
| SO ...BER?
Death to the sober and sobriety is not good?
Whenall turns gray what used to be a mirror of happiness now a reflection of its opposite
I see you unrecognizable rotting in neglect in decay where did you hide your smile? why you look so contaminated? you terribly looking cold and that pleasantness why you had to change into total... nevermind... you look awful when you are not suppose to.
Here... chug a beer and talk.
-FIN-
JBadua | |
|
| |
waloako Senior Member
Dami ng Post : 761 Puntos : 6306 Salamat : 1 Lokasyon : diocese ng novaliches Nagpatala : 2007-09-10
| Subject: Re: Share a Poem June 21st 2008, 4:09 am | |
| TAGAY
pinilit kong iwasan ka ang huwag kang makilala pero parang tiyak ang tadhana at pagtatagpo'y itinakda pinipigil ang oras nang huwag dumating ang bukas namulutan ng maraming kwentong inihabi upang magkubli na naririyan ka sa aking tabi nagtitinginan na sila bakit di pa rin kita alintana natatakot at nahihiya baka hindi ko kaya ang iyong tama nangahas pagkawasa sinulyapan kita nanlalamig ka ng ikaw aking hawakan kinakabahan ako, ika'y pinagpapawisan at sa sandaling pagtama ng ating mata nararamdaman ko na lamang bigla na mga labi nati'y naglapat at malamig na pusong ninais maging tapat pinaginit ng iyong angking kamandag bagaman pagkatapos tayo ay basag ikaw ang iyong katawan ako... kaluluwa'y ganap ng papanawan! | |
|
| |
waloako Senior Member
Dami ng Post : 761 Puntos : 6306 Salamat : 1 Lokasyon : diocese ng novaliches Nagpatala : 2007-09-10
| Subject: Re: Share a Poem June 21st 2008, 8:04 pm | |
| she walks with ease with a slight tinge of tease confident of each stride such an angel in glide
she raises her head fighting a lie self awareness rocheting sky high looking around with a twinkle in her eye a toughness knowing she'll make men die
she sighed, and the stars start trembling with the anticipation of fate crumbling weighing the verdict she had to lay trying to forecast the plea she'll hear all day
with a calmness amidst the raging storm, she spoke such softness you'll miss her carrying her heaviest yoke a pearly bead constantly running on her cheeks pain seering throughout her body, bleeding heart reeks
and then she let out the sweetest smile dimples adorning the grimness after a while she wills herself to finally move on, never knowing the how, but she'll undoubtly carry on
she's the woman i wished myself to be i am but she's also the woman who wished to be i am and the laughter broke out for i cannot stifle anymore upon fate's joke that would haunt us both forever more | |
|
| |
waloako Senior Member
Dami ng Post : 761 Puntos : 6306 Salamat : 1 Lokasyon : diocese ng novaliches Nagpatala : 2007-09-10
| Subject: Re: Share a Poem June 21st 2008, 8:05 pm | |
| a sneak text, like a phantom theft of the night you sent me trembling and singing in the tune of delight she that owns me stopped in midsentence fingers caressing me suddenly became tense she paused, inhaled and exhaled rings of smoke as if clearly listening upon other's yoke but deep inside she wailed cold bubbly elixir, down her throat, blood dripping around the town bloody heart she has i could kick that someone's ass vibrations im rocking the chair they were all astound in that dim lighted lair silent me, can never be silenced he loves you? can't that be send?
--cellphone sa babaeng emo | |
|
| |
gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Re: Share a Poem October 25th 2008, 12:51 pm | |
| Sabik by Tanguerrero
Ang mga labi mong sakiy dumadampi
Ang iyong tinig na sakiy kumikiliti
Mga yakap mong aking damang dama
Mga haplos mong aking ginugunita
.
Ang pagkain natin sa iisang plato
Hanggang sa pagsusuklay mo ng buhok ko
Mga sandaling magkasama sa ilalim ng ulan
Hanggang humantong ito sa inuman
.
