Latest topics | » US preparing war on North Korea and Iran!December 23rd 2017, 4:01 pm by James307 » MASAHISTA GROUP SA FB. (Massage and Spa Therapist)December 11th 2017, 2:41 pm by Ametron29 » Join PlanetRomeo and Manjam site. (Dating and fun)December 11th 2017, 2:23 pm by Ametron29 » Tunay na kahulugan ng buhay...December 10th 2017, 5:20 pm by James307 » Mga Pre. Masarap din magmahal ng tomboy...December 10th 2017, 5:18 pm by James307 » Strict gun ownership/policy and no to riding in tandemn/Ejk!December 10th 2017, 5:17 pm by James307 » Wonderful Story: Isang babae ang lumapit sa Pastor. December 10th 2017, 5:14 pm by James307 » Watch: Jesus film and Christian celebrities.December 10th 2017, 5:12 pm by James307 » BIG ONE AND WW3 IS COMING SOON... December 10th 2017, 5:10 pm by James307 » PAYPAL MONEY INCOMEAugust 10th 2016, 11:50 pm by jafdynasty » Much Awaited Movie This YearFebruary 9th 2015, 1:48 pm by justIGOR » musta mga repapipsFebruary 6th 2015, 3:53 pm by justIGOR » kALaYaAn... sAaN aT kAiLaN?February 5th 2015, 2:05 pm by justIGOR » Pinoy TriviaFebruary 5th 2015, 1:35 pm by justIGOR » Apps para sa mga masekreto at chismosaFebruary 4th 2015, 11:36 am by justIGOR » Cellphone ApplicationFebruary 4th 2015, 11:03 am by justIGOR » LoginFebruary 4th 2015, 10:35 am by justIGOR » PET LOVERS: SHIH TZUJanuary 8th 2015, 10:17 pm by James307 » OPLUS AND WINDOWS PHONE LUMIAJanuary 8th 2015, 10:16 pm by James307 » SMARTBRO POCKET WIFIJanuary 8th 2015, 10:15 pm by James307 » IPASA ANG FOI BILL! IBALIK ANG DEATH PENALTY!!!January 8th 2015, 10:12 pm by James307 » Christian Theology 101: Idolatry and Graven ImagesJanuary 8th 2015, 10:11 pm by James307 » Except a man be born again he cannot enter the God's KingdomJanuary 8th 2015, 10:10 pm by James307 » Facebook GroupSeptember 6th 2013, 4:33 am by tagubilin» SurveyJuly 19th 2013, 11:27 am by Punong Abala |
Poll | | Anung Cellphone Brand ang user friendly para sa inyo? | Nokia | | 62% | [ 8 ] | Samsung | | 23% | [ 3 ] | Motorola | | 0% | [ 0 ] | Sony Ericson | | 15% | [ 2 ] | LG | | 0% | [ 0 ] | VodapHone | | 0% | [ 0 ] | Alcatel | | 0% | [ 0 ] | Wala sa Nabanggit | | 0% | [ 0 ] |
| Total Votes : 13 |
|
Who is online? | In total there are 107 users online :: 0 Registered, 0 Hidden and 107 Guests None Most users ever online was 247 on November 21st 2024, 10:22 pm |
Statistics | We have 482 registered users The newest registered user is Ametron29
Our users have posted a total of 50867 messages in 1271 subjects
|
|
| Move On | |
| | |
Author | Message |
---|
gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Move On August 6th 2008, 10:47 am | |
| First topic message reminder : para sa mga gustong makamove on, this might help.... alam mong nasasaktan ka. ramdam mo ang hapding gumuguhit sa dibdib sa t’wing maaalala siya o kaya naman ay may magbibirong nariyan siya, nakita niya lalo na kung may kasama ng iba. ang katotohanan kasi, wala na kayo, nakahanap na siya at naiwan ka. masakit? susubukan mong makalimot, ititindig mo ang sarili at sasabihing “MAGSISIMULA AKONG MULI!!!!" BINURA mo na ang number niya. maaaring ang ilang larawan o mga love letters niya ay itinapon mo na rin. ang mga regalo niya, nasa kahon na o di kaya ay naipamigay mo na. sa ganitong paraan, pinapalaya mo ang sarili mo sa mga alaala niya. inaalis mo ang mga naiwan niya. gayunman, may mga alaalang mahirap alisin lalo na kung naiwan ito sa puso mo. napaso ka ba? pwede kang tumigil, magmura..... at dahil sa masasayang sandali ninyo, may mga kantang pinili ninyong maging theme song. paano ka ngayon makakaligtas sa radyo o sa mga concert o minsan, sa sasakyan. ilang beses mo na bang naranasan na masaya ka, maayos at ang araw ay tila para sa iyo nang biglang may maririnig kang awit na magpapaalaala sa inyo. pareho pa ba ang nararamdaman mo? ang hatid bang saya ng awit na ito noon ay katumbas ngayon? E’ kung biruin kitang ang awit na ito ay pinili rin nilang maging awit, o mas malala ay gawing theme song sa kasal nila? paano kung sabihin ko sa’yo na sa nararamdaman mo ngayon ay talo