(Basahin at unawain)
Paano ba natatawag at nagiging tunay na Kristiano ang isang tao?
Ang pagiging isang TUNAY NA KRISTIANO ay dahil sa pananampalataya kay Kristo bilang Panginoon at tagapagligtas. (Juan 3:16)
Nakabatay sa BIBLIYA na salita ng Diyos, hindi sa mga relihiyon o mga gawa gawang tradisyon ng tao.
Na sinasamba ang Diyos sa SPIRITU at KATOTOHANAN (Juan 4:24)… hindi sa sumasamba sa mga nilikha at mga ginawa ng kamay ng makasalanang tao.
IKAW mismo ang pipili ng paniniwala mo hindi ng mga magulang mo o nakagisnan niyo, kaya nga binigyan ng Diyos ang tao ng free will.
Utak para MAGSALIKSIK, puso para MAG DESISYON, walang pumipilit sa iyo kundi kusang loob.
Hindi rin dahil sa bautismo nun sanggol ka, dahil wala ka pang kaalam alam sa Salita ng Diyos ni hindi ikaw ang pumili kung magiging Kristiano ka o muslim etc.
Hindi rin dahil mabuti kang tao eh pupunta ka dun, walang mabuti at lahat ay nagkakasala, sa biyaya ng Diyos at habag kaya tayo pupunta sa LANGIT. (Epeso 2:8-9) (Tito 1:2, 3:5)
Buksan nawa ang isipan at lawakan kaibigan, ito ay pagtutuwid at mensahe ng Diyos kundi ka pa ligtas at di mo nauunawaan ang tunay na KAHULUGAN ng tunay na Kristianismo.
Ang Diyos ay MABUTI at MATUWID, at dahil sa kasalanan ng tao at pagsuway kaya siya napapamahamak at tutungo sa IMPYERNO.
Lahat ay hindi biro at maikli lang ang buhay sa mundo, hindi ko sinasabi ito dahil sa relihiyon kundi dahil ito ang katotohanang sinasabi ng Salita ng Diyos.
At dahil may nagsabi rin sa akin kaya ko ito nalaman, inunawa ko ito ay aking tinanggap.
Mahalaga na ikaw ay may PUNDASYON, na di ka kayang iligaw ninumang bulaang tagapagturo at ikaw ay SIGURADO at NAKAKASIGURO ng iyong paniniwala at kaligtasan (Kay Kristo- HESUS).
May katanungan about sa kaligtasan? (Pananampalataya o gawa?)
Visit
http://www.Jesussaves.blog.comMarami pang pag- aaral sa Biblya at mga explanasyon:
http://www.gotquestions.org/tagalog/Paglalahad ng mga maling katuruan at mga kakultuhan:
Visit
http://www.thebereans.net Nais makipag fellowship, mag explore at mag contribute sa mga pinoy sites:
Visit PINOY RELIGION FORUM, PINOY FORUM at PINOY TAMBAYAN FORUM sa google.com
Thank you for your concerns and God bless.
“TO LIVE IS TO SERVE GOD AND PEOPLE”, Be simple, be balance and be True to yourself,
Jesus Saves! Philippines reform better…
Angeles City, Pampanga 2009.
01-11-2010/1:53PM