| Move On | |
|
|
|
Author | Message |
---|
gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Move On August 6th 2008, 10:47 am | |
| para sa mga gustong makamove on, this might help.... alam mong nasasaktan ka. ramdam mo ang hapding gumuguhit sa dibdib sa t’wing maaalala siya o kaya naman ay may magbibirong nariyan siya, nakita niya lalo na kung may kasama ng iba. ang katotohanan kasi, wala na kayo, nakahanap na siya at naiwan ka. masakit? susubukan mong makalimot, ititindig mo ang sarili at sasabihing “MAGSISIMULA AKONG MULI!!!!" BINURA mo na ang number niya. maaaring ang ilang larawan o mga love letters niya ay itinapon mo na rin. ang mga regalo niya, nasa kahon na o di kaya ay naipamigay mo na. sa ganitong paraan, pinapalaya mo ang sarili mo sa mga alaala niya. inaalis mo ang mga naiwan niya. gayunman, may mga alaalang mahirap alisin lalo na kung naiwan ito sa puso mo. napaso ka ba? pwede kang tumigil, magmura..... at dahil sa masasayang sandali ninyo, may mga kantang pinili ninyong maging theme song. paano ka ngayon makakaligtas sa radyo o sa mga concert o minsan, sa sasakyan. ilang beses mo na bang naranasan na masaya ka, maayos at ang araw ay tila para sa iyo nang biglang may maririnig kang awit na magpapaalaala sa inyo. pareho pa ba ang nararamdaman mo? ang hatid bang saya ng awit na ito noon ay katumbas ngayon? E’ kung biruin kitang ang awit na ito ay pinili rin nilang maging awit, o mas malala ay gawing theme song sa kasal nila? paano kung sabihin ko sa’yo na sa nararamdaman mo ngayon ay talo ka. handa ka ba kung sakaling magkasalubong kayo? ano ang sasabihin mo? Paano kung magtapat siya sa’yo at sabihing mahal ka pala niya. ikaw pala ang tama para sa kanya. nakabukas ang kanyang mga braso at naghihintay ng yakap. TATANGGGAPIN MO BA SIYA?! hindi mo ba iisiping nagbalik siya dahil alam n’yang hindi mo siya matitiis? dahil ang alam niya… siya ang sentro ng buhay mo? ouch?!! wala ng gustong makinig sa’yo. ang kwento ng pag-iibigan niyo ay alam na ng lahat ng kaibigan mo. hindi pa siya naisusulat at nagagawang telenovela o di kaya dulang panradyo ay pinagsawaan na ng mga tao dahil sa paulit-ulit mong kwento. wala ng gustong bumili sa mga sakit na nararamdaman mo. wala ng gustong makinig. dahil wala ng interesado… ikaw na lang ang naiwan diyan, at maging siya, wala ng pakialam sa’yo. ang pagkakaroon ng minamahal o ng kasintahan ay nagbubunga ng mas malaking barkada, ng kaibigan o ng nakikilala. sa madaling salita, lumalawak ang mundo. e’ bakit pinaliit mo ang mundo mo sa kanya?! paano mong tiniis na mabuhay nang nakasentro sa kanya? gumalaw-galaw ka muna at baka ka maistroke. TOTOONG MOVING ON FROM A RELATIONSHIP IS REALLY HARD. lahat ng reasons meron ka. infact pwede mong isulat ang 1001 reasons kung bakit mo nararamdaman ‘yan. gayunman, hindi mo pa napapapublish yan, may magsusulat na ng 1002 reasons why you need to move on, o kaya naman 1003 reasons kung bakit masayang maging malaya at 1004 reasons kung bakit ka dapat tawaging loser. alam mong hindi binibilang ang taon at lalong hindi sinusukat ang effort. alam mong pareho kayong naging masaya noon. ano ngayon ang dahilan para magsisi o manghinayang sa mga nakaraang araw? maaaring lahat ng mura ay naipukol mo na sa kanya. kung nakamamatay ang mga masasakit na salitang iyan, o ang galit na nararamdaman mo ay maaaring nailibing na siya. alam mong hindi maibabalik ng mga iyan ang relasyon ninyo. alam mong hindi mo siya mapipilit at alam mong hindi mo kontrolado ang buhay niya. marami kang alam pero ang totoo, merong kang hindi alam. alam mo ba na kontrolado niya ang buhay mo? alam mo ba na ginagawa ka niyang tanga hanggang ngayon? sa nangyari sa’yo, alam mo ba na maraming masasayang araw ang pinapalampas mo. alam mo rin ba na hindi mo kailanman mapapalitan ang minahal mong ‘yan, di mo mahahanap at di darating ang para sa’yo? dahil hindi mo alam na may taong handang gumalang sa nararamdaman mo, handa kang tanggapin, handa kang ingatan, handang