| sUiCidE... | |
|
|
Author | Message |
---|
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: sUiCidE... May 11th 2008, 8:49 pm | |
| "I believe, this roster also tells me that living in a very well off country does not assure you of contentment and happiness in life." - http://rvbolisay.multiply.com
Sa unang tingin maaaring sinasabi nga ng listahang ito na ang karangyaan sa buhay ay hindi magbibigay sayo ng totoong kasiyahan, dahil karamihan sa mga mauunlad na bansa ay nangunguna sa listahan. At ang Lithuania na numero una ay may magandang ekonomiya.
Suicides per 100,000 people per year
Rank
| Country
| Males | Females | Total | 1
| Lithuania
| 70.1
| 14.0
| 40.2
| 2
| Belarus
| 63.3
| 10.3
| 35.1
| 3
| Russia
| 61.6
| 10.7
| 34.3
| 4
| Kazakhstan
| 51.0
| 8.9
| 29.2
| 5
| Hungary
| 44.9
| 12.0
| 27.7
| 6
| Guyan
| 42.5
| 12.1
| 27.2
| 7
| South Korea
| N/A
| N/A
| 26.1
| 8
| Slovenia
| 37.9
| 13.9
| 25.6
| 9
| Latvia
| 42.9
| 8.5
| 24.3
| 10
| Japan
| 35.6
| 12.8
| 24.0
| 18
| France
| 27.5
| 9.1
| 18.0
| 33
| Germany
| 19.7
| 6.6
| 13.0
| 40
| Canada
| 18.3
| 5.0
| 11.6
| 43
| USA
| 17.9
| 4.2
| 11.0
| 44
| Australia
| 17.1
| 4.7
| 10.8
| 53
| Spain
| 12.6
| 3.9
| 8.2
| 61
| Italy
| 11.4
| 3.1
| 7.1
| 84
| Philippines
| 2.5
| 1.7
| 2.1
| 85
| Kuwait
| 2.5
| 1.4
| 2.0
| Anong saysay ng paghahangad natin ng kaginhawaan sa buhay kung wala namang kasiguraduhan na ang isang buhay na masagana ay magbibigay sayo ng kasiyahan? Baka hindi naman ang pagkakaroon ng kasiyahan ang problema? Baka talagang hindi nakokontento ang tao sa kung ano mang mayroon siya?
May mga nabasa ako na ang nangungunang dahilan raw ng Suicide ay ang Depression. At ayon sa Word Health Organization, and Depression ang magiging numero unong problema sa taong 2010.
Sadyang pinagpala ang mga Filipino dahil kahit sa gitna ng matinding pagsubok nakukuha pa rin niyang ngumiti at magpatawa. Maapektuhan man tayo ng depression ay kaya natin itong masolusyunan bago pa ito umabot sa pagpapatiwakal.
Ang pagiging masayahin nga lang ba ng mga Filipino ang dahilan kung bakit mababa ang suicide dito sa atin kumpara sa mga mauunlad na bansa? May kinalaman rin kaya ang ating pagiging "pre-dominatly Christian" kaya napaglalabanan natin ang depression?
Hindi ako sigurado kung ito ay may kinalaman nga, dahil kung titingnan natin ang Lithuania ay isang bansang Kristiyano rin at tulad ng Pilipinas, karamihan rin sa kanila ay mga Katoliko.
Sinilip ko ang kasaysayan ng Lithuania at nagulat ako sa aking nabasa. Kung kailang nakamtan nila ang kalayaan mula sa Communist Soviet nuong taong 1990, dito rin sinasabing tumaas ang mga kaso ng suicide. Kung kailan sila nagkaron ng kalayaan sa pamamagitan ng isang matagumpay na rebolusyon ay siya ring panahon kung saan sila ay tila nawalan naman ng pag-asang mabuhay.
Magandang pag-aralan ang mga ganitong datos. Dapat na magamit ang mga ito upang mapagbuti ang ating sariling bansa. Hindi kasi sa lahat ng pagkakaton ay kaya nating tawanan na lang ang ating mga problema at minsan - o kadalasan - inaaasa na lamang natin sa "Divine intervention" ang mga solusyon sa ating mga suliranin sa buhay.