ka. handa ka ba kung sakaling magkasalubong kayo? ano ang sasabihin mo? Paano kung magtapat siya sa’yo at sabihing mahal ka pala niya. ikaw pala ang tama para sa kanya. nakabukas ang kanyang mga braso at naghihintay ng yakap. TATANGGGAPIN MO BA SIYA?! hindi mo ba iisiping nagbalik siya dahil alam n’yang hindi mo siya matitiis? dahil ang alam niya… siya ang sentro ng buhay mo? ouch?!! wala ng gustong makinig sa’yo. ang kwento ng pag-iibigan niyo ay alam na ng lahat ng kaibigan mo. hindi pa siya naisusulat at nagagawang telenovela o di kaya dulang panradyo ay pinagsawaan na ng mga tao dahil sa paulit-ulit mong kwento. wala ng gustong bumili sa mga sakit na nararamdaman mo. wala ng gustong makinig. dahil wala ng interesado… ikaw na lang ang naiwan diyan, at maging siya, wala ng pakialam sa’yo. ang pagkakaroon ng minamahal o ng kasintahan ay nagbubunga ng mas malaking barkada, ng kaibigan o ng nakikilala. sa madaling salita, lumalawak ang mundo. e’ bakit pinaliit mo ang mundo mo sa kanya?! paano mong tiniis na mabuhay nang nakasentro sa kanya? gumalaw-galaw ka muna at baka ka maistroke. TOTOONG MOVING ON FROM A RELATIONSHIP IS REALLY HARD. lahat ng reasons meron ka. infact pwede mong isulat ang 1001 reasons kung bakit mo nararamdaman ‘yan. gayunman, hindi mo pa napapapublish yan, may magsusulat na ng 1002 reasons why you need to move on, o kaya naman 1003 reasons kung bakit masayang maging malaya at 1004 reasons kung bakit ka dapat tawaging loser. alam mong hindi binibilang ang taon at lalong hindi sinusukat ang effort. alam mong pareho kayong naging masaya noon. ano ngayon ang dahilan para magsisi o manghinayang sa mga nakaraang araw? maaaring lahat ng mura ay naipukol mo na sa kanya. kung nakamamatay ang mga masasakit na salitang iyan, o ang galit na nararamdaman mo ay maaaring nailibing na siya. alam mong hindi maibabalik ng mga iyan ang relasyon ninyo. alam mong hindi mo siya mapipilit at alam mong hindi mo kontrolado ang buhay niya. marami kang alam pero ang totoo, merong kang hindi alam. alam mo ba na kontrolado niya ang buhay mo? alam mo ba na ginagawa ka niyang tanga hanggang ngayon? sa nangyari sa’yo, alam mo ba na maraming masasayang araw ang pinapalampas mo. alam mo rin ba na hindi mo kailanman mapapalitan ang minahal mong ‘yan, di mo mahahanap at di darating ang para sa’yo? dahil hindi mo alam na may taong handang gumalang sa nararamdaman mo, handa kang tanggapin, handa kang ingatan, handang magsakripisyo at mahalin ka ng labis kaysa sa pagmamahal mo? alam mo bang maaaring nariyan na siya kaso ay hindi makapasok sa buhay mo dahil sarado pa, dahil abala ka pa sa tumarantado sa’yo. o sabihin man nating ang mga iyon ay walang kasiguruhan, ang totoo ay hindi mo alam na ang paghihiwalay ninyo ay mas makabubuti sa’yo. kelan ka huling humigop ng kape o ng tsaa kasama ng mga kaibigan mo? kelan ka huling nagjogging? kelan ka huling nagbakasyon. kelan ka huling tumingala sa langit at pagmasdan ang paglipad ng malalayang ibon at paggalaw ng ulap. kelan mo huling nasulyapan ang paglubog ng araw at unti-unti pag ningas ng kalawakan sa paglabas ng mga bitwin. kelan ka huling lumabas kasama ng mga mahal mo sa buhay? kelan mo huling nakabonding ang kapatid, kaibigan o magulang mo? kelan ka huling naglinis ng kwarto? kelan ka huling nagsulat sa diary, kelan ka huling nagbasa at nakatapos ng libro? marami ka ng napapalampas. kanino mo gustong marinig ang salitang move-on? sa kanya? masarap maramdaman na kontrolado mo ang buhay mo. masarap makitang muli kang nakatayo, in-control, at nagagawa mo ang gusto mo. masarap maging malaya. repost fr. my friendster blog http://qtyn3th1218.blogs.friendster.com/qtyn3th/
| |
| | |
Author | Message |
---|
gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Re: Move On August 22nd 2008, 11:05 am | |
| hahahaahaha... no comment ;D | |
| | | athena Senior Member
Dami ng Post : 1306 Puntos : 6003 Salamat : 0 Lokasyon : bacoor cavite Nagpatala : 2008-06-17
| Subject: Re: Move On August 24th 2008, 11:52 am | |
| - gneth wrote:
- hahahahahaha... bakit di ka na ba bata?