magsakripisyo at mahalin ka ng labis kaysa sa pagmamahal mo? alam mo bang maaaring nariyan na siya kaso ay hindi makapasok sa buhay mo dahil sarado pa, dahil abala ka pa sa tumarantado sa’yo. o sabihin man nating ang mga iyon ay walang kasiguruhan, ang totoo ay hindi mo alam na ang paghihiwalay ninyo ay mas makabubuti sa’yo. kelan ka huling humigop ng kape o ng tsaa kasama ng mga kaibigan mo? kelan ka huling nagjogging? kelan ka huling nagbakasyon. kelan ka huling tumingala sa langit at pagmasdan ang paglipad ng malalayang ibon at paggalaw ng ulap. kelan mo huling nasulyapan ang paglubog ng araw at unti-unti pag ningas ng kalawakan sa paglabas ng mga bitwin. kelan ka huling lumabas kasama ng mga mahal mo sa buhay? kelan mo huling nakabonding ang kapatid, kaibigan o magulang mo? kelan ka huling naglinis ng kwarto? kelan ka huling nagsulat sa diary, kelan ka huling nagbasa at nakatapos ng libro? marami ka ng napapalampas. kanino mo gustong marinig ang salitang move-on? sa kanya? masarap maramdaman na kontrolado mo ang buhay mo. masarap makitang muli kang nakatayo, in-control, at nagagawa mo ang gusto mo. masarap maging malaya. repost fr. my friendster blog http://qtyn3th1218.blogs.friendster.com/qtyn3th/
| |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: Move On August 6th 2008, 11:16 am | |
| Talaga nga naman... feel na feel... from the heart ang kuwento... personal experience ba ito?
Madali lang gawin ang mag move-on... kailangan lang na positive parati ang outlook ng tao sa buhay... yung bang hindi masyadong fatalistic tuwing may mga pagsubok o kabiguang kinakaharap... para bang parati na lang "wakas ng mundo" tuwing mayroong failures sa buhay...
Siguro sapat na ang isang araw o isang linggo na magdalamhati... ang sumobra pa dito kawalan na ng pagmamahal sa sarili yun... kasi pinababayaan mo na ang sariling kasiyahan sa isang bagay na TAPOS na... kawawa namin si SELF... diba... | |
|
| |
gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Re: Move On August 6th 2008, 11:27 am | |
| aray aray aray pero tama ka, theres always a time for everything, time to mourn, time to cry, & time to move on... isang linggo lang? di kaya sobrang dali naman nun? | |
|
| |
belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6581 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| Subject: Re: Move On August 6th 2008, 11:33 am | |
| gneth.. payo mo amin? or para sayo? jokeness lang gneth.. ganyan talaga.. minsan kahit anong batuk gawin.. nakakat_nga pa din minsan. libo o milyon mo mang isipin mga dapat gawin.. ayaw talaga paawat ang iyong puso.. di mo maitanggi na sumaya ka minsan dahil dun.. kaya wala lang..di ko lam san patungo tong sinusulat ko.. just be strong.. anu pa man yan.. lilipas at lilipas din yan lalo pag natuto kang sumayaw sa tugtog.. keep on dancing with the tune.. surely.. it will alleviates sa iyong nararamdaman.. bow. :hug 1: | |
|
| |
gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Re: Move On August 6th 2008, 11:36 am | |
| | |
|
| |
belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6581 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| Subject: Re: Move On August 6th 2008, 11:45 am | |
| | |
|
| |
gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Re: Move On August 6th 2008, 11:52 am | |
| ahmmmm... malapit na malapit na nga siguro hahahahaha... aruuuuuu si mami belle, mukhang mas affected hahahahah | |
|
| |
belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6581 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| |
| |
gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Re: Move On August 6th 2008, 11:58 am | |
| ay mag aral nga rin akong sumayaw ng walang tugtog | |
|
| |
belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6581 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| Subject: Re: Move On August 6th 2008, 2:28 pm | |
| hahaha.. sige gneth.. kaya mo yang sumayaw na walang tugtog.. | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: Move On August 6th 2008, 2:33 pm | |
