Pasensya na po at mahaba ito...Apat na Sulok Chapter 1 - Videoke
Videoke, minsan nakakainis, nakakatuwa,
minsan mababa ang score, minsan para kang diva na sobrang taas ang score na
pwede ka nang maging concert king o queen. Usong uso sa Pilipinas ang pag -
kanta mula noong unang naimbento ang karaoke (na Pilipino din ang nakaimbento
ayon sa mga tsismis) hangang sa pinaka bago na device. Saglitang ipindot ang
numero na nakakabit pa mismo sa mikropono, at makikita mo na lalabas na ang
panitik ng kanta sa telebisyon. Kamakailan lang isang magaling na mang-aawit
ang nag indorse ng nasabing gamit, ngayon naman isang tanyag na boksingero.
Kasama sa inuman, madalas sa gimikan, mula bata, hanggang sa pagtanda; sino ba
ang hindi nahilig kumanta?
Para sa madaming Pilipino, ang pagkanta ang
isa sa pinaka paborito nating gawin, parang walang ka effort – effort,
kailangan lang ng konting udyok galing sa mga kaibigan o mga kasama kakanta na
tayo. Marahil isa na din itong talentong binigay ng Diyos para ang bawat taong
nabubuhay; kahit na may pinagdadaanang mahirap man o madali, malalaman mong
kahit kelan hindi ka magiging malungkot hindi ka mag – iisa. Dahil ang totoo,
sa pagkanta natin nailalabas ang lahat ng hirap sa buong araw, lahat ng
nararamdaman. Sa pag – kanta lumalabas ang lahat ng gustong sabihin at
iparating sa nakikinig. Sa halagang limang piso, maari ka ng kumanta, di ka mag
– isa, may live audience ka na mga lasing o dili kaya’y mga taong nakapila sa
likuran mo at naghihintay upang ikaw ay matapos pero ang pinaka masarap yung
kasama mo ang lahat ng kaibigan mo para may papalakpak pagkatapos mo kumanta.
Masarap kumanta, yun nga lang minsan
nakakahiya. Sa sarili ko, hindi mo ako mapapakanta ng hindi mo ako nilalasing o
tinututukan ng baril. Minsan nga naiisip ko na sobrang tapang ng mga taong kumakanta
sa harapan ng madaming tao, kahit sintunado, kahit pangit, kahit wala sa tono,
tuloy lang. Ilabas lang ang mixed emotions para maganda ang dating sa mga
audience o tagapakinig. Nakakatawa mang isipin, pero madami sa atin ang wala sa
tono, pero pag hawak ang mikropono, pakiramdam natin tanyag tayo, lahat
nakaitngin sa atin, masarap ang pakiramdam, paminsan minsan pa marami ang
sumasabay kaya pakiramdam natin, tama ang napili nating kanta para sa
pagkakataong iyon.
Taas ang kamay ko sa mga taong nakakakanta
sa harap ng madaming tao, bakit? Kung iisipin mo, madami sa ating mga Pilipino
ang may “Stage Fright” Ayon sa Wikipedia (
www.wikipedia.com):“Often the term "stage
fright" is conflated with glossophobia, a fear of speaking in public.
Jugglers and mimes are the simplest examples of the difference in notions.
Performance anxiety is also
observed in sportsmen. In the latter case it is interpreted as a fear to
underperform (in view of the actual public or implied publicity).
Quite often stage fright
arises in a mere anticipation of a performance, often long time ahead. It has
numerous manifestations: fluttering or pounding heart, tremor in hands and
legs, diarrhea, facial nerve tics, dry mouth.
Stage fright may be observed
in ordinary people, beginning artists, as well as in accomplished ones.
Some musicians use beta
blockers to avoid stage fright during auditions, and performances.[1]”
Sa pinaka simpleng salita, ang stage fright
ay ang pagkatakot sa pagharap sa madaming tao. Maraming beses natin itong
naranasan, at paulit – ulit nating nararamdaman sa tuwing mahaharap at
magsasalita sa harapan ng madaming tao. Sa harapan ng klase naming noon,
madalas may reporting, at ang reporting ay madalas nauuwi na lamang sa pag
babasa ng isinulat sa acetate o ang naka project sa over – head projector.
Siguro kaya man ganun ay sa kadahilanang natatakot ang mga estudyante na tumayo
sa gitna at harapan ng klase. Sa ilalim ng mapanuring mata ng ibang tao na
tuwing magsasalita ka para kang si Jose Rizal na malapit ng barilin sa Bagong
Bayan. Pero ang nakakapagtaka ay bakit naman ang mga guro natin kaya nila? Ano
ba ang meron sila na wala tayo? Lahat ng tao ay merong kumpyansa sa sarili nila
at alam nilang kahit ilang tao pa ang nasa harapan nila, ay kaya nilang ipakita
ang buo nilang galing, pero bakit ganoon? Bakit nahihiya ang mga estudyante?
