http://kamalayangkalayaan.wordpress.com/2009/07/09/mukha-ng-lipunan-isang-panawagan/?preview=true&preview_id=540&preview_nonce=13e46ba6e0 Isang panawagan sa mga Politiko na gumagasta ng daang daang libo para sa mga anunsiyo sa Telebisyon, Radyo at Pahayagan
.SANA dito niyo na lang ginasta sa KANILA ang daang daang libo o milyon pa na inyong mga binayad
. Mas me katuturan
.at me Dahilan
mas mararamdaman ko iyon kesa sa sinasabi niyo lang
Hindi mo na kailangang pumadyak
Hindi mo na kailangang sabihin galing ka sa hirap
Hindi mo na kailangan bigkasin ganito kami
Ang higit na kailangan namin ay tutulong ka
Kahit na walang kaharap na media
..- Kamalayang Kalayaan
original link
Ang pinay brodkaster
http://angpinaybrodkaster.wordpress.com/2008/01/18/37/Mukha
By Lenggai
Meet Jackie. 5 years old.
Meron siyang neurofibromatosis, sakit kung saan may mga tumor na tumutubo sa litid o nerve ng isang tao. Hindi ito nakakahawa, pero puwede itong mamana.
Masayahing bata si Jackie, at ang kanyang paboritong kalaro, ang kanyang bestfriend at bodyguard, ang kanyang Ate Jamby.
Buong buhay niya, hindi pa nakakarating ng mall si Jackie. Choice din ng kanyang Nanay.
Maliit lang daw itong sakripisyo para maprotektahan ang anak sa lupit ng mga tao sa labas.
Hindi masakit ang bukol na halos sumakop na sa buong mukha nung bata, ang mas masakit daw eh yung pangungutya ng mga tao sa kanya.
Ganun din ang opinyon ng Nanay ni Emma, 25 years old. Taga-Camarines Norte.
Dahil sa kanyang kondisyon, itinago na siya ng kanyang ina sa maliit na barong-barong na ito sa gitna ng kabundukan.
Grade 1 lang ang naabot niya dahil pinatigil siya ng kanyang mga maestra sa pag-aakalang nakakahawa raw ang kanyang sakit.
Ngayon, sa laki ng bukol ni Emma, lumawlaw na ang kanyang tenga. Dahil nga wala silang pera, tanggap na niya na ito ang magiging kapalaran niya habambuhay.
Ito ang segment ko para bukas.
Ito ang bago kong pinagpupuyatan,
Hindi pa nga ako tapos dahil may shoot pa mamaya. As usual, hindi na naman ako makatulog. Ok lang dahil idlip lang ang kailangan ko, babalik pa ako sa opisina bago mag-alas singko ng madaling araw para mag-preview ng shoot ko kanina kina Emma.
Pagkatapos kong mag-preview, kailangan ko nang magsulat ng script. At mag-shoot ulit.
Sana lang, mabigyan ko ng hustisya ang kuwento nina Jackie at Emma.
Sana lang, mabigyan ko ng boses ang kanilang magagandang pangarap.