Buod ng aking buhay (pagkabata hanggang kolehiyo)
Written in Tagalog...
1988 -Born, sa Dolores, Mabalacat Emergency Hospital.
1989 to 1991- nasa Sn. fernando kami, nag aral ako ng kinder sa sn. nicholas.
1992 to1993- nagpalibot libot kami A.C., Cabcom tapos nag pasyal sa iba't ibang lugar sa mabalacat.
1994- nakarating kami sa Mauaque at dito naman nagstart ang panibagong buhay at namuhay kasama ang mga kaibigan.
1995 to 2000- nag aral na akong ng elementarya sa MRES, at nagkaroon ng magagandang karanasan at paglalakbay tulad ni tom sawyer, na elect akong class president for the first time Grade 6, at Nagraduate ng Elementarya noong 2000 (nag aattend kami sa isang Baptist Church sa GSBBC at naglalaro ako noon ng ps- 1 maraming kakatuwang nangyari sa aking pagkabata).
2001 to 2004 Nag aral na ako ng High school natuto akong magpakatatag at namulat ako sa mga bagay bagay sa paligid ko (itong taon na ito ang pinakamahirap na pagsubok sa buhay ko at mga pagkabigo ang nangyari)
na elect ako bilang class president for the second time sa first yr., sumali ako sa C.O.C.C noong second yr. ako, noong third yr. na elect ako bilang vice pres. ng class at noong fourth yr. natapos na ang C.A.T at nagkaroon kami ng intrams at JS 3- 4 yr. (lumipat kami ng church sa the word baptist church dito na ako naglaro ng pc games ex: counter strike), at nag graduate na kami noong 2004 sa wakas, bago kami lumipat marami kaming nakaibigan at naakay sa panginoon at hindi na namin alam kung ano na ang nangyari sa kanila pagkatapos?.)
Noong 2003 nakilala ko ang Panginoong Hesus na akin Siyang tinanggap sa Aking Puso bilang aking sariling tagapagligtas at naunawaan ko ang Kanyang Banal na Salita.
2005- nag aral ako sa kolehiyo at nakasama ko ang mga iba't ibang klase ng tao at marami akong nakaibigan, nagkaroon kami ng mga gimiks (nagbabakasyon ako noon kina auntie myra, habang nag study ako at nagbibigay ako ng tracts noon.)
2006- tuloy pa rin sa kolehiyo maraming mga pangyayari, maraming masasayang araw na di ko makalimutan, maraming mga tagumpay at pagbagsak at marami rin namang mga pagsubok na nalampasan (nagkaroon ng malawakang pamimigay ng tracts kasama ang mga ka church ko.)
2007- eto na at kami ay patapos na ng kolehiyo kasama ko ang mga matalik kong kaibigan, maraming ginagawa at nag defend kami noon sa SAD, at sa wakas graduation na namin sa kolehiyo bilang mga computer science student.
(dito nagsimula na akong magtrabaho kina auntie myra ko sa reach out 7 at sa net nag preach ako at nakagawa ako ng mga sites, salamat sa Diyos sa mga ala alang ito na masusundan pa at dalangin ko na marami pang masasayang alaala ang sa aking buhay...)[/u]