Ang dantay mong aking hinahanap hanap
Ang balat mong aking nalalasap
Mga pagsang-ayon mo at pagkontra
Mga tabig mo at deadma
.
Ang pagmamahal mo na walang katulad
Ohh!! gaano nga ba ako kapalad?
At paano ko nga ba makakalimutan
Ang mapang-akit mong kagat labi
.
Sa lahat ng ito akoy sabik
(Gawa toh ng baby ko heheheh) | |
|
| |
Lanyag Clara Senior Member
Dami ng Post : 2248 Puntos : 5906 Salamat : 6 Lokasyon : Bulubunduking Lalawigan Nagpatala : 2008-12-13
| Subject: Re: Share a Poem January 11th 2009, 1:16 am | |
| Ano ang pinagkaparehas ng Alak at Pagibig?
Ang Alak ay nakakalasing, at ang pagibig din! :very sad: LCT
Last edited by Lanyag Clara on January 22nd 2009, 7:55 pm; edited 2 times in total | |
|
| |
mark_7th Senior Member
Dami ng Post : 2450 Puntos : 6286 Salamat : 2 Lokasyon : cainta Nagpatala : 2008-04-06
| Subject: Re: Share a Poem January 18th 2009, 12:53 am | |
| narinig mo na ba ko?
natawag mo na ba ko? inasar mo na ba ko? minaliit mo na ba ko? ako na magpapalakas ng tuhod mo?
nabihag ako sa mundong pinagtatanungan ko, nakasalig ang kwento ko sa paniniwalang walang perpektong tao, gumagalaw ako sa kagustuhan ko, sumisigaw ako para sa ikabubuhay ko, sumisigaw ako para malaman kung san patungo 'tong nilalakaran ko...
pagkapuot ang tingin ng iba sa pinagsisilbihan kong saya, nakalulan ang saya sa katawan kong pagod na pagod na, napapadalas tuloy ang pagsasalita ko mag isa pag napapadaan sa nakapanghihilakbot na kalsada...
sa paglalakbay ko habang sinisigaw ang buhay ko, di maiwasang mapilosopo ng mga tambay na loko-loko, "naghahanap-buhay lang ako;ayoko ng gulo"
piligroso ang aking sasapitin pag pinatulan ko pa ang mga lasinggerong mainitin, kaya ako'y lilisan nalang baka magkaron pa ko ng wala sa oras na kapansanan at may mga misyon pa pala akong gagampanan...
walang tinatanaw na bukas pag ang boses ko'y kumupas, di ko kailangang yungyungan ang yupi-yuping alahas na inaalok para sa ikaliliwalas na posibleng maging marahas...
walang makakagalaw sa dinadala ko, ako lang makakahawak ng buhay ko, konti lang nakakaintindi sa kalagayan ko, kalagayan kong di alam kung san patungo...
otsa hanggang dito nalang dahil may nakarinig sa sigaw ko, kailangan nya ang tulong ko, magbabalot kasi ko,
nagtitinda ko ng balot para sa ikalalakas ng tuhod mo ^^.
-mark7th
| |
|
| |
gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Re: Share a Poem January 22nd 2009, 11:39 am | |
| eto pa ung isang gawa ng baby ko for me ang ngiti mo sakin ay umaakit ang mga halik mo na sa akin ay nagpapapikit ang dantay mong nagbibigay sa akin ng init sa gabing malamig pag-aabang sayo sa patubig patungong simbahan na ang kamay mo ang tangan hanggang sa oras na ikaw ay hagkan tradisyon nating inuman kwentuhan na walang hanggan sa paggising ikaw ang yakap pag wala ka ikaw ang hinahapulap sa pagkain ikaw ang kasabay mahal ko sa pag-ibig sayo hindi ako lulubay | |
|
| |
Sponsored content
| Subject: Re: Share a Poem | |
| |
|
| |
| Share a Poem | |
|