| Si Lola Belle ang expert sa love... lalo na sa moving on... diba Lola Belle... hehehe | |
|
| |
gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| |
| |
belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6581 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| Subject: Re: Move On August 6th 2008, 4:27 pm | |
| kaya mo yan gneth.. hahah | |
|
| |
gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Re: Move On August 6th 2008, 4:44 pm | |
| magpapractice na ko... mamaya pag uwi ko sa bahay hehehehe | |
|
| |
athena Senior Member
Dami ng Post : 1306 Puntos : 6003 Salamat : 0 Lokasyon : bacoor cavite Nagpatala : 2008-06-17
| Subject: Re: Move On August 7th 2008, 3:56 pm | |
| hahaha., ayos tong thread na to.,' kaya naman talagang mag-move on kahit 2days., hahaha., diba? diba? nasa sa iyo yun kung gusto mong mag-move on., may paraan., kaya lang., kung sobrang kulit nyang puso mo., e wala ka talagang magagawa., hay., ang pag-ibig nga naman., di mo alam kung tama ba ang ginagawa mo o mali., tama sa umpisa kasi naging masaya ka., tama pa rin ba sa huli kasi nagkahiwalay kayo? OR mali ba sa umpisa na mahalin mo sya? o mali parin na di mo sya pinagbigyan na mahalin ka? hay nakow! ano ba talaga?? see?? sa word na LOVE., madaming aspeto ang pwedeng pumasok., basta kung san ka masaya., dun ka na., move-on????? ikaw? sa sarili mo itanong kung gusto mong mag move on., kung oo., madali lang yan., kung hinde., aba! daig mo pa ang taong pinako sa krus nyan., kasi kapag puso ang sumasakit., lahat damay., pero ang taong pinako sa krus., kung ano lang ang may pinakuan., yun lang ang kumikirot at sumasakit di ba?? so pag-isipan nyo., | |
|
| |
gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Re: Move On August 7th 2008, 4:30 pm | |
| wow!!!!!! nice words athena ) mukhang expert sa love to ah... hehehhe | |
|
| |
Jhuly Moderator
Dami ng Post : 7543 Puntos : 6539 Salamat : 7 Lokasyon : Novaliches Nagpatala : 2007-10-28
| Subject: Re: Move On August 7th 2008, 4:34 pm | |
| oh baka expert sa moving on... hehehe | |
|
| |
gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| |
| |
athena Senior Member
Dami ng Post : 1306 Puntos : 6003 Salamat : 0 Lokasyon : bacoor cavite Nagpatala : 2008-06-17
| Subject: Re: Move On August 13th 2008, 7:25 pm | |
| - gneth wrote:
- wow!!!!!! nice words athena )
mukhang expert sa love to ah... hehehhe hahaha., di naman po., open lang po sa lahat po ng bagay kaya po ganito po.,hehehe | |
|
| |
athena Senior Member
Dami ng Post : 1306 Puntos : 6003 Salamat : 0 Lokasyon : bacoor cavite Nagpatala : 2008-06-17
| Subject: Re: Move On August 13th 2008, 7:25 pm | |
| - Jhuly wrote:
- oh baka expert sa moving on... hehehe
hahahaha., moving on? depende po talga sa tao po., hehehehehe., | |
|
| |
gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Re: Move On August 14th 2008, 1:19 pm | |
| tama minsan psychological na lang yung dika makamove on... kung nahihirapan ka divert your attention to other things (na makabuluhan) hindi sa isang panibagong relasyon. | |
|
| |
belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6581 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| Subject: Re: Move On August 14th 2008, 2:04 pm | |
| gusto minsan mag-iinarte sa buhay.. para magkaroon ng kulay gneth.. maiba naman ang takbo ng buhay.. hahahah | |
|
| |
gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| |
| |
belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6581 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| Subject: Re: Move On August 14th 2008, 2:16 pm | |
| baka gusto mo din pa-PAM-PAM kadalasay.. masaya yunn.. | |
|
| |
athena Senior Member
Dami ng Post : 1306 Puntos : 6003 Salamat : 0 Lokasyon : bacoor cavite Nagpatala : 2008-06-17
| Subject: Re: Move On August 14th 2008, 2:52 pm | |
| wahahahaha., ganun ba yun? tipong magdadrama para mapansing HEART BROKEN KA?? | |
|
| |
Sponsored content
| Subject: Re: Move On | |
| |
|
| |
| Move On | |
|