Siguro kung ikukumpara, habang tayo ay si Jose Rizal na babarilin na sa Bagong
Bayan, sila ay si Jose Rizal na babarilin sa Bagong Bayan NGUNIT, mayroon
silang bullet proof vest at helmet (ayos ba yun?).
Siguro ang pinaka mahirap sa pagsasalita sa
harapan ng klase ay yung hindi mo alam ang sasabihin mo, dito umiikot ang
istorya na kung bakit ang mga estudyante, o siguro ang lahat ng tao ay
nahihiyang humarap sa maraming mapanuring mata. Kung tutuusin, tama lang na may
ikatakot tayo, dahil kung wala talaga tayong nalalaman sa kung ano ang pinag
sasasabi natin sa harapan malamang isa o dalawa sa mga nakikinig ang meron, at
dito tayo natatakot. Natatakot tayong masabihan ng kamalian, pumapasok ang ego
natin na ayaw nating maitama ng mga taong hindi naman natin kakilala at masama
pa ay sa harapan pa ng maraming tao na naghihintay lamang ng mapapagtawanan.
Stage fright? Takot mag – salita sa harap ng ibang tao? Siguro hindi, marahil
ay takot mapahiya sa harap ng madaming tao dahil sa sariling kakulangan o
kamalian.
At natapos na ang session ng videoke sa tapat at gilid ng bahay namin, parang naghalo ang balat sa tinalupan sa
boses ng mga lasing at ng mga anak nilang batang kumakanta. Dalawang videoke
machine ang gumagana ng sabay, sa gilid ay rock music, sa harapan mga 80’s love
song na madalas ang Eagles. Nakakaaliw minsang pakingan na nagkakamali yung tao
na kumakanta sintunado kung baga. Pero kagaya nga ng nasabi sa talata sa
itaas, marahil tinatawanan lamang natin ang kamalian ng iba, ngunit ang
kagalingan ay hindi natin matanggap. Dahil tayong mga tao ay natural na may pag –
iisip na tayo oo ikaw lamang o ako lamang ang magaling, lahat ng inhibisyon at idelohiya mula noong sinaunang panahon, hanggang sa ngayong pinamumugaran na tayo
ng masasamang tao at computers ay ganoon pa din ang mentalidad natin.
Marahil pabubulaan ito ng may mga idolong artista, mananayaw, mang – aawit, rapist, serial killer, genius, baliw, congressman, presidente at kung ano ano pa. Pero minsan naiisip ko na kaya siguro nila iniidolo
ang mga iyon ay dahil sa kanila nila nakikita ang mga bagay na wala sa kanila,
nakikita nilang may isang tao ang mayroon ng bagay, o talentong kapag sila ang
nakakuha ay magiging buo na sila parang “Ultimate Warrior” ng WWF (WWE na
ngayon, at wala na siya dahil mayabang daw siya kaya di na siya kinuha ulit at
hindi na din nakasama sa hall of fame. Pero yun ay sa ibang kwentuhan mo na
maririnig).
Masyang isipin na siguro kaya nauso ang pang
gagaya ng isang tao o pag iimitate ay dahil sa kadahilanang ito. Ang imitation
daw ang pinaka mataas na form of flattery. Siguro nga, nakita ng isang tao sa
katauhan mo ang nawawala sa kanya, ang missing piece ng puzzle ng buhay nya,
kung magagaya man niya ang nasabing trait mo, kumpleto na siya at magkakaroon
na siya ng masayang buhay (yun ay hanggang sikat ka). Sandaang artista,
sandaang gumagaya, ganun ata ang ratio ngayon 1 – 1 pati nga boksingero
ginagaya na eh, dahil lang sa magkamukha sila. Instant hit! Sikat ng taong
iyon, sikat mo na din. Madalas kayong pinag – sasama sa shows, at madalas
pinagtatabi. O di ba? Instant sikat ka! Yun nga lang, kapag hindi na siya
sikat, wala ka na din, walang trabaho, walang nakakakilala, wala. Balik ka na
sa dati at normal mong buhay. On the other hand… mukhang magandang ideya pa rin
yun ah… sino kaya ang ka mukha ko? (Joke lang…)
Natapos na ang jamming ng mga nag vivideoke
sa amin… makakatulog na ako ng mahimbing ngayong gabi.