Hindi tayo dapat na parang bulag na umaasa na lamang sa biyayang galing sa langit. Hindi masamang Manampalataya ngunit huwag naman sanang hintayin nalang nating umulan ng Pagkain o Pag-unlad o Kapayapaan o Katarungan o di kaya'y umulan ng Pagbabago mula sa langit. Walang kuwenta na tayo'y nilikha ng Diyos at binigyan ng Kapangyarihan upang maging "spoon-fed Christians" lang.
Pananampalataya o idolohiya, ano mang ganda ng intensyon, kung hindi naman nauunawaan ng tao ang kahalagahan ng buhay, bali wala ang mga ito. Kung hindi pinahahalagahan ng isang tao ang buhay siguradong hindi siya maghahangad na umunlad o kumawala sa isang mapanupil na kalagayan. Makaalpas man siya sa kahirapan o sa isang mapanupil na kalagayan ngunit walang pagpapahalaga sa buhay, siguradong pababayaan lang rin nya itong mawala.
Dito pumapasok ang kahalagahan ng pagpapanday sa kabuuan ng isang tao. At ang ganitong paghahanda ay dumaraan sa isang proseso. Mabagal... naka-iinip... sino ang kayang pagdaanan ito?
| |
|
| |
belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6581 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| |
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| |
| |
bantay Senior Member
Dami ng Post : 2175 Puntos : 6061 Salamat : 0 Lokasyon : muntinlupa Nagpatala : 2008-04-18
| Subject: Re: sUiCidE... May 15th 2008, 10:12 am | |
| siguro nasa kaunlaran nga din ng isang ekonomiya yun.. kaso madaming problemang nanyayari sa isang maunlad na bansa
kaya madalas ang suicide.. parang gamot na siguro yun sa stress na nararamdaman nila..
pero nasa tao lang din naman yun.. | |
|
| |
silip_lang Active Member
Dami ng Post : 3646 Puntos : 6352 Salamat : 2 Lokasyon : Balanga City, Bataan Nagpatala : 2007-11-27
| Subject: Re: sUiCidE... July 5th 2008, 5:22 pm | |
| bakit ba kelangang mag suicide eh ang ganda ng buhay....maraming problema oo pero mas malaki ang DIOS kesa sa anumang problema....
hindi kamatayan ang solusyon...kung kikitilin mo ang iyong sariling buhay mas lalong paghihirap ang daranasin mo sa impyerno...kamatayang walang hanggan.... | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: sUiCidE... July 8th 2008, 1:50 pm | |
| Maganda yung tanong ni Zai... pero ang punto mo ay depende kung ano ang pinanampalatayanan... halimbawa sa Japan... iba ang paniniwala nila sa suicide... hindi tulad nating mga Kristiyano...
Natanong ko rin nga sa sarili ko kung ano naman kaya ang pagkukulang nung mga taong nakapaligis sa kanya... ano ang pagkukulang ng lipunan at may mga nagpapatiwakal... kasi ang ano mang problema ng buhay ay dulot rin ng ating sarili at ng ating lipunan... kung tayo mismo ang may akda ng problema eh di may kinalaman nga tayo sa pagpapakamatay ng isa sa ating kapitbahay... ewan ko... naitanong ko lang... | |
|
| |
belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6581 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| Subject: Re: sUiCidE... July 8th 2008, 4:46 pm | |
| sabi ko sa ^^.. depende sa kanyang kinalakhan.. naisip ko din.. minsan kahit gaano kaganda ang kanyang paligid.. ngunit nararamdaman niya ang isang kakulangan at hindi siya nakapagreach-out.. hindi nailabas yung kanyang naiisip.. posibleng maging isa sa mga dahilan ng suicide. di niya nakita yung magandang buhay na nasa kanya.. di niya na-aapreciate ang mumunting bagay na nakakapagbigay ng saya sa isang tao.. dahil he/she aims for something.. lalo na kung di niya ito naabot.. nawalan ng pag-asa.. ganun.. yung tao din sa paligid ng mga taong nagsu-suicide.. posible ding maging sanhi.. if makahalata na isang tao ay medyo nasa-low stage.. dapat bigyan ng pansin.. meron man lamang makausap yung taong yun.. ma-aalleviate ang nagbabalak ng suicide.. ipakita sa kanya kung gaano kaganda at ka-kulay ng buhay... | |
|
| |
silip_lang Active Member
Dami ng Post : 3646 Puntos : 6352 Salamat : 2 Lokasyon : Balanga City, Bataan Nagpatala : 2007-11-27
| |
| |
misay Junior Member
Dami ng Post : 517 Puntos : 6048 Salamat : 0 Lokasyon : umeå,sweden Nagpatala : 2008-07-31
| Subject: Re: sUiCidE... August 26th 2008, 1:17 am | |
| lahat naman tayo may suicidal tendency na pag uugali.. but then.. iba't ibang personality ng isang tao kung hanggang saan level ang kaya nyangg ihandle.... ^_^ kung ang tao ay my healthy personality ....di nya maiisip na mag attempt magsuicide...dahil narin sa kaya pa nyang ihandle yung bigat ng problema nya.... minsan nauuwi sa suicide kung nattrigger na yung level nung emotions nya... di nanagiging healthy kaya ayun... nadedeppresss na sobra at pa nasobrahan.. ayun nagpapakamatay...
