James307 Newbie
Dami ng Post : 121 Puntos : 6015 Salamat : 0 Lokasyon : Pampanga Nagpatala : 2009-04-09
| Subject: *Kung tunay kang Kristiano, naisip mo ba ito?* April 27th 2009, 9:22 pm | |
| TUNAY NA KRISTIANO O KRISTIANO KUNO?
*Ang maging tunay na Kristiano ay maging mananampalataya at tagasunod ni Kristo.
*Subalit hindi lahat ay Kristiano at tunay na Kristiano na sumusunod kay Kristo.
*Ang tunay na Kristiano ay naligtas sa biyaya ng Diyos sa pananampalataya kay Kristo Hesus.
*Ngunit may mga nanampalataya daw sa Kanya subalit masama ang kanilang mga bunga.
*Na ang tunay na Kristiano ay nangangaral at namumuhay ayon sa kalooban ng Diyos.
*Nakakalungkot na maraming dinaya si satanas ng mga relihiyon, tradisyon mali at gawang doktrina ng tao.
*Ang tunay na Kristiano ay handang tumanggap ng pagkakamali at ituwid ito mula sa Salita ng Diyos.
*Subalit ang Kristianong mapagmataas na nasa pagkakamali ay ibabagsak ng Diyos.
-Kaibigan, saan ka sa dalawang ito? Siyasatin mo ang iyong puso at tignan mo ang buhay ng isang tunay at isang bulaang Kristiano.
MGA MALING BINTANG SA MGA KRISTIANO
*Na wala daw sa gawa at puro lang pananampalataya?
Kakain ba siya kung hindi siya gagawa? At Kristiano ba ang hindi nagpapakita nito?
*Na nagbibigay upang yumaman ang pastor? O palakihin ang gusaling sambaan?
Ang pagbibigay ay para sa gawain ng Diyos at ito ay kusang loob hindi para sa sarili kundi para sa Diyos.
*Buhay na walang hanggan na pinanghahawakan ng mga Kristiano na eternal
Ito ay biblical at pangako ng Diyos lahat at pinapatawad niya ang mga sincere na humiingi para sa unti unting pagbabago.
*Na may mga hypocrite sa Church?
Kahit saan ka magtungo mapa skwela o pamahalaan may mga hypocrite.
*Mga Kristianong bumabagsak sa Kasalanan sinasadya o hindi,
Walang taong perpekto at hindi nagkakasala, subalit ang mga Kristiano ay pilit lumalakad ayon sa katwiran dahil sa pag- ibig nila sa Diyos.
*Mga Kristiano na hindi daw rumirespeto sa paniniwala ng iba?
Ang tanong ay kung ililigtas ng respeto ang kaluluwa ng tao na patungo sa impyerno? Dahil sa kasalanan at kamalian ng paniniwala.
*Masyadong nagpapakabanal at matuwid?
Dahil lumalakad ang isang Kristiano sa tama at naayon sa ikabubuti rin nito.
*Na pagiging stranghero sa mata ng mga hindi Kristiano o iwalay sa mga makasanlibutan.
Dahil ang isang tunay na Kristiano ay lumalakad sa Spiritu at Katotohanan.
-Kristiano, nakikita ng Diyos ang mga paglilingkod mo, pagpapakasakit at luha at sa langit gagantimpalaan niya ang pagtatapat mo.
TUNAY NA KRISTIANO KUMIKILOS
*Especial ang pagkatawag sa ating mga lingkod at mga anak ng Diyos.
*Na ating sampalatayanan si Kristo tayo ay pinagkalooban ng eternal na buhay sa langit.
*Subalit atin nawang ibalita ang pagliligtas ni Hesus sa krus ng kalbaryo sa iba upang sila rin ay tumanggap sa Kanya bilang Panginoon nila at Tagapagligtas.
*Tayo ay hindi sa sanlibutan kundi tayo sa sa pamilya ng Diyos at mamamayan ng langit.
*Wag nating sayangin ang pagkakataon na ang panahon at oras ay mahalaga.
*Sinong isusugo Niya? Sinong magsusuko ng buhay para sa Panginoon?
Kung hindi ngayon kailan ka pa maglilingkod? Kapag huli na ba ang lahat?
*Malaki man o maliit na paglilingkod ito ay mahalaga sa Diyos dahil kasama at kaisa ka sa dakilang gawaing ito.
-Atin nawang gamitin ang opportunidad na makapangaral maging sa internet sa forum o sa chat man, pagka’t kailangan ka nila at ng bawat kapatiran.
ANG KASALANAN DULOT AY PARUSA
*Pagsamba sa mga diyus-diyosan- na nagbunga ng sumpa sa bawat lahi at salinlahi.
*Korupsyon- na nagdulot ng kasiraan at kawalan sa tao.
*Krimen at kaguluhan- mga pagpatay maging sa mga inosenteng tao at pananakit sa mga tao.
*Droga, Alak, Sigarilyo at Sugal- mga kalayawan na nakakasira sa kinabukasan ng isang tao.
*Prostitusyon at Pangangalunya- Bunga ay sirang pamilya at karumihan.
*Diskriminasyon- na dulot ay hindi pagkakaisa ng mga tao at panghuhusga sa kapwa.
*Maling Doktrina- Pagkaligaw ng tao at pagkapahamak ng kaluluwa sa impyerno.
*Laban sa Kalikasan ng tao- ito ay ang pagiging bakla o tomboy na ginagawang lifestyle dahil sa kalayaan subalit mali at sanhi ng ka immoralidad, pag iilusyon at pagkukunwari.
-Masdan mo ang katotohanan hanggang kailan mag bubulag bulagan? At mag bibingibingihan? Pasama ng pasama ang mga tao at dahil dito kaya siya napapahamak at mahahatulan ayon sa ginawa niya dahil ang Diyos ay matuwid upang humatol.
MESSAGE FROM:
*Fundamental and Southern Baptist Church, Born again Christian Churches, Independent Full Gospel Churches in the Philippines, 700 Club Asia, 702 DZAS, Jesus is Lord Movement, Jesus Reigns of UBC 12, RBC Ministry and www.christianster.com etc.
Thank you and God bless you Christians and Non Christian reader and doers. | |
|