hmpf., iba ang bata sa dalaga di ba?? | |
| | | athena Senior Member
Dami ng Post : 1306 Puntos : 6003 Salamat : 0 Lokasyon : bacoor cavite Nagpatala : 2008-06-17
| Subject: Re: Move On August 24th 2008, 11:52 am | |
| - Jhuly wrote:
- Si Mariel bata pa yan...
ganun?? bata ba talaga ko?? | |
| | | athena Senior Member
Dami ng Post : 1306 Puntos : 6003 Salamat : 0 Lokasyon : bacoor cavite Nagpatala : 2008-06-17
| Subject: Re: Move On August 24th 2008, 11:53 am | |
| - belle wrote:
- bata pa kuya si mariel?
kaw kuya? anu ka na? muka ba talaga akong bata? hay., si kuya jhuly? lolo na nyan.,jowk., | |
| | | bantay Senior Member
Dami ng Post : 2175 Puntos : 6061 Salamat : 0 Lokasyon : muntinlupa Nagpatala : 2008-04-18
| Subject: Re: Move On August 26th 2008, 10:47 am | |
| bata? *whistles*
hehe sa edad nila shel, bata tayo.. hehe..
yaw mu nun.. pag tumuntong tayo sa edad nila.. mamimiss din natin na tawaging bata.. haha | |
| | | gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Re: Move On August 27th 2008, 11:25 am | |
| hahaha... cige dalaga at binata na lang... ako na lang ang bata pa hahahahahaha | |
| | | bantay Senior Member
Dami ng Post : 2175 Puntos : 6061 Salamat : 0 Lokasyon : muntinlupa Nagpatala : 2008-04-18
| Subject: Re: Move On August 28th 2008, 10:48 am | |
| hahaha sabi sayo.. ayos lang tawaging bata sa paningin ng mga matatanda wahahaha | |
| | | gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Re: Move On August 28th 2008, 11:23 am | |
| anu raw yun bantay? hehehehehe | |
| | | bantay Senior Member
Dami ng Post : 2175 Puntos : 6061 Salamat : 0 Lokasyon : muntinlupa Nagpatala : 2008-04-18
| Subject: Re: Move On September 1st 2008, 9:39 am | |
| ayun lang yun hehe hindi kasi nya matanggap na tawaging bata hahaha enjoy nga yun eee | |
| | | athena Senior Member
Dami ng Post : 1306 Puntos : 6003 Salamat : 0 Lokasyon : bacoor cavite Nagpatala : 2008-06-17
| Subject: Re: Move On September 30th 2008, 12:19 pm | |
| tama.,dalaga na ako., iba na yung bata., | |
| | | gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Re: Move On September 30th 2008, 12:31 pm | |
| hahahaha..
ako rin dalaga na ;D | |
| | | belle Moderator
Dami ng Post : 4209 Puntos : 6581 Salamat : 7 Lokasyon : malapit sa tabi mo.. Nagpatala : 2008-02-08
| Subject: Re: Move On September 30th 2008, 12:47 pm | |
| kahapon.. may nagsabi na bata pa daw ako.. hahaha..
kasi siyang 63 na.. hahah | |
| | | gneth Active Member
Dami ng Post : 3566 Puntos : 6054 Salamat : 1 Lokasyon : san juan city Nagpatala : 2008-07-21
| Subject: Re: Move On September 30th 2008, 1:41 pm | |
| hahahaha..
eh bata ka pa nga nun mami | |
| | | Sponsored content
| Subject: Re: Move On | |
| |
| | | | Move On | |
|
Similar topics | |
|
| Permissions in this forum: | You cannot reply to topics in this forum
| |
| |
| |