ay sus naintindihan kaya yung explanation ko.. base sa aking paniniwala.. hmmmm | |
|
| |
Lanyag Clara Senior Member
Dami ng Post : 2248 Puntos : 5906 Salamat : 6 Lokasyon : Bulubunduking Lalawigan Nagpatala : 2008-12-13
| Subject: Re: sUiCidE... January 6th 2009, 1:21 am | |
| - misay wrote:
- lahat naman tayo may suicidal tendency na pag uugali.. but then.. iba't ibang personality ng isang tao kung hanggang saan level ang kaya nyangg ihandle.... ^_^ kung ang tao ay my healthy personality ....di nya maiisip na mag attempt magsuicide...dahil narin sa kaya pa nyang ihandle yung bigat ng problema nya.... minsan nauuwi sa suicide kung nattrigger na yung level nung emotions nya... di nanagiging healthy kaya ayun... nadedeppresss na sobra at pa nasobrahan.. ayun nagpapakamatay...
ay sus naintindihan kaya yung explanation ko.. base sa aking paniniwala.. hmmmm correct! di natin alam..panapanahon lang yan e! | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: sUiCidE... January 12th 2009, 9:50 pm | |
| Panapanahon... hmmm.. nakakatakot naman... | |
|
| |
Lanyag Clara Senior Member
Dami ng Post : 2248 Puntos : 5906 Salamat : 6 Lokasyon : Bulubunduking Lalawigan Nagpatala : 2008-12-13
| Subject: Re: sUiCidE... January 12th 2009, 10:54 pm | |
| - Jhuly wrote:
- Panapanahon... hmmm.. nakakatakot naman...
kaya nga dapat..araw-araw..lagi tayong handa... let's live as if there's no tomorrow coz tomorrow never comes! | |
|
| |
gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Re: sUiCidE... January 14th 2009, 3:48 pm | |
| live life to the fullest...
ang sarap mabuhay, despite the problems wow! dapat tayong magpasalamat kay Lord sa araw araw dahil nadadagdagan ang ating buhay | |
|
| |
Lanyag Clara Senior Member
Dami ng Post : 2248 Puntos : 5906 Salamat : 6 Lokasyon : Bulubunduking Lalawigan Nagpatala : 2008-12-13
| Subject: Re: sUiCidE... January 14th 2009, 7:38 pm | |
| - gneth wrote:
- live life to the fullest...
ang sarap mabuhay, despite the problems wow! dapat tayong magpasalamat kay Lord sa araw araw dahil nadadagdagan ang ating buhay ]kaya nga kapag sumasapit ang aking kaarawan..nagdiriwang ang lolah?!..
di man bonggang-bongga..just merely realizing things happened in the past makes me say Thank you and ready for what comes next!? | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: sUiCidE... January 29th 2009, 10:52 am | |
| Dapat lang hindi sumuko sa mga pagsubok na kinahaharap... mahirap na nga angbuhay tapos duwag ka pa... sobrang loser naman nun...
Kahit mahirap ang buhay dapat may tapang tayo na harapin ito...
| |
|
| |
gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Re: sUiCidE... January 29th 2009, 4:05 pm | |
| tama and tingnan nating on a brighter side ung mga pagsubok at problemang dumarating satin dahil yan ang magpapatatag satin.. basta keep our faith to the Lord | |
|
| |
Sponsored content
| Subject: Re: sUiCidE... | |
| |
|
| |
| sUiCidE... | |
|